"WHAT?? Ako liligawan ko siya? Ako na pinakahot at pinakapogi sa school namen liligawan siya?"
Bigla niya naman ako sinampal na ikinatahimik ko. "Wag kang OA. Susuhulan ka naman namin e."
"Sige nga, ano susuhol niyo sa napakapoging nilalang na tulad ko?"
"Nutella" nanlaki ang mga mata ko at naghugis Nutella with sparks pa. (Huwag kang papayag, Nutella lang yan!) sigaw uli ni konsensya. Tumigil ka! Mas gusto mo lang ang Cheez whiz e. Inirapan niya lang ako. Aba, bakla yata ang konsensya ko.
"Kelan ko sisimulan ang panliligaw?" mabilis na tanong ko sa kanya.
"Hmm. Bukas." sabi niya na nakangisi.
"Bukas talaga? Agad agad? Diba pwedeng maging close muna kami bago ko siya ligawan?"
"Oo nga noh, shunga mo talaga."
"Oo nga. Ang shunga ko tala--. Teka bat ako yung shunga?"
"Eh ikaw unang nagtanong kung pwede mo siyang ligawan e."
"Oo nga noh."
"Basta tutupad ka sa usapan ah.
"Ok sige. Limang Nutella kada buwan yung large size ha.
"Geh deal?"
"Deal!!" masigla kong sagot.
Mission Impossible: Seducing Cristine Catacutan.
Umalis na ko ng bahay dahil nakakahiya naman kung sa kanila pa ko makikitulog. Duh!! May bahay kami noh. Anyaman kaya namin.
Habang nasa biyahe ako, di mawala sa isip ko ang sinabi ng Mama ni Cristine sakin.
What if ligawan mo siya.. What if ligawan mo siya.. What if--. "Heh!! Tumigil ka!" bigla akong napasigaw sa kotse. Para tuloy akong tanga. Madali lang naman mapa-fall ang isang babae e. Pero parang mahirap si Beast. Charot. Handsome and the beast lang ang peg. Haha. Pero keribels lang. For the monthly supply of five large size Nutella. *.*
Kuminang pa ang mata ko dahil sa sinabi ko.
Nakauwi nako at dumiretso na sa kuwarto ko. Humiga nako sa mamahalin kong kama na galing pang States.
Hanggang ngayon naiisip ko pa rin ang sinabi sakin ng Mama ni Cristine. What if li--. "Oo na alam ko na. Liligawan ko siya." napabuntong-hininga nalang ako dahil sa sinabi ko at pumikit na at unti-unting nakatulog...
.
.
.
.
.
"KRINGIRINGIRINGIRING!!!" narinig ko nanaman ang mamahalin kong alarm clock. Hinagis ko tuloy ito sa labas ng bintana. Ilang segundo lang ang nakakalipas. "PHILIP!!!! Walangya ka talagang bata ka! Bat araw-araw mo nalang hinahagis sa ulo ko 'tong tumutunog na bagay na toh??" sigaw ni Aling Saneng nung natamaan yata siya nung alarm clock ko.
"Sayo na lang Aling Saneng!! Gawin mong keychain!!" sigaw ko sa kanya.
"Talaga? Oh, I'm so very thankful to has an very kindful neighborhood like you!" taray ni Aling Saneng. English english pang nalalaman. Wrong grammar naman. Napangisi at napailing nalang ako dahil kay Aling Saneng.
Tumayo na ko at pumunta na ng banyo para maligo. Wala talaga kong gana pumasok ngayon dahil sa task na pinapagawa sakin ni Pinoy Big Mama. Chos. Natapos nako maligo, magbihis, maghubad, umutot, tumae. Haha joke.
Lumabas nako ng mansion namin ng makita ko na nginangata at dinidilaan pa ni Aling Saneng ang alarm clock ko. "Aling Saneng ano ginagawa niyo?" tanong ko sa kanya.
![](https://img.wattpad.com/cover/26817308-288-k749512.jpg)
BINABASA MO ANG
Unexpected Love
Roman pour AdolescentsEveryone has their own destiny. Maybe not today but someday. It can be happen in a worst time. Like mine, I never thought that the girl I hate the most is the person that I love till the end of my life. Kayo naniniwala ba kayo sa destiny? Mas gugust...