Chapter 16: Stalker

264 9 3
                                    

Gabi na at pauwi na si Betty galing sa pamamasyal.

"Hello po, sino po sila? Bakit po kayo nagmamasid sa bahay namin?" tanong ni Betty sa lalaki sa tanong na iyon ni betty ay nagulat ang lalaki at bigla na lamang itong tumakbo.

"Ayyy, Bastos yun ah. Tinatanong kung bakit nasa harap ng bahay biglang tumakbo. Nakakatakot ba ako?" sabi nito sa sarili

"Sayang mukhang may itsura pa naman, kaso di ko namukaan. Sino kaya yun?" dagdag nito

Habang kumakain ng hapunan si Betty ay hindi mawaglit sa isipan nito ang lalaking nagmamasid sa bahay nila kanina. Wari nito'y kakilala niya o kilala siya o baka kaklase nila.

Isang linggo na lang at Christmas Party na sa FB University. Lahat ng estyudante ay abala sa kung ano ang susuotin nila. Pwera lang kay Polo, nagdadalawang isip ito kung aattend ng christmas party dahil alam niya na hindi niya kayang bumili ng bagong damit na susuotin. Samantalang si Betty ay pumunta sa palengke para bumili ng mga burloloy para sa kanyang sarili. Gusto nito maging bongga at mapansin sa araw na iyon. Si July naman ay may damit na gagamitin, yung ginamit niya sa debut ng kanyang pinsan.

Narrator POV

Busy lang ang peg ng magbestfriend na Betty at July. Samantalang si Polo malungkot dahil gusto nito umattend ng christmas party. Never pa kasing naka experience si Polo ng mga event na tulad ng christmas party kaya namomroblema ito ng kanyang susuotin.

"Bunso, bakit ka nakasimangot diyan? May problema ba?" tanong ng Kuya Troy niya

"Gusto ko po kasi umattend kuya sa christmas party namin. Kaso wala po akong susuotin." malungkot na sagot ni Polo

"Akala ko ba naman kung ano ang problema mo. Damit lang pala. Gamitin mo yung bagong bili kong longsleeves diyan. Isang beses ko pa lang ginamit yun, nung nag-apply ako ng trabaho bago magtinda ng fishball at kikiam." masayang pag-aalok ng kuya

"Talaga po kuya? Papagamit mo sa akin yung longsleeves mo?" ani Polo

"Oo naman bunso, gusto ko ngayon maexperience mo naman maging masaya wag mo muna isipin ang nangyari sa ating mga magulang. Matagal na panahon na ng iwan nila tayo. Masakit man para sa atin ang nangyari, lalo lang silang nasasaktan sa twing nakikita nila tayong nahihirapan." pagpapaliwanag ni kuya troy

"Maraming Salamat po Kuya, Dabest ka talaga." mangiyak-ngiyak na pasasalamat ni Polo

"Mag-iiyakan pa ba tayo bunso? Ngiti naman dyan. Sayang ang kapogian natin kung lagi tayong malungkot " pabiro ni Kuya Troy

"Salamat talaga kuya troy" ani Polo.

Nagyakapan ang magkapatid pagkatapos nilang mag-usap. Masaya na ngayon si Polo dahil sa papahiram ng kuya niya ang longsleeves nito.

"Sige na bunso matulog ka na, may pasok pa bukas diba? At ako aasikasuhin ko na ang paninda ko para bukas" sabi ni Kuya Troy

"Sige po kuya. Thank you talaga. Ikaw rin po wag ka masyadong magpagod ah. Ayokong magkasakit ka ng dahil sa pag-aalala mo sa amin." ani Polo

"Oo bunso, hindi ako magkakasakit. Malakas kaya resistensiya ng kuya mo :)" masayang  sabi ni Kuya Troy

"Hehehe ikaw talaga kuya. Sige po goodnight kuya :)" ani Polo

Kinabukasan .....

Sabay na pumasok si Betty at July.

"Best namiss kita *hug*" paglalambing ni July

Minsan lang maging MAGANDATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon