#BawalJudgmental: Birthday Edition

702 43 12
                                    

Author's Note: THIS IS WORK OF FICTION! BABALA!

Welcome back! Hahaha Kailangan ko lang talaga tong i-sulat. Please be reminded THIS IS AGAIN FICTION! Okay? Lol

PS. Alam niyo, kakasulat ko ng fanfic nung dalawa, napapanaginipan ko na sila. And this was the recent one. Isipin niyo nalang na nasa parallel universe tayo, okay? Okay! Hahaha


What If? On RJ's 29th birthday, something like this will happen?

(January 2nd, 2021)

I woke up from a vivid dream. It was so real. It's as if I was really talking to the person, and I can still feel their presence. I am not sure, but isa lang ang pumasok sa isip ko—I need to do something. I need to honor that dream. The message was so clear that all I needed to do is call the key people and make it happen. It's now or never. Today will be different. Today, we will end something and begin anew...


(Eat Bulaga)

"Happy Birthday, again, RJ!"

"Thank you, love! What's this? Another gift?"

"Yes..."

"Ilan pa ba ang gift na ibibigay mo?"

"Pero, love, open it later pagkatapos ng show."

"Oh? Bakit mo binigay ngayon?"

"Para pampa-good luck! Hahaha."

"Hindi ko ba talaga ma open to?"

"Hindi, but you can carry that in your pocket. Kasya naman yan."

"Ang gaan? Tumutunog? Ano ba to?"

"You'll know later. Good luck sa laro today!"

"Thanks, kasali ka ba sa choices?"

"Hindi ah, sasayaw ako, hahaha."

"Talaga ba? Feeling ko may surprise ka pa eh. Kinakabahan ako eh."

"Sus, wala na, yan na ang ultimate gift ko sa'yo, ay meron pa pala mamayang gabi."

"Oh? Meron pa? Grabe siya. Kanina ka pa ha."

"Syempre. I love you."

"I love you more."


Na experience niyo na ba yung nakatingin ka sa dalawang tao tapos all you wanted and prayed for is for them to be together? Na sana darating ang araw sila pa rin sa dulo. Yung gusto mong hilahin ang panahon at bigyang laya ang dalawang pusong nagmamahalan.

Gaya ngayong mga sandaling ito. Naka-upo ako sa isang sulok dito sa APT studio. Nakatingin sa mga taong busy sa kanya-kanyang mga ginagawa. Wala pa ring audience dahil sa pandemic, pero nandito ako naka-upo sa gilid malapit sa stage, naghihintay ng mga ganap ngayong araw. Special ang araw na to.

Malapit ng mag start ang show. Hindi ako mapakali, maya't maya akong naglalakad patungo sa loob ng ALDUB room, tapos babalik agad sa stage. Ako ata ang kinakabahan, o ang akmang salita siguro ay na e-excite ako sa mga mangyayari sa araw na ito.

Hanggang sa sumapit na ang alas onse y medya ng umaga, nagsisimula na ang show, tahimik lang akong naka upo sa sulok. Jose and Paolo were introducing the next judge na maglalaro sa Bawal Judgmental portion, at nung tinawag na ang maglalaro, di ko mapigilan ang mapangiti.

Napakagwapo naman nito. Napatingala ako sa mukha ni RJ—siya ang maglalaro sa Bawal Judgemental. Para akong dinala sa ibang dimension, nag flash back lahat sa akin—kung paano siya noon nagsimula sa industriyang ito, kung paano niya nakayanan lahat ng pagsubok, nakita ko ang pagkadapa niya at ang muling pagbangon ng makailang beses—di ko na nga mabilang pa. Nakita ko din kung paano nawasak ang puso niya, at nabuo unti unti—saksi ako sa lahat ng highs and lows niya. Saksi ako sa mga ngiti at luha niya. But at this very moment—sobrang proud ko para sa kanya. Proud ako sa narating niya. Sa lahat lahat ng pinagdaanan, ito na...ito na ang kapalit ng lahat...

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 01, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Popcorn, Please...Where stories live. Discover now