Cristine's POV
"Hija! Andito na yung sundo mo!" nagising ako sa lakas ng sigaw ni Mama. Ansakit pa naman ng ulo ko. Saka ano daw? Tama ba ang pagkakarinig ko? Sundo daw.
Lumabas na ako at nakita ko si Phil na nakangiti ng malapad sakin. Bat nandito to--. Oo nga pala. Pinanindigan na niya yata yung sinabi ko sa kanya kagabe.
*flashback*
"Phil, pwede ba kitang maging boyfriend for a month?" Tanong ko kay Phil. Sa bar kami dumiretso at uminom. Gusto ko maglasing dahil sa ginawa sakin ni Jake.
"Hayaan mo. Hanggang dun na lang yun. Gusto ko lang makapaghiganti sa asong Jake na yon. And I won't let myself to fall inlove with you. Nako, mahirap na noh, lalo na't nasaktan na ko ng una." Saka unti-unti akong nahilo at nakatulog.
*end of flashback*
Kaya humanda ka na Jake. It's my turn.
Sabay kaming pumasok ni Phil gamit ang kotse niya sa school. At dahil sa main gate kami dumaan, nagtitinginan sila samin at nagbubulungan. Si Phil, ayon, taas-noo at nakangiti pa habang nakahawak ng mahigpit sa kamay ko. At ako, nakayuko at nakasunod lang sa kanya. Hanggang sa makarating kami sa tapat ng room ko.
"Susunduin kita mamaya dito. Intayin mo ko ah." Saka siya humalik sa pisngi ko at kumaripas ng takbo. Totoo ba toh? Kiniss niya ko sa cheeks. Ang saya say--.
"Hello! May tao po dito." Saka lang ako natauhan ng may kumakaway na sa harapan ng mukha ko.
"Ah, eh, sino ka?" Tanong ko dahil ngayon ko lang nakita ang mukha niya.
"Ako si Dianne Dizon. Transferee ako dito." Saka niya inabot yung kamay niya.
"Oh, Nice to meet you. Ako nga pala si Cristine Catacutan." saka kami nagshakehands.
"Oh, nice name. Tara pasok na tayo." At pumasok na nga kami sa room. At dahil section ng mga heartthrob ang section namin. Di na big deal sa kanila ang makakita ng mga magaganda tulad namin. Ayos lang naman yung itsura ni Dianne. Maganda naman siya at maputi. Halos perfect na nga siya e.
"Okay class sit down. I have an announcement. May bago kayong kaklase. Hayaan niyo siyang magpakilala sa inyo." Tapos tumayo na si Dianne.
"Hi! I'm Dianne Dizon. I am pure Filipina but I grow up in States. Any questions?" Saka siya ngumiting malapad samin. Wow! Sobrang ganda niya talaga. Baka matomboy ako nito ng wala sa oras.
*
Katulad ng sinabi ni Phil, sinundo niya ko sa harap ng room namin. Si Dianne naman di sumama dahil maghahalfday lang daw siya. Ano trip nun? Unang araw niya tapos aabsent siya? Tsk. Cutting!
Habang kumakain kami, nakita ko na naman si Jake kasama yung garapata niya na nagdaan. Nakatulala lang ako sa kanila hanggang sa mawala na sila sa paningin ko.
"Uy Cristine! Wag kang umiyak! Di pa siya patay." saka siya nagwave sa harap ng mukha ko.
Di ko napansin na tumulo na pala ang luha ko. Luha na siya na naman ang dahilan.
**
Dear Diary,
Today nadapa ako sa may hallway. Walang nakapansin, buti na lang panget----
Joke! Katulad kasi ng ibang kababaihan, may diary din ako. Wag ng magtaka. Maarte na kung maarte. Basta ang alam ko lang, MAGANDA AKO. Haha konek?
Dear Diary,
Today nagsimula ang new life ko. Guess what. May bago kong boyfriend. Kaso wala pa rin talagang tatalo sa aso na yun. Kahit wala siyang pera. Kahit di siya naliligo. Kahit amoy siyang lumlom sa kili-kili. Kahit sawang sawa na ko sa mga garapata niya. Minahal at minamahal ko pa rin siya. Kahit ilang beses na niya akong niloko sa harap ng maraming tao, di pa rin nagbabago ang nararamdaman ko para sa kanya. Ang unfair noh? Si Jake nagpapakasaya sa bago niyang girlfriend. Habang ako, nagluluksa dahil sa pagkamatay niya. Dejoke! Nagdurusa pa rin ako dahil sa ikalawang pagkakataon, niloko na naman niya ko. Kailangan ko na ba siyang ilet go?
Diary? Tulungan mo naman ako oh. Please? Chat mo ko sa Facebook ah. Hintayin ko sagot mo.
-Cristine ❤
====================================
#AislePogiForevsss
![](https://img.wattpad.com/cover/26817308-288-k749512.jpg)
BINABASA MO ANG
Unexpected Love
Teen FictionEveryone has their own destiny. Maybe not today but someday. It can be happen in a worst time. Like mine, I never thought that the girl I hate the most is the person that I love till the end of my life. Kayo naniniwala ba kayo sa destiny? Mas gugust...