Teka, siya ba toh? Bat siya nakahiga sa kama? Siya ba talaga toh? Anong nangyari sa kanya?
(Langya, paulit-ulit? Unli?) sagot ng konsensya ko.
He!! Tumigil ka at baka maisahog kita sa lugaw sa kanto.
"Nurse, ano nangyari sa kanya?"
"Nahimatay siya kanina nung lumabas ng canteen. Mabuti na lang at may nakakita at dinala agad sa clinic." sabi niya ng malumanay. Diba ako lang ang nakaaway niya kanina? KaOA naman mahimatay nito. Konting away lang eh. Weird.
"Weh, di nga?" gulat na tanong ko.
"Magtatanong ka tapos di ka maniniwala. Siraulo lang? Ganon?"
"Ah. Eh. Ako nalang po ang maghahatid sa kanya sa bahay nila." nakita ko kasi sa ID nya yung address nila. Saka nakokonsensya ko. Feeling ko kase ako yung may kasalanan kung bakit sya nahimatay e.
"Eh ano ka ba nya?"
Napatigil ako sa sinabi niya. "Boyfriend? Tama! Boyfriend niya po ako."saka ko nagsmile na abot hanggang batok.
Tumango naman yung nurse dahil muka naman daw akong mapagkakatiwalaan. Aba, dapat lang. Sa gwapo kong toh, mapagkamalan niya kong masamang loob? Baka di ko siya matansya at baka maihampas ko sa kaniya ang bago kong kotse. Oo, bagong kotse. Yaman namin noh. Haha.
"Paano ako?" mangiyak ngiyak na tanong ni James sakin.
"Tumigil ka nga. Laki laki mo na e. Para kang bata!" pagsesermon ko sa kanya with matching taas kilay pa.
Napayuko nalang sya at parang umiiyak na naman. Hay! Kahit talaga kailan. Iyakin tong mokong na toh. Bat kaya ayaw niyang magartista? Daig niya pa si Nora Aunor sa pag-acting eh.
Nilabas ko na si Cristine sa clinic at dinala na sa mamahalin kong kotse. Oo, Cristine pangalan niya. Cristine Ordoñez Catacutan. Bongga ng name noh? Tinalo pa si chucky. Cacatacut.
Habang nasa biyahe kame, di ko maiwasang hindi mapatingin sa kanya. Ang ganda nya. Matangos ang ilong, kissable ang lips, at lalo na ang mga mata niya ang ganda. Teka wait, nakapikit nga pala sya. Basta sobrang ganda nya as in PERFECT. Yun nga lang parang ansama ng ugali.
Medyo maggagabi na nang makarating kami sa bahay nila. Hinanap ko pa kasi kaya natagalan kami. Inakay ko na palabas ng kotse si Cristine at saka ko nagdoorbell. May nagbukas naman agad ng pinto na isa palang katulong. Pinapasok na niya kami at inihiga ko na si Cristine sa sofa nila. Kamalas-malasan naman. Biglang may dumating na parang Mama at Papa nya.
"Oh my god. What happen to my Cristine Ordoñez Catacutan?" pasigaw niyang sagot.
Kailangan talaga buo? Pwede namang "my daughter" o kaya "COC". Uy favorite game ko yun ah. Haha.
"Baket!? Baket mo kami iniwan ng papa mo!!" OA niya uling sagot.
Nung nahimasmasan na si Cristine, tumayo siya at napatingin pa sa kanyang Mama na todo acting. "Ma? Bat kayo umiiyak? patay malisya niyang tinanong.
"Anak! Buhay ka!" saka nya niyakap ng mahigpit si Cristine kaya di ito makahinga. Palibhasa kasi antaba ng Mama niya.
Bigla naman ako nakita ni Cristine kaya sya biglang siyang humiwalay sa pagkakayakap at biglang sumigaw. "Bat nandito yan?" gulat niyang tanong.
"Siya yata ang naghatid sayo dito." sabi ng Mama nya sa kanya.
"Ba-baket mo ko hinatid?" nauutal pa nyang tanong sakin. Ang OA naman nito, parang hinatid lang eh. Hindi ko naman siya re-rapin dahil di ko naman siya type.
(So, re-rapin mo pag type mo?) sumabat nanaman si konsensya. Di ko nalang siya pinansin.
"Sabi ko kasi sa nurse na ako nalang ang maghahatid sayo dahil wala namang maghahatid sayo sa bahay niyo. Saka nakokonsensya ko dahil pakiramdam ko, ako ang dahilan kung bakit ka nahimatay." malumanay kong sagot sa kanya dahil baka magalit nanaman ang dragon na toh.
