#KMJSxALDUB: May Forever Pa Ba?

1.1K 54 11
                                    

What if: They finally sit down with the Miss Jessica Soho? What would be the flow of the interview be like?

PAALALA asawa ni PAALULU — THIS IS FICTION! 😊


"Are you sure you want to do this, Alden and Maine?"

"Yes, po Miss Jen. I think it's about time."

"Okay, let me reach out to the KMJS team."


(2 days before the KMJS episode)

Promotional Video:

Jessica Soho: May naalala ba kayo sa kantang ito?

(plays a portion of God Gave Me You, by Alden Richards)

Naiisip niyo ba ang naiisip ko? Dalawang tao lang ang naalala ng sambayanan kapag naririnig ang kantang yan. Tama po, the PHENOMENAL ALDUB. Sino ba ang hindi nakakakila sa Phenomenal Love Team na ito? 2015 nong naging bukambibig ng bawat sulok ng Kalye ang accidental pairing nina Alden Richards at Maine Mendoza "Yaya Dub". Sa Eat Bulaga nagsimula ang lahat, namayagpag ang dalawa sa pagdaan ng panahon. Naging in-demand sila mapa commercial man ito, movie, magazines, at kahit saan mang sulok ng mundo, hinangaan sila ng husto at di matatawaran ang kasikatan na natamo.

At sino ba naman ang makakalimot sa Tamang Panahon? On October 24th, 2015, pinuno ng ALDUB Nation ang 55-thousand setter indoor Arena sa Bulacan. Sa Philippine Arena, naganap ang isa sa pinaka makasaysayang pangyayari sa mundo ng Philippine Showbiz. Sa wakas nagtagpo ang dalawang bida sa isang noon-time skit. Huminto ang buong mundo at nakiisa sa pagsisimula ng FOREVER nina Alden at Yaya Dub.

Taong 2017, buwan ng Nobyembre, nagulat at nasaktan lalong lalo na ang taga-hanga ng ALDUB dahil sa inilabas na Open Letter ni Maine Mendoza, na kung saan, sinabi niya na magkaibigan lang sila ng kaparehas niyang si Alden Richards. Dito nagsimula ang isang paglalakbay sa isang masalimuot na daan, mapa telebisyon man o sa totoong buhay ng dalawang bida.

Fast forward to this day—year 2020. Ang tanong pa rin ng nakararami lalong lalo na ng ALDUB Nation na nagmamahal ng lubos sa kanila;

Ano ba ang tunay nangyari?
May forever pa ba kaya?

Ngayong linggo sa napaka-espesyal na Valentine's episode ng KMJS. Tunghayan natin ang natatanging pagharap ng dalawa sa mga tanong na noon pa man hinahanapan pa rin ng sagot lalong lalo na ng mga fans nila.

Isang karangalan na maihatid ko sa inyo ang buong kwento sa likod ng Phenomenon na ito.

Magkita-kita tayo sa Linggo, 8:55 ng gabi, para sa #KMJSxALDUB: May forever pa ba?


Jessica Soho: "Good evening Maine and Alden, welcome ulit sa KMJS."

Maine Mendoza: "Good evening po, Miss Jessica. Oo nga po matagal tagal na din yon."

Alden Richards: Good evening, Miss Jess. It is always an honor po, to be here."

JS: "Ayokong palampasin ito, Alden and Maine, ha. Pero, fan na fan ninyo akong dalawa. At I am so happy na makita kayong magkasama ngayon. Iba pa rin ang chemistry ninyo talaga. Walang tulak-kabigin."

AR: "Naks, Salamat po."

MM: "Ay, hala po, hindi naman po masyado."

JS: "So, ready na kayo? Hindi ko kayo bibitawan dito hanggat hindi natin nalilinaw ang lahat. Pero unang tanong, Alden and Maine, bakit ngayon lang kayo magsasalita?"

Popcorn, Please...Where stories live. Discover now