Chapter Six

591 8 3
                                    

Dedicated to My Unnie :) Heehee. Naalala ko kasi yung 'Let Me Be The One' nya eh. Hanggang ngayon kinikilig pa din ako dun kaya palagi ko pa ding binabasa. Hahaha.. :)



Chapter 6 




“Hoy Joms... Ayos ka lang ba? Bakit ang tahimik mo? Nakakapanibago ah?” tanong ni Chamii sa kanya nang mapansin ang pananahimik nya habang naglalakad sila papunta sa kanto kung san sila sumasakay ng jeep.            

Hanggang ngayon kasi ay shock pa din sya sa nangyari kanina. Hindi pa din sya makapaniwalang nag kiss na sila ni Nathan. Naiinis pa sya kasi hanggang ngayon ay napaka bilis pa din ng tibok ng puso nya tapos parang nararamdaman pa nya ang malambot na labi ni Nathan sa labi nya.      

At ang pinaka weird sa kanya, parang may nararamdaman syang galak somewhere deep inside her.      

Nayayamot sya kasi hindi nya maunawaan ang sarili nya.        

“Hoy! Kasama pa ba kita?” tanong uli ni Chamii habang ikinakaway ang kamay sa mukha nya.

 

Dahil dun, bumalik uli sya sa sarili nya. Upang maitago ang pagkapahiya, pinairal nalang nya ang pagkapilosopo nya.        

“Ay hindi! Andun nga ako oh? Imahinasyon mo lang na kasama mo ako.” Sagot nya.      

“Eh kasi naman bat di ka namamansin? Ang tahimik mo na parang wala sa sarili.”        

“Sorry… Ano kasi eh, may iniisip ako.”        

“Ano ba yang iniisip mo?” curious na tanong ni Chamii sa kanya. Nakarating na sila sa abangan ng jeep nun at kasalukuyang nag aabang ng jeep.        

Ngumiti nalang sya,”Secret!” sagot nya. Kahit pa best friend nya si Chamii, hindi muna nya sasabihin dito ang nangyare kanina. Sa susunod nalang.        

“Madaya ka, ano nga kasi?” tanong muli ni Chamii pero imbis na sagutin ito, binelatan lang nya ito sabay para ng jeep at sakay agad dun.          

“MADAYA KA TALAGA JOMARIELLE!” narinig pa nyang sigaw ni Chamii.          

Agad syang tumungo sa kwarto pagka uwi nya. Nang maisara ang pinto, hinawakan nya ang labi nya.        

Iba iba ang nararamdaman nya ng mga oras na iyon, gulat, pagkalito at… kilig?        

Kinikilig sya?        

Maybe she’s falling inlove with Nathan.      

Is that possible?      

Hindi!        

Erase! Erase! Erase!        

Di iyon maaari dahil asar sya sa asungot na iyon. Kaaway nya ang Kapreng iyon!! But is it really possible? Maybe?        

Hindi sya sigurado sa sagot..          

Teka, bakit ba nya prinuproblema ito? Ang daming bagay sa mundo na dapat nyang problemahin.          

Napakalaki pa ng problema nya ngayon, higit pa sa problemang tulad ng krisis sa mundo, patuloy na pagtaas ng bilang ng mga mahihirap, at kung pano pipigilan ang mga rebelde ng mga bansa.        

Malapit na ang Exam nila at iyon ang prinuproblema nya!        

Okay. Magrereview sya, dapat makakuha sya ng mataas na marka. Kelangan bumilib sa kanya si Nathan.        

Teka, si Nathan? Bakit si Nathan nanaman?        

Ah Ewan! Basta magrereview sya.      

Agad syang pumunta sa study table nya. Kinuha nya ang Math book nya. Ang daming formula, wag muna ito.        

Sunod nyang kinuha ng science book nya, freefall? Acceleration? Gravitational force? Ah! Wag muna ito.        

Next naman nyang kinuha ang engilsh book, nakakadugo ng ilong.          

Next uli, Filipino naman, Bahagi at sangkap ng maikling kwento? Balangkas ng nobela? Talambuhay ng mga sikat na manunulat sa Pilipinas?        

Next Uli!!        

History, ah eto! Review na!!                    

“ANG HIRAP naman ng exam!” aniya matapos ang exam.    

Sobra syang nahirapan, matapos nya kasi magreview sa History, tinitigan nalang nya ang iba pang libro. Ayaw na pumasok sa utak nya ng mga nakasulat dun kaya naman after nyang titigan yun, nag facebook nalang sya.    

Bakit pa sya magpapakahirap? Kapalaran na nya yun kung sakaling bumagsak sya. At mukhang iyon na nga ang magiging resulta ng exam nila.        

Napansin nya si Nathan na nagmamadaling umalis. Hmmm… Bakit kaya?      

“Jomarielle, kain na tayo. Hindi tayo nakakain kaninang break eh. Gutom na ako.” Pukaw ni Chamii sa kanya.      

Oo nga, tama ito, hindi sila nakakain kaninang break nila. Nangamote kasi sya eh kaya pati oras ng break nila ay ginamit na din nya sa pagsagot. Mabuti nga at dinamayan sya ng ever loyal and best friend nyang si Chamii eh na hindi kumain ng break eh.      

“Mabuti pa nga, gutom na din ako eh.” Aniya.            

“PUNTA muna tayo sa court ng school bago umuwi.” Yaya ni Chamii sa kanya matapos nilang kumain sa canteen.      

“Bakit?” tanong nya saka sumipsip uli sa juice na binili.      

“Basta, samahan mo ako.” Sagot nito saka hinawakan sya at hinila papunta sa court. Wala naman syang ibang nagawa kundi ang magpatianod nalang.      

Nang marating ang court, biglang bumilis ang tibok ng puso nyang epal. Wagas nanaman kasi makatibok porket nakita nanaman nya si Nathan. Kaya pala nagmamadali ito kanina, may training pala sila ng basketball. Ito pa naman ang captainball.        

“Manuod tayo ah?” nakangiting sabi ni Chamii. Oo nga pala, crush nga pala ng babaitang ito ang kumag na iyon.        

Hindi nya alam kung bakit pero nakaramdam sya ng inis sa kaibigan, pero hindi lang kay Chamii, pati na din sa mga babaeng nasa bleacher na sigaw ng sigaw ng “Go Nathan!” , “we love you Nathan” , o kaya’y “you’re the best Nathan!”. Grabe kung makatili kasi lalo na pagmakaka shoot ang binata.      

Sa may bandang babang bleacher sila pumwesto, at dun pa talaga malapit kung san nagtitipon ang mga player pagka magpapahinga saglit. Ang galing talaga pumili ng pwesto ng best friend nya.        

Maya maya pa ay pinagpahinga muna ang mga player. Lalong bumilis ang tibok ng puso nya ng mapansing sa kinaroroonan nila palapit si Nathan. Kinikilig nga ang mga babaeng nasa likod nila eh.        

“Hi Chamii. Hi Dwarfina.” Bati nito.      

“Hi!” nakangiting bati din ni Chamii.        

“Maka Dwarfina ka wagas ah?” aniya. Uminit kasi ang ulo nya, ang daya naman kasi ng kumag na ito. Maayos ang pagkakabati kay Chamii pagtapos pagdating sa kanya ganun?        

UNFAIR!          

“Ang liit mo kasi eh!” nakangisi nitong sabi.        

“Ang yabang mo naman.”      

“Totoo naman eh.”        

Napikon na tuloy sya. Narinig kasi nyang natatawa na ang ilang babae sa paligid nila eh.      

“Ah! Bwisit ka talaga! Halika na nga Chamii! Umuwi na tayo!” sigaw nya saka mabilis na kumilos upang umalis.        

Pero bago pa sya umalis, hinawakan ni Nathan ang braso nya uapang pigilan sya sa pag alis.      

“Nagbibiro lang ako.. Wag ka nang umalis..” narinig nyang sabi ni Nathan.      

Nang mga oras na iyon, parang gusto ng kumawala ng puso nya sa dibdib nya. Wala sa sariling hinarap nya ito.        
Seryoso ito, ang mga mata nito ay nakikiusap. Oh god! Mukang totoo nga ang kutob nya, mahal na nga nya yata ang kumag na ito.        

Gusto nyang magsalita nung mga oras na iyon pero wala syang makapang pwedeng sabihin kaya naman tumango nalang sya saka muling umupo sa bleacher.      

“Dyan ka lang ah? Panuorin mo lang ako. Promise, sa audition mo sa Glee club papanuorin kita.” Anito.      

Kumunot ang noo nya, paano nito nalaman na mag au-auditon sya sa Glee Club? Tatanungin nya sana ang binata kaso nakaalis na ito. Balik nanaman ito sa training nila.        

Tinitigan nalang nya ang binatang naglalaro. Walang duda, ang galing talaga nito sa basketball. Napaka cool nitong tignan kapag nag lalaro. Parang mga diamante ngang kumikislap ang mga pawis nitong nalalaglag habang naglalaro ito.        

“Ang galing nya no? Saka ang sweet pa.” ani Chamii sa kanya.        

“H-ha?”        

Ngiti lang ang isinagot ni Chamii sa kanya saka muling itinuon ang pansin sa panood ng basketball at sa pag chi-cheer para sa mga player.          

Napayuko naman sya saka mariing napapikit. Muka nga yatang inlove na ako! Ano ba ito!            

It Started with a KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon