Chapter 18: VITO's POV

250 10 10
                                    

Vito's POV
Ako si Vito , Vito Inocencio. Hindi ko na papahabain pa ang POV ko. Kaklase ko sila Betty at ako ay talaga namang humahanga sa kanya walang umagang hindi ko siya sinusundan papasok ng eskwela. Lagi akong nakasunod sa kanya habang naglalakad siya papasok pero wala akong lakas ng loob para kausapin siya at sabihin sa kanya ang nararamdaman ko. Una ko pa lang siyang nakita ay humanga na agad ako sa kanya dahil sa kakaiba niyang dating. Oo medyo baduy nga pumorma si Betty pero masayahin siya. Ayun kasi ang mga katangian na gusto ko sa isang babae. Alam kong hayskul pa lang kami at hindi pa uso ang magkaroon ng boyfriend o girlfriend pero hindi masama ang humanga sa isang tao lalo na't pinatibok nito ang puso mo. Nung isang umaga na kakausapin ko na sana si Betty, sa hindi kalayuan ay nakita kong tumatakbo si Polo at napansin kong patungo siya sa nilalakaran nila Betty at July. Nagtago ako sa isang tabi nun para hindi rin ako mapansin ni Polo. Binati ni Polo ang dalawa ng "Good Morning" nakakainggit buti pa siya at nasasabi nya ang mga katagang yun. Hindi naman ako torpe pero dahil sa hindi naman kami close ni Betty , wala akong lakas ng loob para makausap siya at malayo ang inuupuan niya sa inuupuan ko. Nung umaga ding yun napansin ko na masaya silang nag-uusap habang naglalakad, lalo akong nainggit dahil ang saya-saya nila. Sana ganun din kami ni Betty. Tanggapin lang niya ako bilang kaibigan ay masaya na ako at malaman niya na humahanga ako sa kanya.

"Betty, sana ako na lang ang kasama at kausap mo ngayon. Alam kong wala kayong relasyon ni Polo pero naiinggit ako kapag magkasama kayo." sabi ko sa aking sarili

Nung gabi ding iyon ay pumunta ako sa harap ng bahay nila Betty. Nagmasid ako kung andun na siya. Gustong gusto ko talaga siya makausap. Nagulat ako nung biglang may nagsalita. Boses ng babae. Kilala ko ang boses na iyon. Namulta ako, iba ang pakiramdam. Baka isipin niya na magnanakaw ako. Gusto ko lang siyang makita, masaya na ako.

"Hello po, sino po sila? Bakit po kayo nagmamasid sa bahay namin?" tanong niya sakin

Hindi ako sumagot dahil sa gulat ko. Kaya napatakbo ako. Alam kong kabastusan para sa kanya ang ginawa ko. Pero kasabay ng hiya hindi ko alam ang gagawin ko. Para talaga akong magnanakaw ng gabing iyon. Narinig ko ang boses niya. Kinausap niya ako. Ang saya ko nun. Alam kong mababaw ang kaligayahan ko. Pero iba ang saya na nararamdam ko. Naisip ko sana lumingon pala ako para nakita ko rin ang mukha niya at ang mga ipit niya na sandamakmak. Hehehe, Oo yung ipit niya nakakatuwa kasi, Babae siya natural lang na maglagay siya ng ganun. Pero sa kaso niya kakaibang talento yun at pagtatyaga sa paglagay. Isa rin yun sa mga gusto ko sa kanya. Talagang kakaiba siyang babae. Bukod sa masayahin na. Matiyaga pa at Mabait.

"Pasensiya ka na Betty, kung tumakbo ako palayo. Nahiya kasi ako sa ginawa ko. Takas Tingin, Pasulyap-sulyap sayo" sabi ko sa sarili

Kaya nga pagkauwi ko binuksan ko ang radyo at tiyempo maganda ang tugtog. At ang nakakakainis pa ay sakto pa sa nararamdaman ko ngaon. Hindi ko nga alam kung maiinis ako o dapat masaya ako. Pasulyap-sulyap ang kanta sa radyo. Kinanta ni Tootsie Guevarra. Naiimagine ko na sana si Betty na lang ang kumakanta. Alam ko na hindi siya ganun kagaling kumanta pero para sa akin maganda ang boses niya , kasing ganda ng pagkatao niya.


Parang may iba akong nadarama
Magmula nang makausap na kita
Araw-araw ang puso ay umaasa
Na muli ika'y aking makikita

Sa bintana'y lagi nang nag-aabang
Ng iyong sulyap habang nagdaraan
Parang di mo pansin ang mga ngiti ko
Manhid ba ang puso at damadamin mo

Habang nakikinig ako ng radyo, hindi ko maiwasan ang hindi maging emosyonal.


Pasulyap-sulyap kat kunwari'y
Patingin-tingin sa akin
Di maintindihan ang ibig mong sabihin
Kung mayro'ng pag-ibig ay
Ipagtapat mo na sa akin
Agad naman kitang sasagutin

Minsan lang maging MAGANDATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon