Chapter 20: Christmas Party Part 1

247 8 2
                                    

"Bunso, handa ka na ba para sa Christmas Party niyo mamaya?" tanong ni Kuya Troy

"Opo Kuya"

"Mabuti naman. Patingin nga ako ng ipapartner mo sa Longsleeves"

Pinakita ni Polo ang pantalon na ipapartner nito sa Longsleeves na pinahiram ng kanyang Kuya Troy.

"Heto po kuya"

"Maganda yan. Bagay sa Longsleeves. Ayusin mo lang ang sarili mo"

Nakita ni Polo na nag-aayos ng paninda si Kuya Troy

"Magtitinda ka po kuya?"

"Oo bunso, para makita ko rin ang dalawang babaeng suki ko. Kung ano ang suot nila ngayon" nakangiting sagot ni Kuya Troy

"Sige po kuya"

Nag-ayos na si Polo ng sarili niya. Sinuot ang Longsleeves at Pantalon. Ang gwapo nito sa suot. Kaya lang baduy pa rin tignan. Hindi bagay sa kanya ang malaking salamin na suot-suot nito.

"Bunso, sa tingin ko tanggalin mo na lang yang salamin na suot mo, hindi bagay sa okasyon ngayon."

Sinunod ni Polo ang sinabi ng kanyang Kuya Troy. Lalong lumabas ang kapogian ni Polo nung hubarin niya ang salamin.

"Oh diba bunso. Naangatan mo ang kapogian ng Kuya mo. Hahahaha"

"Sige na bunso, mauna na ako. Para maaga akong makaubos ng fishball at kikiam" dagdag ni Kuya Troy

"Sige po kuya, ingat po kayo. Sabay na po tayo mamaya sa pag-uwi"

Umalis na si Kuya Troy para magtinda ng kanyang Fishball at Kikiam. Hindi pa siya nakakalayo ng bahay ay hinarang na agad ito ni Jeel.

"Hey, magkano yang kikiam mo?" tanong ni Jeel

"Piso po sir" sagot ni Kuya Troy

Biglang lumabas si Izha , bunsong kapatid ni Jeel.

"Big Brother, gusto ko rin po niyan"

"Bawal sa bata to' izha! Pumasok ka sa loob"

"Damot mo talaga!" pagdadabong ni Izha

"Ahm sir, pwede naman po sa bata itong tinda ko." singit ni Kuya Troy

Nag-init agad ang ulo ni Jeel dahil sa pangingialam ni Kuya Troy.

"Umalis ka na! Hindi na ako bibili. PAKIALAMERO!" sigaw ni Jeel

Agad na umalis si Kuya Troy.

"Badtrip naman yun. Ang yabang akala mo kung sino. Naku kung hindi lang siya bata pinatulan ko na."

Sa sobrang inis ni Kuya Troy kay Jeel ay mukhang biyernes santo ang mukha nito habang naglalakad, tulak-tulak ang kariton niya na may Fishball at Kikiam.

"Kuya, bakit ka nakasimangot? Baka mamaya matakot sayo ang mga bibili sayo niyan." biglang sulpot ni Vito

"May isa kasing mayabang na nakasalubong ko, Bro." sagot nito

"Sino ba? Yung lalaking maitim na nakatira sa malaking bahay?"

"Kilala mo siya?"

"Oo kuya. Kaya kapag nakikita ko siya gustong-gusto ko yun suntukin. Nakakagigil ang yabang nun."

"Dapat pala dun tinuturuan ng leksyon. Bakit hindi mo suntukin?"

Natawa bigla si Kuya Troy sa sinabi niyang iyon. Hahahaha. Wari niya'y sinusulsulan niya si Vito na makipag-away.

Minsan lang maging MAGANDATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon