MMT Chapter 11

438 162 9
                                    

Ghift's pov

"ano ayos lang ba kayong dalawa?" tanong ni ate star saamin ni jiro

"ate totoo ba yun?  Hindi kayo nag bibiro?" tanong ni butch saamin

"sa tingin mo ba yung van pinaulanan ko lang ng bala para mag joke sayo?" sarcastic na sabi ko dito kaya sumimangot si butch

"i heard what happened!" sigaw ni tita camilla na kakarating lang kasama si cassandra

"ayos lang kayong dalawa?" tanong nya saamin at ngumiti

"mukha ba kaming ok" bulong ko

"manang!  Pahinging tubig" utos ni tita camilla habang naka ngiti kaya umirap ako.

"tatawagan ko si dad" sabi ni ate star

"huwag na muna,  baka umuwi ng maaga si papa hindi pwede" sabi ko sa kanya kaya bumuntong hininga si ate star

"pero ate,  kailangan na itong malaman ni papa" reklamo ni butch

"malalaman naman nya eh,  pag uwi na nya" sabi ko dito

"pero may nakita diba?" tanong ni jiro kaya tinignan ko sya, yung cuflinks

"anong nakita mo?" tanong ni tita camilla kaya tinaasan ko sya ng kilay

"nothing" sagot ko

"patingin ako" sabi ni tita camilla kaya tumayo ako

"magpapahinga na kami" sagot ko kay tita camilla at tumayo kaya tumayo na din sila

"huwag mo akong binabastos ghift" mataray na sabi ni tita pero hindi ako umiwas ng tingin

"ikaw na nga ang inaalala ganyan ka pa kung makasagot kay mommy, tsk" sabat ni cassandra at nag walk out,  matutulog na siguro hindi nalamang ako sumagot para hindi na humaba

"ate ipapahatid ko lang si jiro" paalam ko kay ate

"sige basta sumunod kana at matutulog na,para makapag pahinga kana" sabi ni ate kaya tumango tango ako at lumabas na kami ni jiro

"ipapahatid na kita" pagbibigay alam ko sa kanya kaya nginitian nya ako. Tinaasan ko naman sya ng kilay pero nakangiti parin sya

"nagsusungit ka?" natatawang tanong nya

"ah so masaya ka dahil muntik na tayong mamatay?  Eh kung barilin kita?" tanong ko dito kaya natawa sya

"pwede na bang mag lagay ng label?" tanong nya kaya natigilan ako at nag flashback sa isip ko yung nangyari kanina,  mamamatay na lahat lahat yung label parin yung nasa isip nya?

Paano ko ba tatakasan yung kanyang tanong? Paano kung sabihin ko nalang na?  Ahmm masakit yung puson ko?  Maniniwala kaya sya?  Eh kung kunware nahimatay ako?  Baka naman sugurin ako sa hospital ayaw ko na mag painterview

"ano na ghift?" tanong nya kaya kumamot ako sa ulo

"magpahinga ka muna" sagot ko dito kaya natawa sya

"sagutin mo muna yung tanong ko" pangungulit nya kaya bumuntong hininga ako

"oo maglalagay tayo ng label,  pero hindi muna sa ngayon" sagot ko kaya tumawa sya

"pwedeng bukas?" tanong nya kaya natampa ko sya

"magtigil" sabi ko kaya tumawa sya

"bye na at nandyan na yung van. Mag iingat ka" nakangiting sagot ko

"opo mag iingat ako,  ikaw din" sabi nya at nag wave kaya nag wave din ako, pumasok na sya sa loob ng van at umalis na sila kasama ang driver ko.

The Heiress [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon