Pogi 7

20 0 0
                                    

"Jingle bells! Jingle bells! Jingle all the way! Owapaniristuray--".

"Tawad!!! napatigil sila dahil sa sigaw ko. Pinakawalan ko ang mga aso namin at pinahabol sa mga nangangaroling.

Buti nga sa kanila. Iniistorbo nila yung napakapoging nilalang na tulad ko. Nandito ko ngayon sa harap ng IMac KO at nagfe-facebook. Nagtatype ako ng may biglang nag Add Friend saken. Jake Pulgasero. Wow! May facebook pala toh. Di ako nainform. Tiningnan ko yung wall niya. Dami niyang friends! 56 Hahahahaha. Tiningnan ko ang latest upload niya. Yun ay yung profile picture niya na nakanguso pa na gawa sa PiZap. Infairness andami niyang likers ah. 2 likes.

Tumungo na ko sa photos niya. Nakita ko na naman si Cristine. Magkaakbay sila at sweet sa isa't isa. Nakaramdam naman ako ng selos. Teka, bat ako nakakaramdam into? Hay, siguro puyat lang ako. Nireport as spam ko muna yung account niya bago ko naglog out.

Matutulog na ko at may simbang gabi pa mamaya.

3:26

As usual, nagising ako ng mas maaga kesa sa alarm ko. Hay nako, mukang nakipaglandian na naman toh kagabi ah. Magpapasko na ayaw pa din tumino.

Maaga kong nakarating sa simbahan kaya umupo muna ko sa isang tabi. Antagal naman dumating ng pari! 4:15 na oh! Andami kasing kaechosan e. Joke!

"Baby, forever na tayo ah." nakarinig ako ng pamilyar na boses sa likuran ko.

"Oo naman Baby, di na kita iiwan. Di kita lolokohin, promise." Aba, confirmed! Yung magMU nga. Papromise promise pa yung Jake na yan na di siya lolokohen. Eh may bagong nilalanding babae nga yan. Pero bat ganon? May naaamoy ako, ay si Jake lang pala. Paskong pasko na, amoy pa rin siyang undas.

Natapos yung misa na puro landian lang yung ginagawa nila. Hindi ba sila aware na simbahan yung pinuntahan nila at hindi motel?

*****Fast Forward*****

Hay. Kabilis talaga ng araw noh. Pasukan na bukas. Ano na kaya nangyari sa dalawa.

Pumasok na ko at fowta. May klase agad? Grabe ah. Di ba pwedeng pagpahingahin muna kami dahil napagod kami sa bakasyon? :D

Mabuti nalang at nagkuwento muna ang teacher namin bago magklase. "Uhm. Ikaw Mr. Ison, ikuwento mo nga samin kung ano ang ginawa mo habang bakasyon." Napatingin naman ako sa kanya at nginitian niya lang ako. Aba, wag niya kong ngini-ngitian ng ganyan. Ngayong badtrip ako dahil may klase agad e.

"Wala naman po. Masyado lang naman pong naging matipid yung bakasyon ko. Nagbabasag lang naman po akong IPhone 6 maghapon." Napanganga sila sa sinabi ko. Pati si Professor napanganga. Kita ko tuloy yung esophagus niya. Eiww. Kadertdert!

Baket? Sinabi ko lang naman ang totoo ah. Mayaman kase kameee.

Lunch namin at pumunta na kami nila James sa canteen. Aba, wala yata sila Cristine dito. Mabuti nalang at makakalanghap ako ng sariwang hangin.

"Boy! Kamusta kayo ng girl na fineflirt mo?" -James

Binatukan ko nga ang gago. "Sinong fineflirt ba ha?!" tanong ko ng pasigaw sa kanya habang lumalabas na kami sa canteen.

"Edi yung babaeng maganda na parang mataray." -James

"Ah, si Cristine ba? Wala na yun. May boyfriend na yun e. Saka wala na kong pakialam sa kanya." -POGING ako

"Awwts pare, ansakit nun ah. Fineflirt mo yung may boyfriend na? Tindi mo rin Phils!" Saka sila nag-apir nila Mike at Kevin. Etong dalawang toh pa-apir apir pa. Wala namang masyadong exposure sa poging kuwento ko.

"Phils? Diba yun yung nilalagay sa harapan ng bakla?" Hirit ni Mike.

Tumigil kami at nagisip. Medyo slow din kasi kami. Si Mike lang yung pinakamatalino sa barkada dahil siya din yung top 1 ng klase. Kaya utu-utuin mo lang ng konti ay pakokopyahin ka na ng assignments.

Nung nagets na yata ni Kevin yung joke? ni Mike ay sumagot na siya.

"Iba yun Mike! Bat alam mo yun Mike ah? May jowa kang bakla noh? Aminin mo na nang pati ako may pangload na din." Tumawa kaming lahat sa sinabi ni Kevin.

"Bugok ka talaga Kevin!" -Mike

Habang nagtatawanan kami, may napansin akong pamilyar na mukha sa tabi ng punong mangga sa school. Tama, si Cristine nga. Ano ginagawa niya dun?

"Guys, una na kayo. May naiwan lang ako sa canteen." -POGING ako.

"Sige pre, sunod ka agad ah." -James

Tumango nalang ako at nung napansin ko na wala na sila, lumapit na ko likod ni Cristine. Napansin ko din na umiiyak pala siya. Bat kaya siya umiiyak?

Nung napansin niya siguro na merong tao sa likod niya, lumingon siya.

Nakita ko siya na magang maga na ang mata sa kakaiyak. Halata yung gulat sa mukha niya nung makita niya ang mukha ko.

Kala ko ay ipagtutulakan niya ako palayo pero sa halip ay niyakap niya ako ng nahigpit.

"Phil, si Jake.."


*********************

Next chapter will be Cristine's POV.

Vote and comment guys!

-AislePogiForevsss


Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon