Chapter 19: Pagtatapat ni Betty kay Polo

250 12 0
                                    

Betty's POV
Ang saya saya ko talaga ngayong gabi, bukod sa advance gift ni Best ay nagtinda na ulit si Kuya Troy ng FishBall at Kikiam. Kahit isang araw lang pala akong hindi makakain nun ay hinahanap hanap ko na, siguro may gayuma ang tinda ni kuya troy HAHAHAHAHA.

Pero nung pauwi na ako narinig ko ang kanta ni Hannah Montana na True Friend, isa yun sa mga paborito kong kanta at denidedicate ko yun sa Bestfriend kong si July. Dahil talagang bagay sa amin ang kantang iyon. Nang biglang may epal na pumalakpak, hindi ko talaga siya kilala at ang pagpapakilala niya ay kaklase ko raw siya at sa bandang likuran siya nakaupo ni hindi ko nga siya namumukaan. Kahit isang tingin hindi talaga, kahit nung unang pasukan hindi talaga. Vito Inocencio raw ang pangalan niya, may gusto raw siya sa akin? Ang gulo. Ano naman kaya ang magugustuhan sa akin nung Vito na'yon. Hindi naman ako kasing ganda ni Best.
Bakit lagi nilang sinasabi na maganda ako, dahil sa ugali ko raw at kakaibang pananamit.

Gusto ko na talagang maniwala na maganda ako dahil dumadami na ang nagsasabi sa akin. Pero ayaw ko paniwalain ang sarili ko sa hindi naman talaga. Hayyyy naguguluhan ako.

"Maganda ka naman talaga kung aayusin mo lang ang pananamit mo at kung babawasan mo ang mga burloloy mo sa ulo. Alam mo Pretty hindi nasusukat sa itsura ng tao ang pagiging maganda, mabait ka at maaalalahin. Yun ang nagpapaganda sayo "

Ay anu ba yun, biglang pumasok sa isip ko ang sinabi ni Phyton sa akin sa school.! Grabe kinikilig talaga ako dahil dun, Namumula tuloy ako 

"Oo betty , nagseselos ako. Matagal ko ng gusto sabihin sayo na may paghanga ako sayo. Alam mo kung bakit? Dahil masayahin ka para kang walang problema. Nakakakagood vibes ka."

Waaaaaaaaaaaa, panira naman! Bakit biglang umeksena ang sinabi ni Vito. Okay na eh. Naiisip ko ng nasa harap ko Polo habang sinasabi nito na Pretty Betty maganda ka, ayusin mo lang ang pananamit mo. Kaso nung biglang umepal ang sinabi ni Vito, nasisira ang araw ako imbes na maging masaya ako. Dahil ayun ang unang pagkakataon na may nagsabi sa akin na gusto ako at maganda talaga ako. Hayyy makakain na nga lang gutom lang siguro ito. Hahahahahahahahahahaha!

Habang kumakain si Betty ay may biglang music na tumugtog. Kanta yun ni LJ Manzano na "Hay Nako"

*paki play na lang po ang youtube video sa gilid "

"Phyton 

Phyton ikaw ba yan?  anong ginagawa mo dito sa bahay? Paano ka nakapasok" gulat ni betty ng makita si Polo

"Kanina pa ako panay sigaw sa labas pretty, pero walang sumasagot. Kaya nung nakita kong bukas ang pinto pumasok na ako" pagpapaliwanag ni Polo

"Ganun ba, ang pogi mo ngayon phyton, ikaw ba talaga yan? Hehehehehehe. Asan ang salamin mo" nakangiting sabi ni Betty

"Ikaw talaga Pretty, ang lakas mong mambola. Pakurot nga sa pisngi... Grrrrr" lambing ni Polo

"Aray ko Phyton ah.! Hahahaha! Pwede isa pa? Hehe" kinikilig na sabi ni Betty

"Kurot* Kurot* Kurot*" panggigigil ni Polo

"Hahahaha isa lang sabi ko eh. Ang dami naman nun. Hehehehe ang lambot ng kamay mo Phyton." sabi ni Betty

"Gusto mo bang hawakan Pretty?" alok ni Polo

"Pwede ba?" tanong ni Betty

"Pwedeng pwede Pretty, pwede mo ring angkinin ang mga kamay ko kung gusto mo." nakangiting sabi ni Polo

Hinawakan ni Betty ang malalabot na kamay ni Polo. Pisil kung pisil ang ginagawa nito. Hanggang sa hindi na niya napigilan ang kanyang sarili na ilagay sa namumula niyang mga pisngi ang kamay nito. Feel na feel ni betty ang mga kamay ni Polo.

Minsan lang maging MAGANDATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon