Maganda 8

25 1 1
                                    

Cristine's POV

Papunta kong canteen magisa. Sabi kasi ni Jake uuwi nalang siya dahil wala na siyang pera. Bugok siya. Ako pa lokohin niya. Eh talaga namang wala siyang dalang pera.

Hayy. Bat ba napakainit ngayon? Dagdag pa yung mga librong dala ko ngayon dahil kailangan kong magreview para sa test.

Napadaan ako sa hallway dahil malapit dito ang papuntang canteen. Nasa tapat ako ng cr ng school ng meron akong nakitang parang naglalandian sa loob ng cr. Medyo nakaawang ang pinto kaya sapat na para makita ko ang mga nangyayari.

Nakatalikod ang lalaki at nakaharap ang babae.

"Baka malaman toh ni Cristine." tanong ng babae. Ano daw? Tama ba ang pagkakarinig ko? Cristine daw. Di ko maaninag ang mukha ng lalake dahil nakatalikod siya saken. Pero parang pamilyar yung buhok niya. Saan ko nga ba toh nakita.

"Hinde. Magtiwala ka lang saken." saka biglang humalik ang lalake sa babae. Nanigas ako sa pagkakatayo ng marinig ko ang boses niya. Si Jake..

"Eh kelan mo ba siya bebreakin? tanong ng babae.

Di na ko nakapagpigil pa at nagpakita na ko sa kanila. Halata ang gulat sa mukha nila dahil sa biglang paglabas ko.

"BREAK NA TAYO!!" sigaw ko kay Jake na halatang natatakot dahil nabisto ko na sila.

"Ci-Cristine." pagsambit niya sa pangalan ko.

"Cristine! Teka, magpapaliwanag ako." saka niya hinawakan ang braso ko. Malakas pa din ang kuryenteng dumadaloy sakin dahil sa paghawak niya.

"Ano pa ba ang dapat mong ipaliwanag? Kitang-kita naman diba? Kitang-kita na niloloko mo lang ako tulad ng ginawa mo sakin dati." Basang-basa na ang uniform ko dahil sa mga luhang kanina pa tumutulo dahil sa galit ko sa kanya.

Nakikinig lang siya habang nakayuko.

"Jake. Minahal kita, alam mo yan. Pero anong ginawa mo? Niloko mo lang ako. Pinaniwala mo na naman ako na totoo ang feelings mo para saken. Jake, all this time ba wala kang naramdaman para saken? Kaya ganyan lang kadali sayo na lokohin mo ko? Langya Jake wala kang utang na loob. Sino nanlilibre sayo pag wala ka ng pera? Diba ako? Eh sino ang gumagastos kapag may date tayo? Diba ako rin? So, ang ibig sabihin ba nito pineperahan mo lang ako? Kapal din talaga ng mukha mo noh?" Tumakbo na ko at di ko na siya hinayaang makapagsalita pa. Pero huminto rin ako ng may nakalimutan akong gawin. Bumalik ako at pinagsasampal siya ng malakas sa kanyang mukha. Halatang namula ang kanyang mukha dahil sa lakas ng mga sampal ko. He deserve a round of applause in his face.

Tumakbo ulit ako papunta sa paborito kong tambayan kapag nalulungkot ako. Sa ilalim ng punong mangga na malapit sa canteen. Dito ko umiyak ng umiyak hanggang sa maubos yung luha ko. May naramdaman akong lumapit sa 'kin kaya humarap ako sa kanya. Si Philip pala. Sakto. Ngayon ko kailangang kailangan yung presensya niya. Niyakap ko siya ng mahigpit.

Kinuwento ko lahat sa kanya yung mga kagaguhan ni Jake.

"Di dapat iniiyakan yung mga lalakeng katulad niya." Sabi ni Phil at niyakap ulit ako ng mahigpit.

"Pwede bang dito ka muna sa tabi ko Phil? tanong ko sakanya.

Tumango lang siya bilang sagot.

I'm ready for my revenge.

Isinusumpa ko Jake. Maghihiganti ako. BWAHAHAHAHAHAHA--. Bwisit ka talagang Jake ka! Naubo tuloy ako.

=======================================

#AislePogiForevsss

(Aisle Poging's Note: Hey feelingerers! Thank you po sa pagbabasa. Kahit matagal po yung update. Hahahaha. Saka sorry kung di toh kasing ganda ng ibang book sa wattpad. Don't forget to Vote and leave your Comments.)

Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon