Chapter 4: Eksena si Jeel

333 13 0
                                    

Isang linggo ang nakalipas at kailangan

ng ipasa kinabukasan ang mga Project. 

Pero sila July at Polo ay wala pang nagawa

kahit na ano. Kaya nagdesisyon si July na

magpatulong sa ibang kaklase.

"Yoppie, patulong naman sa project hindi

kasi nakikicooperate si Polo sa akin." 

pakiusap ni July sa kaklase

"Bakit? Isang linggo na ah. Hindi pa rin

kayo tapos. Kami tapos na sa project."

sagot ng kaklase

"Hindi ko rin alam eh. Tulungan mo naman

ako please?" pakikiusap ni July kay Yoppie.

"Sige, tutulungan kita." payag na sagot ng

kaklase.

"Maraming Salamat Yoppie" ani July.

Sa wakas at nakahinga ng maluwag si July 

dahil sa tulong ni Yoppie. Pero hindi siya

nagtanim ng sama ng loob kay Polo. Dahil

naiintindihan niya ito.

"Ang may pinakamataas at pinakamagandang

gawa ay sa Group nila July at Polo" Announcement

ng kanilang guro.

"Woow. Congratulations!" Crowd Cheering

Palakapakan ang mga kaklase nila.

"Polo, narinig mo yun tayo ang highest score"

ani July kay Polo

"Hindi tayo, ikaw lang. Kasi hindi ako nakipag

cooperate sayo. Pasensiya ka na ah" Malungkot

na sagot ni Polo.

"Hindi, Hindi okay lang. Naiintindihan kita.

Ang mahalaga nakagawa ako, hindi tayo

babagsak kay titser" masayang sagot ni July 

Nakokonsensiya si Polo dahil sa nangyari.

At dahil din sa takot na baka awayin siya ng

mga kaklase niya na may gusto kay July.

Kaya minabuti na lang nitong tumahimik at

hindi na lang kumibo.

Graduation na nila July at Polo sa Elementarya.

Bagong buhay, Bagong titser, Bagong kaklase

at Bagong Pakikisama naman ang kanilang

haharapin sa High school.

"Congratulations Polo!" ani July 

"Congratulations din po July" sagot ni Polo 

Nagtake ng Picture ang dalawa bilang

remembrance nilang magkaklase.

"Hi July, Congratulations. Ang ganda mo

talaga. Saan mo balak mag-aral ng H.S?"

tanong ng may gusto sa kanya

"Hindi ko pa alam eh. Baka sa FB University"

sagot ni July 

"Talaga? Sayang naman at hindi ako dito

sa manila mag-aaral. Uuwi kasi kami ng

probinsiya, at doon daw ako mag-aaral

hanggang kolehiyo" malungkot na sagot

ni Jeel

"Okay lang yan Jeel. Wag ka ng malungkot

magkikita pa naman siguro tayo balang

araw :)" ani July 

Masayang masaya si Jeel dahil sa sinabi ng

kanyang babaeng gusto. 

Natapos na ang buhay elementarya nila 

Jeel, Polo at July. Papasukin na nila ang

masayang mundo ng High school.

Sino ba si Jeel? at ano ang papel niya sa

buhay ng magbestfriend na Betty at July.

Minsan lang maging MAGANDATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon