Pogi 6

25 0 0
                                    

Seryoso ba siya? Sila na ulit nung Pulgasero na yun? Di talaga ko makapaniwala. Just like to the O, to the M, to the G lang ha. Diba may girlfriend pa yung putaragis na aso na yun kahapon? Hayy.. kalandi na talaga ng mga tao ngayon. Tsk.

Nandito ko ngayon sa clinic at umiinom ng pain reliever. Buwisit kasing Beast yan e. Ano kayang magawa ko na pagsisisihan niya? Tama! Ihahabla ko siya sa baranggay. Hindi niya sinusunod yung Aso Ko Tali Ko. Haha joke.

Paglabas ko ng clinic, sakto naman na bumukas din ang pinto ng computer room na nasa tabi lang ng clinic. At malas lang talaga ko ngayon ah. Yung magMU yung lumabas. MAGKASINTAHANG UNGGOY. Haha XD

Medyo nagulat ako, oo medyo lang, kulit mo pala e, Medyo nga lang. Nakakatawa nga lang dahil ang epic ng mga face namin.

Ako: (0.0)

Sila: (-.-)

So ganon? Muka bang kabored bored ang mukha ko? Etong napakapoging mukha natoh kabored bored? Eh halos malaglag na nga ang mga napkin ng babae dahil sa sobrang kilig sakin e. Inirapan ko nga sila. At ang mga Fowta, inisnob lang ako. Diba ako lang ang snobber sa kwento na toh? Author, pakitanggal na nga yung dalawa na toh. Please? *beautiful eyes*

Nilampasan ko na sila dahil baka masira lang talaga yung napakapogi kong araw. Tumungo na ko sa aming silid aralan para paulit ulit na magsunog ng kilay. Haha chos. Half Binatang Filipino ko noh! Australian kase si Mama.

******

Isang linggo din akong di nakapasok dahil nilagnat ako. AngOA naman kase ni eggy eh. Nasaktan lang, nilagnat na ko. Umuwi si Mama galing Australia para alagaan ako. Taray diba? Umuwi dito sa Pilipinas para lang alagaan ako. We're so yaman talagaaa.

"Do you feeling well enough Son?" tinanong niya sakin dahil gumayak na ko para pumasok ng school. Actually, di pa talaga masyadong pogi--este maganda yung pakiramdam ko. Baka kase madrop nako dahil isang linggo na kong di pumapasok.

"I'm already fine Mom. Pack your things and go back in Australia."

"Ok fine" maikli niyang sagot.

Ambilis niya mapapayag nuh? Pano kase sabik kay Papa. Oo buhay si Papa. Joke lang yung kinwento ko nung chapter 5. Pangpahaba ng exposure. Ang OA naman kase kung namatay siya dahil sa Nutella diba? Sasagot ka? Hinde? Sasagot ka? Hinde? Ayaw mo talagang sumagot ah. *Pak!!*

Sumakay na ko sa kotse ko at pumunta na ng school.

Nung nasa parking lot na ko ng school. May natanaw akong naglalampungan. Haha, oo naglalampungan. Pero nagulat ulit ako ng maaninag ko kung sino yung lalaking yon. Si Jake Pulgasero! Tulong! May nakapasok na aso sa school! Haha joke.

Alam kaya toh ni Cristine. Siguradong magagalit siya kung siya mismo ang makakakita ng ganitong eksena na involve ang boyfriend niya. Wait, sila pa kaya? Matanong nga mamaya.

Di ko na lang sila pinansin at dumiretso na sa classroom ko. Buti nalang bagong gupit ako kaya di ako makikilala pag nakatalikod ako.

Pagdating ko sa classroom buti na lang wala pa si Professor. Umupo na ko sa upuan ko at nagsaksak ng headset and forget the world.

"Mr. Ison!!" sigaw ni Professor na ikinagising ko. Patay, nahuli yata akong natutulog. Tumingin ako sa relo ko at OMG, 11:34 na! Nakita ko rin na halos wala ng tao sa loob ng classroom. Naglunch na yata yung iba.

"At bakit ka natulog sa klase ko?" nanlalaki na naman yung ilong niya.

"Ah.. eh bat di niyo ko ginising?" Buti nalang at may naisip akong palusot.

"Ah.. eh ngayon lang kita nakita e." langyang matandang panot na toh! Nanggaya pa ng line ko.

"Oh yun naman pala e. Quits lang tayo." saka ko kinuha ang bag ko at lumabas na ng classroom.

Nakakapanginit ng ulo tong panot natoh e. Baka di ko siya matansya af magdilim ang paningin ko-- Haha joke lang. Di ako ganon.

Nagpunta nako ng canteen at nakita ko na naman yung magMU. Oo sila. Alam niyo na ah. Sapok magtanong. Haha joke. Baka mawalan pa ng readers si Author baka umiyak pa. Peace Author ^.^V

Nakita naman ako ni Jake Pulgasero at sinabi kay Cristine na "Halika na bhabes. Sa ibang canteen na lang tayo kumain."

"Ha? Sayang naman yung mga pagkain bhabes oh" tinuro pa ni Cristine yung dalawang lugaw na mukang di na mainit.

"Sino ba may sabing iiwanan natin yan? Dadalhin natin yan bhabes noh. Wala na kong pera pangbili ng bagong pagkain.

"Uhm ok." nakita ko pang nagrolled eyes si Cristine kaya tumawa na lang ako ng mahina.

"Anong tinatawa tawa mo diyan? tanong ni Jake.

"Ako ba?" tinuro ko pa ang sarili ko. "Wala lang, masaya lang ako ngayon."

Inirapan lang ako ni Jake sabay kuha sa lugaw na malamig na. Yung totoo? Bakla ba toh?

Pumunta na ko sa counter at umorder na. Nakita ko pa si Cristine na napatid kaya natapon sa damit ni Jake yung lugaw na malamig. "Sh*t!!" narinig ko pa si Jake na napamura kaya lalo akong natawa.

=====================================

Sorry po natagalan yung update. Busy po kase ako e. Hihihi opo busy po ako. Vote and Comment.

-AislePogiii

Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon