T

15 0 0
                                    

-3-

Tapos na ang lahat at bakasyon na. Bago mag grade 10 ay may ipinakilalang laro saakin ang kaklase kong lilipat. Mobile legends.

Hindi ako magaling pero nainganyo ako laruin kaya no choice ako kundi mang cancer. Si Eudora ang first na naging main ko dahil natutuwa ako sa kidlat nito. Noong una ay ginamitan ko pa ito ng Inspire.

Weeks later at talaga nalamon na ako ng Mobile legends. Sobrang nagagandahan ako ng bongga. Naging main ko naman si Harith dahil nasabi ng kaklase ko dati na O.P raw ito. Naging main ko rin ito at masyado akong natuwa sa Harith at first time kong maka 30 kills dito ng hindi namamatay.

I Feel So Pro!

Chinat ko si Kairo at tinanong kung nag lalaro ba siya ng Mobile Legends at umoo naman ito. Napag alaman ko na isa siya sa top user ng Guinevere. Nanghingi ako sakanya ng build ni Harith pero sinabi niya na kay Rish daw ako manghingi.

Nag lalaro pala yun?

Rish Lucero:

Rish, enge build Harith.

Wala ng batian at straight to the point akong nanghingi. Mabilis naman itong nag chat.

Sige sige.

-Rish

Sinendan niya ako ng picture ng build niya. Agad kong sinet yung mga item na binigay niya sa build ko.

Laro tayo? Pabuhat!

-Dawn

Sobrang boring kasi na mag laro mag isa kaya niyaya ko siya at pumayag naman siya. Mythic siya at may 98 stars habang ako naman ay Gm na kanserus. Gumamit siya ng Freya at nagulat ako sa galing niya. Sa bawat laro namin ay hindi pwedeng hindi aabot sa 20 or 30 ang kills niya.

Nag patuloy kami sa pag lalaro noong bakasyon at magaling siya sa halos lahat ng roles o hero. Nakasama rin siya sa Top user ng Freya at yung Harith niya rin ay nasasama sa ganyan.

Sabay kaming nag aaksaya ng lakas sa larong wala naman kaming makukuha. Hindi ko na halos malaman kung paano basta ay naging close kaming dalawa at araw-araw mag ka chat. One time ay nakausap ko siya at sinabi niyang kaya raw siya napapatingin saakin ay dahil nagagandahan siya saakin na hindi ko pinapaniwalaan.

Umabot sa punto na grabe na yung trip namin at gumawa kami ng call sign.

Love, ayaw ko na rito nabobored na ako.

-Rish

Natawa ako at nag type na.

Tanga! Enjoyin mo yan, minsan lang yan para maramdaman mo kung gaano ka fresh yung hangin dyan.

-Dawn

Nasa Baguio kasi sila. Ayaw na ayaw niyang umaalis kasi nabobordo lang daw siya.

Kaya lang ako natutuwa kasi kausap kita.
-Rish

Hatdog ka ba?
-Dawn

Puro walang kwenta usapan namin minsan, no! Scratch that. Everyday walang kwenta ngunit masaya. Ansarap sa pakiramdam na may nashesheran ako ng mga bagay at nakakapag open ako sa ibang tao. Pwede naman kanila Aly, Era at Cleo ang kaso ay masyadong ordinaryo ang kwento ko na pwede na itong injanin.

Ano uli Middle name mo?
-Rish

Hulaan mo.
-Dawn

'Di bali na, magiging Perez din naman yan pag pinakasalan kita.
-Rish

Banat pang grade 7, no?
-Rish

Halos lahat ng vacation ko ay boring but this year? It's a no no. Inintroduce niya ako sa Naruto. Mahilig ako sa anime pero bilang lang ang mga napanood ko at halos lahat ay may love story o gwapo yung bida dahil doon ako mas ginaganahan.

Unahin ko Boruto bago mag Naruto para kakaiba.
-Dawn

Sige Love, Hulaan mo kung ano pinag sasabi nila.
-Rish.

At dahil sakanya, natuto akong iappreciate ang Naruto. I find it really interesting. Sinimulan ko talaga sa Naruto at pursigidong tapusin lahat ng episode nito.

Siya na minsan pinag kwekwentuhan ko ng kung ano-ano.

Ano gusto mo magiging pangalan ng magiging anak mo?
-Dawn

Mahilig akong mag isip ng mga pangalan dahil mahilig ako gumawa ng story. Oo story, sobrang hilig ko gumawa.

Kahit ano. Ikaw na mag isip, magiging anak mo rin naman yun.
-Rish

Natatawa ako habang nag titipa. Bakit ba ang witty mong hinayupak ka!
Nag continue na ganun kami. Ewan ko kung pano yun nangyare.

Nag kwentuhan lang kami at nasabi niya na marami raw nag chachat sakanya na babae at nag send pa siya ng screen shot! Legit! Isa raw sa mga ayaw niya ay mga babaeng nag hahabol sakanya. Gusto ko siyang konyatan kasi ng hangin niya.

Mabilis ang pangyayare at hindi ko na alam na malapit lapit na pala ng pasukan at sakanya lamang umikot ang bakasyon ko. Ipinangako ko sa sarili ko na hinding hindi ako mag kakagusto sakanya dahil wala akong makitang rason.

Mahilig akong magsulat ng story at mas mahilig akong mag basa sa wattpad. Kaya matataas ang standard ko sa lalaki at alam iyan ng mga kaibigan ko lalo na ni Rish. Sinesend ko kasi sakanya yung mga naririject ko at tinatawanan namin.

Tangina

Kinarma ako sa pananawa sakanila

Isang maling move yung ginawa ko

Bumaliktad ang ihip ng hangin at ito ako ngayon at nag durusa ng malala.

UNTOLD FEELINGSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon