Nakita ko si Cristine na gulo gulo ang buhok at halatang nakipagrambulan. Medyo sira din yung uniform niya dahil siguro sa pakikipagbasag makeup sa mga malalanding girlalu na yon.
"Ano ginawa niyo sa kanya?" galit na galit na tanong ko sa mga malalanding nasa harap ko.
Malanding Girlalu #1: "Kase malandi siya. Dahil inagaw ka niya sa amin. Right girls?"
Malanding Girlalu #2 & 3: (nagkukutkot ng tinga sa ngipin habang nakalook up pa.)
Malanding Girlalu #1: "Hoy. Magsisagot kayo. Di ko kaya toh magisa. Nakakatakot siya e." bulong nung malandi #1 sa mga kasama niya. Binulong pa narinig naman.
Malanding Girlalu #2 & 3: "Ah oo. Malandi nga siya." sabi ng mga malalandi na napilitan.
"Di niyo ba alam na ang pinagsasabihan niyo ng malande ay ang girlfriend ko?" saka ko biglang inakbayan si Cristine.
Kung pwede lang mahulog ang mga panga nila sa lupa, kanina pa nahulog dahil sa sobrang gulat nila sa sinabi ko.
Malanding Girlalu #1: "Gi-girlfriend mo siya?" nanginginig na tanong sakin nung isang malande.
"Oo, my new girlfriend. And I won't take a doubt to kill when I see some of you actually flirts with her." Potek! Napapaenglish ako ha.
Nagulat ang lahat sa sinabi ko at yung malalanding girlalus naman, nahimatay (ng peke.) Yung isa nga tumama pa ang ulo sa bato kaya tuluyan ng nahimatay.
Bat kaya gulat na gulat sila noh? Siguro dahil ang alam nila ay girlfriend ko pa rin si Angelica. Si Angelica ay girlfriend ko for two years. Kala ng lahat ay perfect na kami pero binreak ko siya last week lang. Nakakasawa na rin kase. Minsan kailangan din nating magpalit dahil di na healthy para satin. Tulad ng underwear.
Pagkatapos ko silang magulat ng bonggang bongga, nilampasan na namin sila at pumunta sa parking lot ng school.
"Pano yung klase mo?" tanong sakin ni Cristine.
"Babawi nalang ako bukas." saka ko binuksan ang pintuan ng kotse para makapasok siya.
Nakakabingi ang katahimikan habang nasa biyahe kame ng bigla siyang nagsalita.
"Nahihibang ka na ba?" tanong niya.
"Baket naman?
"Bat mo sinabi sa kanila na girlfriend mo ko?" tanong niya ulet.
"Baket? Masama ba?" nakatingin lang ako sa daan habang nagdadrive.
"Alam mo bang baka magulpi na naman ako ng mga malalanding yun?"
Tumingin ako sa kanya ng seryoso. "I won't let anyone hurt you. I promise."
"But promises are meant to be broken diba?" nagpout pa siya.
"Oo nga. Pero ibahin mo ko dahil tumutupad ko sa mga pangako." kumindat pa ko.
"Siguraduhin mo lang at baka mabasag ko yang si Adan mo." nakangisi pa siya.
"Haha. Siyempre naman totoo yung mga sinabi ko. English pa nga diba?"
"Haha. Oo na."
"Ibig sabihin ba niyan ta-tayo na?" nanginginig pa ang boses ko habang sinasabi ang mga salitang kanina pa gumugulo sa utak ko.
"Ano?? Eh hindi ka pa nga nanliligaw e." pasigaw niyang sabi.
"Kailangan pa ba nun?" nagkamot pa ko ng ulo.
"Aba siyempre naman. Di ako easy to get noh. Di ako tulad ng mga malalanding yun na parang damit kung magpalit ng lalake."
"Sabagay." tumango tango pa ko para effective.
Nakarating na kami ng pagkalayo layo niyang bahay ng makita ko ang Mama niya sa garden. Bumaba na si Cristine at dumiretso na sa bahay nila. Kaya ako nalang at ang Mama niya ang natira. Hay nako, kasama ko na naman yung madaldal niyang Mama na walang pangalan hanggang ngayong Chapter 4.
"Balita?" tinaas niya pa yung mga kilay niya. Muka na naman siyang clown dahil sa kapal ng make up niya.
"Anong balita? Manood ka kaya ng tv nang malaman mo yang balita na sinasabi mo." aba, ako pa pinagtanungan mo ah. Ano kala mo sakin. Mayk Enrikes? Ha?
Binatukan niya ko sa ulo. Pwede ba yun? Haha. "Bugok! Balita sa inyo ni Cristine! Bobo mo talaga noh?" nakakunot na naman ang noo niyang puro wrinkles na.
"Ay ganon po ba? Okay lang naman po. Kakapacheck lang po namin sa doctor at buntis daw po siya. 3 months." muntik na siyang himatayin sa sinabi ko.
"Joke lang po. Di naman to mabiro. Hello! Kahapon lang po kami nagkakilala diba?" nagwave pa ko ng kamay para effective ule.
"Saka sabi niya po ligawan ko daw muna po siya. Artii nuh?"
"Sinabi niya yon? Bat nung sila ni Jake, umoo na agad si Cristine kahit di pa nanliligaw si Jake."
"Ah. Alam ko na! Mahilig sa aso si Cristine. Kaya nga naging sila ni Jake diba? Ano kayang lahi gusto niya? Askal kaya pwede?"
"Bugok! Di maganda yun. Asong kalye na lang." nakangiti pa ang bruha.
"Pareho lang yun. Abrebiyeytyon lang yung Askal." tingin sa kanya at parang sinasabing (ang talino ko noh)
"Oo na yabang mo. Eto na yung Large Nutella mo." nagkinang na naman yung mata ko.
"Wow! My bhebheLoves! NuTE11@ lHang zHapaT nHa_01"
"Hahahaha. Bat ba adik ka sa Nutella? Ha?" Lumunok muna ko bago ko magsalita.
"Kase noong bata pa ko--" natigil na naman ako sa pagsasalita dahil sumigaw si Cristine.
"Bat nandito pa yan?" Aba, at nakapamewang pa siya ah.
"Ah..eh..di pa kase ko nagpapaalam sayo. Bye Cristine! Bye Mama ni Cristine na walang pangalan hanggang Chapter 4!" Muntik niya na kong habulin dahil sa sinabi ko na yon. Buti nalang nasarado ko na yung gate niya. Yan tuloy nauntog yata yung ulo niya.
Umuwi na ko at nagpahinga na dahil again, andami na namang nangyari ngayong araw. ~
Sabaw yung update! Haha. Comment kasee!
#AislePogiForevss
BINABASA MO ANG
Unexpected Love
Teen FictionEveryone has their own destiny. Maybe not today but someday. It can be happen in a worst time. Like mine, I never thought that the girl I hate the most is the person that I love till the end of my life. Kayo naniniwala ba kayo sa destiny? Mas gugust...