Jiro's pov
"Ghift what are you doing here?" tanong ng babae doon kay Ghift kaya nginitian ko si Ghift.
"It's raining, bukas nalang raw itutuloy ang shoot" sabi nya at prenteng umupo at tinignan yung papel na kapit nung babae.
"So Jiro? Show me what you got" sabi nito at nag cross arms kaya nag ready ako.
"Lloyd, bakit mo tinago?" tanong nito saakin na nasasaktan kaya tumingin ako sa script.
"Wait, why are you holding that script? Bawal ang script," sabi nung babae kaya kinabahan ako, tumayo naman si Ghift at lumapit saakin para kunin ang script.
"Just relax, isipin mong nag aaway tayo," bulong nya at kinuha ang script.
"3 2 1 action," sabi nung babae kaya bumuntong hininga ako, para sa pamilya ko!
"Lloyd? Bakit mo tinago? Ano ba kayo ni Cheska!?" nasasaktan at galit na tanong nito kaya bumuntong hininga ulit ako.
"Kaibigan ko lang si Cheska, yun lang" bato ko sa kanya na parang nagpapaliwanag.
"Hindi ako tanga para maniwala sayo na kaibigan mo lang si Cheska, now tell me? Why did you kiss her kung kaibigan mo lang si Cheska?" sabi nya kaya kinabahan ako.
"Look Flin, lasing ako, lasing na lasing ako and i thought ikaw yung kasama ko" pagpaliwanag ko, ganitong ganito yung sinabi ni kuya doon sa ex girlfriend nya dati nung nag away sila sa harap ko.
"B*llshit Lloyd! Tama na ang pagsisinungaling mo, you think paniniwalaan kita? Let's end this, let's end this relationship!" sigaw nya kaya umiling iling ako.
"No, i'm sorry Flin, i can't loose you" sagot ko sa kanya.
"Can't loose? Sana inisip mo yan bago mo halikan si Cheska" galit na wika nito at naalala ko yung mukha ni kuya Clover, kahit bata pa ako nun umiyak ako dahil ayaw kong nasasaktan si kuya.
"Please Flin, give me another chance, itatama ko lahat, gagawin ko lahat ng gusto mo wag mo lang akong iwan" sabi ko dito at hindi ko namalayan na tumutulo na pala yung luha ko, sariwa parin sa utak ko kung paano nawasak ang puso ni mama at papa ng maglasing si kuya at mag wala sa bahay dahil lang sa ex nya, kung paano itapon ni kuya yung kanin at mga ulam na pinaghirapan ni papa.
"Sana inisip mo, kasi hindi ko kaya" sabi nya saakin kaya nag punas ako ng luha.
"Hindi ako magsasawang hintayin ka, pakakawalan kita pero hindi kita pababayaan" banggit ko at ngumiti.
"Cut! what a wonderful scene!" nagulat ako ng sumigaw yung director kaya nag punas ako ng luha at ngumiti.
"Come here Jiro, isulat mo yung phone number mo then we will contact you" sabi nung director kaya lumapit ako at isinulat yung number ko.
"Yes hello? Ok papunta na" tinignan ko si Ghift na kinuha yung bag nya ay hinila si miss Sun palabas kaya sumunod ako palabas.
"Number 2" rinig kong sigaw mula sa loob kaya tumakbo ako para maabutan sila Ghift pero hindi na sila mahagilap ng mata ko kaya umupo ulit ako dito sa bench na inuupuan ni ghift kanina.
Ghift's pov
"Kaloka ka! Bakit ka nandito? Tsaka hindi naman umuulan ah" sigaw ni Sunshine habang hinihila ko sya papunta sa van.
"Sabi ko kay direct naiwan ko yung make up kit ko kaya kukunin ko lang sa bahay pero dito talaga yung punta ko," sabi ko at binuksan ang pinto ng van at tinulak na sya papasok.
"Buti hindi mo kasama yung P.A mo, baka isumbong tayo nun" sabi nya saakin kaya tumawa ako.
"Manong sa set na," utos ko at sumunod naman sya.
BINABASA MO ANG
The Heiress [COMPLETED]
RomanceI'm a writer, at akala ko, sa wattpad lang mayroong mga mafia na kumakalat sa pinas, pero pati mama at papa ko, mafia, pati nga boyfriend ko isa sa mga leader ng mafia eh, tapos ako? Isa akong tagapagmana, lumaki akong spoiled at nakukuha lah...