Ghift's pov
"pa" bati ko kay papa pagkarating na pagkarating nya at niyakap ko sya
"last night na ni mama bukas" pagbibigay alam ko sa kanya, nginitian nya lang ako at inakbayan at tinignan si mama
"Ghift halika muna" tawag ni ate Star kaya lumapit ako
"ni hindi pa tayo nag uusap simula ng mawala si mama" sabi ni ate Star at nagpalinga linga
"paano na tayo Ghift?" tanong nya saakin
"ate ang magiging tagapag mana ng mansyon at kompanya ay sila Cassandra" malungkot na sabi ni Butch
"hindi ako papayag, umangat tayo dahil sa career ko, hindi ako papayag na mapupunta sa kanila ang pinaghirapan ni papa" sabi ko sa kanilang dalawa
"what? Ipaglalaban mo kahit alam mong wala kang karapatan?" nagulat ako ng sumulpot sa gilid namin si Cassandra buti nalang at pamilya lang ang nandito
"Cassandra" suway ni papa
"klinaklaro ko lang sa ampon mo dad" sarcastic na sabi nito kaya bumuntong hininga ako
"kung hindi dahil saakin, wala ang mansyon at kompanya, sabihin mo nga saakin? Nasaan ang karapatan mo?" taas kilay na sagot ko rito kaya inirapan nya ako
"Mira, Cassandra! Tumigil na kayo" suway ni papa at biglang nag ring ang phone nya
"whatever" bulong ni Cassandra
"Camilla, aalis muna ako ikaw na ang bahala sa mga bata!" sigaw ni papa at nagmamadaling lumabas ng bahay
"pero hindi ikaw ang tunay na anak" nakangising sambit nito
"gumalang ka naman sa pinagmulan" sabat ni ate Star
"pinagmulan? Whatever! Ako parin ang tunay na anak! Ang isang tagapag mana!" sigaw nya
"anak rin naman ako ni papa, may karapatan din ako" mahinahong sabi ni ate Star
"pinagtutulungan nyo ba ang anak ko?!" biglang sumulpot sa gilid si ate Camilla kaya medyo lumayo kami kay Cassandra
"wala ka ring karapatan Star, you know the truth? Inampon ka lang. Actually si Butch lang ang anak nila" sabi nito
"what? H-how" hindi makapaniwalang tanong ni ate Star, tama! Kasi kung first wife si tita Camilla dapat mas matanda si Cassandra kay ate Star
"kinasal kami ng tatay mo but he left me behind because of your mother! Nilandi nya ang asawa ko at iniwan ako ng asawa ko dahil sa malandi mong ina!" duro duro ni ate Camilla kay ate Star
"paano ako napunta sa kanila" walang emosyong tanong ni ate Star
"sa kagustuhang magkaroon ng anak ay kinuha ka nila sa bahay ampunan habang hindi alam ng asawa ko na rape victim ang nanay mo!" sigaw ulit ni ate Camilla
"paano naging anak ni papa si Cassandra" tanong ko habang naka tingin kay Cassandra kaya tinaasan nya ako ng kilay
"in the first place asawa ko parin si Leon, i have the rights to sleep with him!" sigaw ni ate Camilla
"nang magsama si mama at papa kinuha nila si ate Star sa bahay ampunan, lumabas ako sa sinapupunan ni mama at tinanggap nila bilang anak, sumunod naman si Butch" hindi makapaniwalang sabi ko ng malaman ko ang totoong kwento ng pamilya ko
"and in the first place, mas may karapatan ang anak ko kaysa sayo dahil una akong asawa at nilandi lang ni Michelle si Leon!" sigaw ni ate Camilla
"hindi malandi si mama!" sigaw ko pabalik kaya lumapit saakin si Cassandra at hinigit ang buhok ko
BINABASA MO ANG
The Heiress [COMPLETED]
RomanceI'm a writer, at akala ko, sa wattpad lang mayroong mga mafia na kumakalat sa pinas, pero pati mama at papa ko, mafia, pati nga boyfriend ko isa sa mga leader ng mafia eh, tapos ako? Isa akong tagapagmana, lumaki akong spoiled at nakukuha lah...