"Pano mo nalaman yung bahay namin?"
"Nakita ko sa ID mo." saka ko inabot sa kanya ang ID nya. Padabog niya naman itong kinuha mula sakin.
"Sige na! Umalis kana! At baka masapak pa kita diyan." akma niya na akong hahampasin ng pigilan sya ng kanyang Mama.
"Anak, di mo ba muna aayaing magdinner ang boyfriend mo dito sa'tin?
"Maaa! Di ko sya bo-" bigla nanaman siyang nahimatay. Buti nalang at nasapo ko sya dahil nasa likuran lang naman niya ko.
Pinakiusapan nalang ako ng Mama niya na dalhin siya sa kuwarto niya. Pagbukas ko ng pinto ng kuwarto niya, inihiga ko na sya sa kama nya. Meron din akong nakitang picture frame ngunit basag. Picture ito ng isang lalaki at si Cristine na magkaakbay.
"Sino kaya ang lalaking toh?" pabulong kong tanong dahil baka magising nanaman ang dragon.
Lumabas na ko at pumunta na sa kusina para kumain. Inaya nila akong kumain para naman daw makapagpasalamat sila sa'kin. Aba, dapat lang. Ang hirap hirap hanapin ng bahay nila saka aksaya pa sa gasolina.
Habang kumakain kami, biglang nagsalita ang Mama ni Cristine. "Gaano mo na katagal kakilala si Cristine Ordoñez Catacutan?"
"Pwede po bang Cristine nalang? Ang haba kasi e."
"Oh Sure. So, gano na nga katagal?
"Hmm. 7 hours?" halatang nanlaki ang mga mata nila dahil sa sinabi ko.
"7 hours pa lang? Kala ko matagal na kayong magkaibigan para ihatid mo siya dito sa bahay naming pagkalayo-layo."
"Ginawa ko lang po yon dahil nakokonsensya po ako. Dahil yun nga po, dahil feeling ko po ako po ang dahilan kung bakit siya nahimatay. Saka di po yon libre, sayang po Gas ko e. Premium pa naman yung gas ko."
"Magkano ba? " walang reaksyon niyang tanong.
"120 lang po."
Inabutan niya naman ako ng 50 at mga mamiso. Wow ha. Gusto pa talaga ko maloka kakabilang. Langya lang talaga.
"Sakto po ba toh?"
"Oo naman. Gusto mo bilangin pa natin isa isa?"
"Di na po. Ako nalang."
"Good, tuloy na natin ang kuwentuhan." Tapos bigla na namang sumeryoso yung mukha niya.
"Sa tingin ko hinde. Hindi siya hinimatay dahil sayo. Hinimatay siya dahil sa galit niya kay Jake.
"Sino po si Jake?" curious na tanong ko sa kanya.
"Siya ang dating boyfriend ni Cristine. Naghiwalay sila these past few days. Di ko alam kung ano ang ginawa ni Jake para magalit ng ganito ang anak ko sa kanya."
Yun siguro yung kasama ni Cristine sa picture frame na basag. Dapat yung mukha nalang nung Jake yung binasag niya kesa yung picture frame. Sayang e.
"Ganon po ba? Kuwento niyo po sa mamiso ko with feelings. Haha. Joke lang po." sabi ko sa kanya ng pabiro.
"Aba batang toh!!" akma na niyang bubuhatin ang lamesa sa harap namin ng bigla siyang pigilan ng Papa ni Cristine. Aba, buhay pa pala toh. Haha jk.
"Joke lang naman po."
Agad naman kumalma ang mukha ng Mama ni Cristine. "So yun nga, di namin alam kung ano ang ginawa ni Jake para magalit sa kanya si Cristine."
Tumango nalang ako dahil baka magalit nanaman siya. "Kaya pala siya ganun kasunget."
"Bigla nalang nagbago ang ugali nya nung nagbreak sila ni Jake. Tapos bigla nalang nagliwanag ang mata niya na parang may magandang naisip.
"What if ligawan mo siya para makamove on na siya sa tukmol na yon!"
"WHAT?? Ako liligawan ko siya? Ako na pinakahot at pinakapogi sa school namen liligawan siya?
Vote and Comment :)
#AislePogiForevss

BINABASA MO ANG
Unexpected Love
Genç KurguEveryone has their own destiny. Maybe not today but someday. It can be happen in a worst time. Like mine, I never thought that the girl I hate the most is the person that I love till the end of my life. Kayo naniniwala ba kayo sa destiny? Mas gugust...