Chapter 6: Pag-aalala ni July kay Polo

292 11 0
                                    

"Best kuha ka pa fishball" alok ni July

"Okay na best busog na ako" ani Betty

May ibang nararamdaman si Betty sa

lalaking palabas ng gate ng skul. Parang

may nagcoconcert sa kanyang dibdib.

Mga ipit niya sa buhok na animo'y nag

sasayawan. 

"Be-be-besst! Best!" nanginginig na 

sabi ni Betty

"Ano ba yun best?" Ani July habang

kumakain ng kikiam.

"Ang gwapo talaga nung pasaway sa

kabilang section, tignan mo best, pawis

na pawis siya habang naglalakad." 

Ani Betty

"Yung tindig niya, yung mga mata niya

nakakainlove talaga best. Naiimagine ko

best na kasayaw ko siya sa xmas party

at ako ang pinakamaganda ng gabing yun"

Dugtong ni Betty

Habang nagkukwento si Betty ay hindi

niya alam na kinumtsaba ni July si Kuya

na nagtitinda ng Fishball at Kikiam. 

Umurong ng kaunti ang kariton. Kaya

naiwang nagsasalita sa Betty.

"Best, alam mo yung Feeling na ganun

kasayaw mo yung taong gusto mo at

sabihan kang, "Betty, ang ganda mo"

iiiihhh. Kinikilig ako best ^____^" ani 

Betty, habang nagkkwento na may aksyon.

Paglingon ni Betty nakita niyang wala

na pala siyang kausap at katabi. Habang

si July at Kuyang Mangfifishball ay nag

tatawanan.

"Best alam mo kahit ilagay mo sa ulo

mo ang lahat ng klase ng ipit sa mundo

ay maganda ka talaga. Iba-iba lang ang

paningin ng mga tao. Sa mata ko at sa

mata ni Kuyang mangfifishball, maganda

ka. Tandaan mo yan" ani July habang akbay

akbay ang bestfriend.

"Talaga best? Maganda ako? Dapat ko

pa bang dagdagan ang ipit na suot ko?

Para madagdagan ang ganda ko?" Tanong

ni Betty habang maiyak-iyak

Pero imbes na sumagot si July ay natawa

ito sa sinabi ng bestfriend. 

"Kainis ka talaga best!" Ani Betty

Natapos na ang Lunch Break.

Kaya bumalik na sa loob ng room

ang dalawa. Pero napansin ni July

na hindi lumabas si Polo at sa tingin

niya ay hindi ito kumain.

"Best, nakita mo bang lumabas o

kumain si Polo?" Tanong ni July

"Sino si Phyton? Daming reserba niyan

sa katawan kahit na payat yan." Pabirong

sagot ni Betty

"Seryoso best, nakita mo ba?" Ani July

"To' naman. Hindi eh. Bakit na best?

Pagtatakang tanong ni Betty

Bumalik na naman sa ala-ala ni July

ang Elementary Days nila. Si polo na

kung kumain biscuit lang at isang juice.

Nakaramdam ng pangamba si July.

Gusto niya itong kausapin. At habang

seryoso si July. May ibang ginagawa

itong Betty. Inaayos na naman niya

ang mga ipit sa buhok at binilang.

"Hayy, ang lilikot niyo kasi ayan

hindi na naman kayo pantay." Sambit

ni Betty sa sarili

"1 , 2 , 10, 30 , 32" pabulong na binilang

ang ipit.

Pagkatapos niyang mag-ayos ng

kolorete sa buhok. Napansin niya

si July na nakatitig kay Polo.

Minsan lang maging MAGANDATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon