D

19 0 0
                                    

-6-

Natapos na yung sayaw namin doon at talagang ramdam ko ang effort ni Rish.

February na at nalalapit na ang prom. Yung mga kaibigan ko ay may partner na, ako nalang yung wala.

"Yayain mo si Rish." Natatawang sabi ni Cleo.

"Eh, ano siya chicks?" Nakakahiya kaya.

"Nakakaasar kasi, alam kong gusto ka ni Rish kaso napaka bagal niyang kumilos. Mas babae pa ata saiyo yun." Seryosong saad ni Kairo.

Namilog ang mata ko sa kanyang sinabi.

Kaibigan niya si Rish at halos lagi silang mag kasama. Paano kung totoo yung sinabi niya?

"Lagi kasing tinataboy at humihindi si Dawn." Reklamo ni Era.

"Paanong taboy?" Tanong ko kay Era.

"Taboy, kapag tinatanong ka namin kung gusto mo siya sinasabi mo na hindi kahit alam naman talaga namin."

Bakit pa kayo nag tatanong kung alam niyo naman pala?

Gustong gusto ko sabihin ang mga katagang iyan ngunit mahuhuli ako kapag nangyare yan. Sobrang hiya mararamdaman ko kapag nag kataon.

Binatukan siya ni Aly. "Tanga, indenial tawag dun."

"Eh, kahit ano. Ganoon parin naman ang ibig sabihin nun."

"Wala naman kasing mawawala saiyo kung aamin ka." Tipid na sabi ni Kairo.

Kilala ko na si Kairo since grade 7 at yung mga ganyan niya ay hindi eepekto sa akin dahil ilang beses na akong nabiktima niyan.

Hindi ko pinansin ang kanilang pinag sasabi dahil tingin ko tama ang desisyon ko.

Dapat akong tumahimik sa nararamdaman ko. Dahil kung para sa akin naman talaga si Rish ay gagawa ng paraan ang tadhana.

Parang noong grade 9 ay ako nanaman ang natira at si Rish ang pipili ng magiging kapartner niya. Pero this time, ako at si Zeyllia ang pag pipilian niya.

Alam kong natural si Zeyllia at mas alam ko na mas maganda ito sa akin. Sa kabila nun, gusto kong ako parin ang piliin ni Rish. Sana ako parin ang piliin mo.

Pagkadating ni Rish ay tinignan niya kaming dalawa. Hindi na halos ako makahinga sa pangyayari. I hate this feeling.

"Si Zeyllia." Ngumisi ito kay Zeyllia at kinuha ang kamay nito.

Yumuko ako at lumapit sa teacher ko dahil tinawag niya ako.

"Pwede kang manood, pwede ka ring umakyat na dahil sa grade 11 ka namin ililipat."

Tumango ako at piniling umakyat.

Ansakit

Yung mga tingin niya sa akin lalo na nung modelling ay medyo umaasa na ako. Hindi ko na siya gusto, eh.

Mahal ko na

Tapos ganito ang mangyayari? Bakit si Zeyllia ang pinili niya?

Pagkaakyat ko sa room ay isinarado ko yung pinto pati na rin ang ilaw. Yumuko ako sa desk ko at umiyak.

Mahilig ako sa libro at may mga fictional character doon na lalaki. Akala ko yung mga character lang na iyun ang iiyakan ko.

Mali ako

Maling mali

Hindi ako mabilis ma fall at bago pa mag simula ang larong ito ay ipinangako ko na sa sarili ko na hinding hindi ako mafafall.

Totoo pala yung sabi-sabi na 'wag kang magsasalita ng tapos o kakainin mo lahat ng sinabi mo.'

Heto ako ngayon at mag isa sa kadiliman.

Pag tapos kong umiyak ay pumunta ako sa banyo para mag hilamos. Ang kagandahan sa mata ko ay hindi ito namamaga kapag umiiyak ako. Kaya pwedeng pwede ako umiyak ng patago ng hindi nila nalalaman.

"Iyan kasi, tinatanggihan mo kasi lagi si Rish kaya humanap ng iba." Asar ni Kairo.

Asar na talagang sobrang lalim ng tusok sa akin.

Ano ba kasing magagawa ko? Duwag ako, eh.

Natapos ang araw na iyun na sobrang depress ko. Kinabukasan ay hindi ko maharap ng maayos sila Rish at Zeyllia. Naiingit ako.

Uwian na at nag kayayaan kami ni Aly na mag Sm muna. Umuwi muna kami sa kanya kanyang bahay para makapag ayos ng sarili. Habang nag aayos ako ay hindi ko mapigilan ang aking isipan.

Paano kung humingi ako ng sign kay tadhana?

Ini-alarm ko ang phone ko at nilagyan iyun ng title. Ang title nun ay ang sign na hinihingi ko. Isinet ko ang phone ko sa 9:00pm

Inayos ko na ang sarili ko at dumeretsyo na sa bahay nila Aly para makapunta na kami sa sm.

Naghahanap kasi siya ng pang regalo para kay Kairo. Sobrang natuwa naman ako dahil mataggal ko na silang gusto mag katuluyan, pero lagi nilang sinasabi na mag kaibigan lang daw talaga. Naaawa ako kay Kairo.

Nag hahanap din kasi ako ng mabibili na kahit ano sa sm. Para rin makapagpalamig.

Pag punta sa sm ay naglibot kami. Sobrang nakakapagod yung paghahanap namin pero worth it din naman dahil nakikita ko ang ngiti ni Aly habang iniisip ang magiging reaction ni Kairo sa kanyang regalo.

"Gutom na ako." Reklamo ko kay Aly.

"Same bitch, same." Natawa ako sa ginawa niyang tono.

Nag bato-bato pick pa kami kung san kami kakain. Pero napagkasunduan nalang namin na pumunta sa food court at mag hanap ng kung anong magustuhan. Pag kadating ng pagkain namin ay agad naming nilantakan ito. Mag kaharap kami ni Aly kaya tinuro niya ang nasa likudan ko. Mga lalaki na nakatingin samin ngunit umiwas din naman ng tingin.

"Kanina pa tumitingin dito yan." Turo niya. Tumawa nalang ako.

"Baka iba tinitignan, maraming tao naman dito kaya di natin masasabi." Saad ko at kumain nalang.

Uminom ako ng Calamansi Juice at tumingin tingin sa paligid ko.

Natiggilan ako sa pag inom. Hindi na ako makahinga ng maayos dahil parang sinabuyan ng asin ang mga bulate ko sa tyan.

Totoo ba ito?

Napansin din ni Aly ang pag katiggil ko kaya nilingon niya ang tinigignan ko.

"Rish!" Tawag niya rito at lumingon agad ito. Kasama niya ang kanyang mga magulang.

Kumaway si Aly kaya napakaway rin ako at ngumiti.

Hindi

Hindi ko alam ang gagawin, ang mararamdaman.

Biglang nag alarm yung phone ko kaya napabaling doon ang tingin ko.

9:00pm

Makita si Rish sa Mall.

Agad kong pinatay ito sa takot na makita ito si Aly.

Nag katotoo. Medyo impossible yung sinabi ko pero nag katotoo parin. Napangiti ako ng dahan-dahan.

"Yieee, meant to be talaga kayo, oh!" Sinundot pa ni Aly ang pisnge ko.

Hindi mawala ang ngiti ko. Para akong nanalo sa lotto.

I didn't expect to see something unexpected.

UNTOLD FEELINGSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon