MMT Chapter 41

234 74 5
                                    

Ghift's pov

Nandito ako ngayon sa kwarto ko at paikot ikot, hindi ako pinauwi ni daddy sa bahay namin ni jiro kaya dalawang araw na akong magkukulong rito, kapag dinadalhan ako ng pagkain ay hindi ko ginagalaw,  wala akong kinakausap sa kanila,  nung wala pa naman si papa nay routine na kami ni jiro bakit kailangan nya pang pakealaman?  Bakit pa kailangang madamay kami sa away ng mga magulang namin?

Pero gaya nga ng sabi ni papa,  parents ni jiro ang dahilan kung bakit namatay si mommy,  may part saakin na ayaw ko munang makita si jiro pero naguguluhan na talaga ako

"Ghift Mira Ong Crosswell!" sigaw ni ate star na nasa pintuan ko na pero hindi ko sya pinansin

"hanggang kailan mo balak mag kulong rito?  Hanggang isang taon!?" sigaw nya at naglapag naman si butch ng pagkain tapos yung mga maid,  may tatlong plato rin siguro sasabayan nila akong kumain, pero anong magagawa ko?  Wala nga akong gana at pakiramdam ko busog ako

"pwedeng pwede ka naman umuwi sa bahay nyo" sabi ni ate star pero napa iling ako kaya nagtataka nila akong tinignan,  dalawang araw nang nasa isip ko si mama at si jiro. Ngayon ko lang nalaman ang katotohanan at sigurado akong alam ni jiro ang tungkol dito dahil wala man lang syang reaksyon ng ipalayo ako ni papa sa kanya

"ate naguguluhan ako" sabi ko kaya umupo sya sa tabi ko kasama si butch

"saan ka naguguluhan?" nag aalalang tanong nya

"Diba isang Crosswell si Jiro? Alam na kaya nya ang tungkol dito?" takang tanong ko kaya nginitian ako ni ate star

"bakit hindi mo sya tanungin?" may point si ate star kaya bumuntong hininga ako

"ilulusot kita kay daddy basta kumain ka" dagdag nya kaya sumimangot ako

"oo nga ate ako ang nagugutom sayo" reklamo ni butch kaya nag simula na kaminh kumain,  kahit papaano ay swerte ako sa kanilang tatlo dahil support na support sila saakin,  hindi man kami nagkasundo ni cassandra ng una pero heto at ending kami sa isang masayang magkakapatid

***

"dad aalis po kami" paalam ni ate star kay papa,  nandito kami ngayon sa office nya pero naka tungo lang ako

"mabuti at isasama nyo si ghift" sabi ni papa pero hindi ako nag abalang lingunin sya, hanggat hindi pa ako naliliwanagan at nakakapag desisyon ayaw ko muna syang harapin dahil magkakasagutan lang kami

"pupunta kami sa finster compony dad dadalawin namin si cassandra" sabi ni ate star

"sige mag iingat kayong tatlo" sabi nya kaya hinila na nila ako palabas, habang bumababa kami ng hagdan ay nagtatawanan sila

"best actress na ba?" tanong ni ate star kaya napangiti ako.

"kapag ikaw nahuli ni daddy lagot ka" sabi ni butch kaya nag tawanan kami

"hindi nyo naman ako isusumbong eh" sabi nya, at nang makasakay na kami ng sasakyan ni ate star ay dumaretso kami sa bahay namin ni jiro.

"hanggang dito nalang kami, kaya mo na yan" sabi ni ate star at tinapik tapik ako kaya ngumiti ako

"goodluck ate" sabi ni butch kaya pumasok na ako,  hindi na ako kumatok pa at dare daretso akong pumasok,  wala si jiro sa salas at may mga maids na nag lilinis,  ng makita nila ako ay napatigil sila sa paglilinis

"Good Afternoon Ma'am Ghift" sabay sabay na bati nila

"si jiro?" tanong ko

"nasa itaas po ma'am" nginitian ko lang sila at umakyat na ako a taas,  bumuntong hininga ako bago ako kumatok

The Heiress [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon