Ghift's pov
Humikab ako at lumabas sa taping at sinalubong ang araw, hay buhay! Pagod na pagod na ako gusto ko ng matulog.
"Ghift anong oras ka uuwi?" tanong ni Sunshine na katrabaho ko, actress rin sya at study at home lang pareho kami.
"Maya maya kakain muna ako ng umagahan," sabi ko kaya tumango sya.
"Sama ako, next shoot natin ay mamayang gabi pa kaya may time tayong gumala!" natutuwang sabi nito na para bang hindi napagod kaya nag fake laugh ako at sinimangutan naman nya ako.
I'm a creative writer at Wattpad nung 14 years old pa lamang ako, nangarap ako na mapasama sa isang sikat na writer sa Pinas at nagtagumpay naman ako, 18 years old na ako ngayon at hindi ko rin inaasahan na papasukin ko ang buhay artista at ngayon mas lalo pa akong sumikat kaya natutuwa ang mama at papa ko saakin dahil bata palang ay natupad ko na ang pangarap ko.
"Sa Jollibee nalang tayo kumain," naka pout na aya ni Sunshine kaya ngumiti ako.
"Sige ba! Ilang months na yata tayong hindi nakakakain sa jollibee, si direk kasi puro Chowking," reklamo ko kaya tumawa sya.
"Tara na" pag aya ko kaya tumango ako at sumakay kami ng van kasama ang personal assistant naming dalawa at driver ko, my sarili akong van at sariling driver at sariling PA, para rin madali para saakin ang lahat at hindi na ako mahirapan.
"Kuya drive tru sa jollibee," sabi ko kaya umandar na ang sinasakyan namin.
"1 week nalang at matatapos na ang shoot, ano nang balak mo?" tanong ni Sunshine dahil alam kong magkakahiwalay na kami.
"Hmm, siguro ipagpapatuloy ko ang pagsusulat hanggang sa may kumuha ulit saakin, gusto ko rin mag pahinga no!" natutuwang sabi ko kaya tumawa sya.
"Eh ikaw? Anong balak mo?" tanong ko sa kanya.
"Hindi ko pa alam eh, siguro pag iisipan ko pa," sabi nito kaya ngumiti lang ako.
Pagkarating ko sa bahay ay humiga ako sa kama ko at pumikit, may 5 hours pa ako para matulog dahil mamayang 6pm ay may shoot ako kaya minabuti kong umidlip muna.
"Miraaaa anak kain na!" napamulat ako dahil sumigaw si mama kaya kinuha ko ang phone ko at tinignan ang orasan, eh? 3pm? Si mama talaga! Natutulog ako ehh!
"Anak!" sigaw ulit nito kaya tumayo na ako.
"Opo baba na!" sigaw ko pabalik kaya tinignan ko ang sarili ko sa salamin at nag ipit ng pony, bumaba na ako at nakita kong naghahain si mama at nakaupo naman si papa, si ate at si Butch.
"Eh? 3pm kakain?" tanong ko.
"Ano ka ba naman ate!? Meryenda yan wala kang mata?" pamimilosopo ni Butch kaya umirap ako, si Butch ay bunso kong kapatid, mana yan kay papa, mahilig mamilosopo, Jacob Butch Ong, mas gusto ko syang tawagin sa second name nya dahil wala trip ko.
"Malamamg may mata sya kaya nga diba nagtatanong, tss" sabat ni ate kaya napairap ulit ako, yan si ate, Star Agatha Ong, mana yan kay mama, mainitin ang ulo pero malambig yan.
"Kayo talaga, kumain nalang nga kayo" sabi naman ni mama kaya kumuha ako ng baso ko at umupo dahil may naka ready ng plate, si mama ay maalaga at masipag, Michelle Ong ang kanyang pangalan.
"Kanino pa ba sila magmamana?" natatawang tanong ni papa, si papa ay Chinese at si mama ay pure Filipino kaya half Chinese kami, Leon Ong ang pangalan ni papa.
"Syempre kay papa!" sabay sabay naming sabi at nagtawanan kaya natuwa si papa.
"Walang nag mana saakin ganon?" sabi ni mama kaya tumawa kami ni Butch.
BINABASA MO ANG
The Heiress [COMPLETED]
RomanceI'm a writer, at akala ko, sa wattpad lang mayroong mga mafia na kumakalat sa pinas, pero pati mama at papa ko, mafia, pati nga boyfriend ko isa sa mga leader ng mafia eh, tapos ako? Isa akong tagapagmana, lumaki akong spoiled at nakukuha lah...