-4-
Noong unang pasukan namin ng grade 10 ay na a-awkwardan ako dahil bawat lapit ko sakanya ay nakakarinig ako ng pang aasar sa mga kaibigan ko, lalo na sa boy best friend kong si Kairo na best friend din ni Rish. Alam kasi nilang lahat na magkalaro kami lagi ni Rish.
Dahil siguro sa awkward at pangungutya ng kaklase namin kaya hindi na kami masyado nag uusap.
Pero ang pangungutya ng kaklase namin saamin ang nag silbing Spell para matuluyan akong malaglag sa taong ito.
"So ano? Sino imomodel niyo?" Nag aantay na tanong saakin ni Aly.
"Hades and Persephone." Excited na sabi ko. I really love Hades because he is so faithful.
"Bakit iyun? Ayaw mong si Zeus tas Hera? Para mas mabait." Agad akong umiling at inihanda ang sarili para sa pangmalakasang speech.
"It's a no, Aly. Napakabait ni Hades, hindi porke God siya ng underworld ay masama na. Sinunod niya lang ang utos ni Zeus na mamuno doon and beside he's so faithful. He's willing to give his all just for her beloved Persephone." Tumango nalang ito at itinapon 'yung tissue na ginamit niya pamunas kaganina sa gulaman
"Tara na," biglang sulpot ni Era dala ang pagkain na naka styro.
Isang sulyap muna ang ibinigay ko kay Rish na naka tingin din pala saakin. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko at nabibingi ako, para akong tumakbo ng dalawang kilometro sa sobrang bilis ng tibok nito. Umiwas din ito ng tingin at sinulyapan si Kairo na nag bibilang ng pera.
"Yung mga mata mo, Dawn. Ah!" Pangungutya saakin ni Aly na inirapan ko.
Walang may alam na gusto ko si Rish. Tanging sarili ko nalamang na itinatangi pa kahit na positibo ako sa bagay na iyun.
"Tara na nga baka ma-late pa tayo kay sir." Yaya ko sakanila. Kinuha ko na 'yung chichirya na kinakain ko para may manguya ako habang nag lalakad .
Hindi naman gaano kalaki yung school namin at saktuhan lang para sa dami namin. Walang court o anuman. Meron lang kami ay Chapel na nag sisilbing auditorium namin. Sa auditorium namain ay may likod at second floor kung saan nakalagay iyung library namin.
"Alam mo, Dawn. Kahit 'di mo sabihin alam namin na may gusto ka kay Rish. I-denay mo man sa sangkatauhan, alam na namin." Humawak pa sa braso ko si Era na para bang kinukumbinsi ako sa nararamdaman ko.
Oo, alam kong gusto ko siya at mataggal na ito. Hindi niyo na kailangan kumbinsihin ako kasi kumpirmado ko na.
"In-denial lang yan!" Dagdag pa ni Cleo na kagagaling lang sa Cr.
Kung wala siya sa tabi namin ay nasa banyo ito para mag ayos ng sarili.
In-denial?
Napangisi ako at hindi nalang umimik.
Naging in-denial ako this past 3 years kasi maraming nagkakagusto sa kanya at ito naman ako at ayaw maapakan ang dignidad. Sanay ako noong elementary ako na bigla nalang may mag co-confess sa akin, binibigyan ng mga tsokolate at palaging nasusunod ang gusto.
Kay Rish kasi ay kailangan mo pang makipagtalo at patunayan mo yung gusto mo. Baguhan kami parehas pag dating dito at mas lalong mahina ang loob naming dalawa.
BINABASA MO ANG
UNTOLD FEELINGS
RomanceMost of the love stories, are still a hidden feelings and are unsaid to the person it belongs.