Jojowain o Totropahin Challenge

1.2K 49 3
                                    

Author's Note: Credit and Thanks to beshywap Izza for the idea. Iniba ko lang ng kunti. hahaha

What If: Maine Mendoza do the Jojowain O Totropahin Challenge? Ano kaya ang ganap?


"Hello, hello, and hello!!! I'll be doing IG live later guyssssss! Mga 9:00 PM, ay wait hindi—mga 8:59 PM. See you, all! 😊
— @mainedcm | Twitter


(IG Live Start— 8:59 PM)

"Hello guys! oi, on time ako ha, 8.59 pm! Oh asan na kayo? hahahaha. Anyway padadamihin muna natin ng kunti, basa tayo ng comments muna...

Hmmm from @tinywhinyme? Kailan ka magiging active uli sa Youtube Chanel mo?

I've always consider vlogging as my goal talaga, pero baka di pa ngayon, medyo madami pang ginagawa, di ko matutukan yan. Hahahaha but of course it will happen eventually.

From @maineIamYours, saan ka ngayon? sino kasama mo dyan?

Galit ka ate? or kuya? ate? kuya? hahaha nasa Condo lang ako, tas may kasama ba ako? Wala naman ah.

@aldubforever, uy, walang forever! nag break na yong JaDine, gusto ko pa naman sila, nag break na din si Austin and Vanessa, ano ba to! mga ships ko waley! hahahaha

@mainelovers2015 bakit ang ganda mo? Aw thank you? Saang banda? hahaha pero salamat, mag salamin ka, or mag eyeberry ka iha ha...

@maichardnow Saan si Alden Meng? Si Ricardo? ewan kung saan yon, nasa damit niya! wag niyong hanapin sa akin... hahahaha

@favemaichard baka nasa bulsa mo si Alden? Ilabas mo Meng, lol sorry wala akong bulsa ngayon! hahahaha

@mainelangsapatna aw iba si ate sa username nya, tanong niya, bakit daw, ano ate? bakit daw di ko na nakakasama si Arjo? Aw si Arsho, kasi busy yon, yaan mo na! hahahaha

Anyways ayon na nga, dumadami na tayo, salamat sa 7k and counting na nanonood. So for the meantime guys habang di pa ako bumabalik sa vlogger's world, naks! feeling may content na ilalagay no? hahahaha ang hirap kaya mag edit! pero ito na nga the reason why I summoned you all to be here and watch my IG live! char feeling sikat ba? summoned talaga? hahahah pero ito seryoso, naisipin ko lang maglaro ng drum roll please! uy teka, nanonood si Ryzza Mae! Hello bebe! Ito na ha, ginawa ko na, itong batang yan kasi, sarap mang asar at mang dare. So, isa siya sa nag dare sa akin. Oh yong mga nag dare! Asan na kayo, manood na kayo! Humanda kayo sa akin! hahaha

Shout out to Patchypie, ha? sino ang tinitignan mo dyan sa bandang unahan mo? bakit lumalagpas sa camera ang tingin mo? Ha? meron ba? Wala naman ah. Papakita ko sa inyo, oh yan, yan kita niyo? wala! walang tao! Guni guni nyo lang yan! Mag isa nga lang ako dito. Ano ba? tuloy ko pa ba to? Joke, baka bash niyo ako pag di ko tinuloy! hala 10k na! Iba kayo!

So, ito na, from time to time, gagawa ako ng challenge dito sa IG live ko, so ito nga ang una kasi may nag dare, so let's do the—drum roll again please—JOJOWAIN? O TOTROPAHIN? CHALLENGE! yay! hahahaha

I have with me 20 pictures here, pinaka compile ko talaga to, may inutosan ako, sabi ko 19 lang, ginawa ba namang 20! So let's start na!

First Picture! Tadang! What? Justin Bieber! hmmm ay jojowain of course, pero may asawa na eh, so wag na! Pero kung may pagkakataon talaga, jojowain ko talaga to! hahaha

Second Picture! Chris Martin! Jojowain? O Totropahin? Uy idol na idol ko to, pero I love Dakota Johnson so, for now, Totropahin, masarap siguro katropa to, yong gusto kong makausap lang siya, or maki jamming sa one of their sessions ng banda. Naku wish ko lang! hahahaha

Popcorn, Please...Where stories live. Discover now