MMT Chapter 22

330 104 4
                                    

Ghift's pov

Nagdadalawang isip ako ngayon kung itutuloy ko ba ang pagpunta sa opisina ni kuya blunt dahil sa nangyari,  baka wala doon si jiro,  ayaw ko rin namang tawagan o itext baka busy,  hindi man lang nag paramdam saakin tsk

"ate" tawag ni butch kaya tinaasan ko sya ng kilay

"ipag iimpake na ba kita ng mga gamit mo?" tanong nya kaya sinimangutan ko

"pinapalayas mo na ba ako ha!" asar na saad ko dito kaya natawa sya

"siguro kapag nagkaroon kayo ng anak ni kuya kaugali mo,  masungit at mainitin ang ulo" sabi nito saakin kaya dumambot ako ng unan at binato sa kanya

"joke lang ate babay!" sigaw nya kaya napa irap ako,  teka may practice sila ngayon kasama sila aica ahh anong ginagawa ng lalaking yan dito?

Shet anong oras na! Tinignan ko saglit ang sarili ko sa salamin at nilagay ang baril sa may hita ko,  naka bistida kasi ako,  baka mamaya may umabang dyan sa labas at tadtarin ako ng baril ayy mahirap na!

Nang makatapak ako sa kumpanya nila jiro ay madaming bumati saakin. Kinakabahan rin ako dahil pagtapos ng gabing ito,  magiging crosswell na ako,  magiging isa na ang mga organization na kapit naming dalawa, 

"ma'am kanina pa po kayo inaantay ni mr. Jiro crosswell at mr. Blunt crosswell" sabi nung babae siguro secretary sya ni kuya blunt,  nang makapasok ako sa office ay sinalubong ako ni jiro ng yakap kaya ngumiti ako

"have a sit" sabi ni kuya blunt,  ang gwapo nya hehe

"this is attorney gonzales" kinamayan ko naman yung attorney na sinasabi nya,  pagkaupo namin ay inabutan nya kami ng brown envelope

"you need to sign for you to be my official wife, mhie" nakangiting sabi nya kaya binuksan ko ito,  nauna syang nag perma at kasunod ako

"congratulations mr.  And mrs.  Crosswell" sabi nung attorney,  hindi nawala ang ngiti sa labi ni jiro kaya pinigilan kong ngumiti baka mamaya sabihin nito kinikilig ako. Tss

"congratulation" sabi ni kuya blunt kaya nginitian ko sya,  kanina pa siguro sila dito at inaayos ang mga papers para sa secret wedding na ito, ano ba naman ito si jiro,  hindi inuna ang nanay nya.

"maiwan ko na muna kayo"  sabi ni kuya blunt at kasama nya si attorney gonzales na lumabas kaya naiwan kami ni jiro aa office ni kuya

"lilipat kana sa bahay ha?" sabi nya kaya natawa ako,  siraulo din ito eh

"bukas" sabi ko kaya natawa sya at niyakap ako

"i'm so happy right now mhie" sabi nya at akmang yayakap saakin ng pigilan ko sya

"si tita mykha?" tanong ko kaya nawala ang ngiti sa labi nya

"nasa bahay naka burol" sabi nya at kinuha ang envelope kaya tumikhin ako,  alam kong nasasaktan sya sa nangyari at hindi ko sya masisisi doon.

"pupunta ako, gusto mong sumama?" tanong nya saakin kaya ngumiti ako at tumango tango

"tara" pag aya nya at lumabas na kami, habang nag dridrive si jiro ay tahimik kaming dalawa, naisip ko lang yung career ko,  kung sana wait?  Video?  Kaagad kong kinuha ang phone ko at nag fb fb hanggang sa may nakita akong viral ngayon, ni hindi rin kasi ako nanunuod ng balita kaya hindi ko nakita and ngayon ko lang ito naalala.

Shems kaya pala hindi nanlaban si cassandra nung tinulak ko sya,  hindi sya full video dahil kinut nya ito,  ang nakunan lang ay ang pagtulak ko sa kanya at pag sumbat

"what's that?" tanong ni jiro,  siguro ay narinig nya dahil hindi ko naman hininaan yung volume.

"ito yung video na tinutukoy ni direct" sabi ko sa kanya kaya tumango tango sya

The Heiress [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon