"Ang pogi nya talaga!" bulong ng mga babae nung dumaan ako sa harapan nila. Tss. Di na sila nasanay sa kapogian ko. Naging daily routine na yata nila yung pagpuri sakin araw-araw e. Haha.
By the way nandito ko ngayon sa school canteen. Dinner kase e. Dejoke. Lunch pa lang. Umorder nako at umupo na sa bakanteng upuan. Habang kumakain ako, nakita ko yung mga babae na halos himatayin sa kilig dahil sakin. Teka, naglalaway ba sila dahil sa kinakain ko o dahil saken? Nevermind na nga lang. #PogiProblems
Wait, baka matapos ang chapter na toh nang hindi ako nagpapakilala. Ako nga pala si Philip Owy Gordon Ison. POGI for short. Hihihi. Panget? Gusto nyo isungalngal ko sa inyo yung hawak nyong gadget dyan? Ha? Si author kasi e. Ang corny.
Pagkatapos kong kumain, nagbayad na ko at binuksan na ang IPhone ko para maglaro ng COC. Sa sobrang libang ko sa paglalaro, di ko napansin na may nabangga na pala ko.
Lumuhod siya para kunin ang nalaglag niyang gamit. Lumuhod na din ako para makigaya. Chos. Lumuhod ako para tulungan siya.
Ang bango bango nya. Amoy siyang Downy Isang Banlaw. Pero nung humarap sya sakin nakita ko ang mukha niyang galit na galit. "Kasi e. Di nagiingat! Gusto mo isaksak ko sa lalamunan mo yang IPhone mo??" nagtinginan ang lahat ng tao sa canteen dahil sa sigaw nya.
"Ay. Ang hard naman ni ate. By the way, ako nga pala si Philip Owy Gordon Ison. POGI for short :)) Nice to meet you." iniabot ko ang kamay ko para makipagshakehands pero sa halip na tanggapin nya ang pakikipagshake hands ko, sinamaan nya lalo ako ng tingin.
"Nice to meet youhin mo mukha mo! Pagkatapos mo kong banggain saka mo iintroduce yung pangalan mong mukang panty ni Pipay na hindi pinalitan ng isang buwan!" napaisip ako sa sinabi nya. "Sino si Pipay?" sabi ko nang naguguluhan. "Wala! Nevermind!" saka sya nagwalkout ng canteen at naiwan akong nakatayo na parang shunga. Bago ko lumabas ng canteen may parang kung ano akong natapakan sa sahig. Pagtingin ko may nakita akong ID. Napangisi ako nang makita ko kung sino ang nagmamay-ari ng ID.
"Ang pangalan nya pala ay-" bigla akong natigil sa pagsasalita ng biglang sumulpot sa likuran ko si James. Bigla ko tuloy tinago yung hawak kong ID. Langyang James na toh. Pabitin pa eh. Sarap hampasin ng sampung wrecking ball ni Miley Cyrus.
"Bat nag-iisa ka dyan?" tanong nya.
"Malamang wala akong kasama." sarkastiko kong sagot sa kanya. "Bat badtrip ka? Nagaway ba kayo ni Angelica?" tanong nya.
"Wala akong pakialam sa kanya."
"Baket? Wala na ba kayo?"
tanong nya.
Humarap ako sa kanya ng may masamang tingin. "Ano gusto mo? Suntok o bira?"
"Pareho lang naman yun diba?
naguguluhang tanong nya sakin.
"Spelling nga magkaiba, meaning pa kaya."
"Oo nga noh. Shunga ko talaga. Sige pareho nalang." tanga nyang sagot.
Bumuwelo ako para suntukin sya ng pagkalakas lakas. Ang loko napahiga sa hallway at umiiyak pa. "Hoy! Tumayo ka nga diyan para kang bata."
"Huhuhu. Ansakit kasi e. Meron pa naman ako ngayon." sabi niya na nakangiwi pa.
Nandiri ako sa sinabi nya. "Talaga? Wait lang, bibili lang akong napkin." natataranta kong sinabi sa kanya. "Bobo! Joke lang. Samahan mo na lang akong sa clinic." binatukan nya pa ko dahil sa katangahan ko. Nagkuwentuhan at nagtawanan lang kami hanggang sa makarating kami sa labas ng clinic.
Pagpasok namin ng clinic, nagulat ako sa nakita ko...
Vote and Comment :)
#AislePogiForevss
BINABASA MO ANG
Unexpected Love
Teen FictionEveryone has their own destiny. Maybe not today but someday. It can be happen in a worst time. Like mine, I never thought that the girl I hate the most is the person that I love till the end of my life. Kayo naniniwala ba kayo sa destiny? Mas gugust...