Chapter Three

633 8 0
                                    

Chapter Three


“Mag ingat ka Joms ah?” paalala ni Chamii sa kaibgan bago maghiwalay ng uwian nila.


“Naku Chamii, sila ang mag ingat saken.” Biro nya saka bumeso sa kaibigan nya. “Oh pano, alis na ako ah? Bye.” Dugtong nya saka lumakad na.

Nilakad lang nya ang daan papunta sa sakayan ng jeep. Nang makarating dun ay matiyaga syang naghintay ng jeep at maya maya lang ay sumakay na sya. 

Konti palang ang nauusad ng jeep ay muling tumigil ito. May bagong pasahero, hindi na sya nag abalang tignan pa kung sino ito dahil nagbayad sya. Tumabi ito sa kanya dahil iyon nalang ang space na nandun.


“Bayad po.” Anang lalaki. 

Teka! Pamilyar ata ang boses na iyon. 

Eto nanaman ang puso nyang wagas makatibok dahil lang sa pamilyar na boses iyon. Dahan dahan nyang nilingon ang pinanggalingan nun. 

Nanlaki ang mata nya at pati na din ata ang butas sa ilong ng mapagtanto nya kung sino iyon.

“Ui.. dwarfina, ang laki ng butas ng ilong mo oh.” Bati ni Nathan sa kanya na pero di nya pinansin iyon. 


Bakit nakasakay ito sa jeep? Sa pagkaka alam nya ay sobrang yaman nito at may sariling kotse pero bakit nakasakay ito ngayon sa jeep. 

Totoo ba ang nakikita nya?

“Bakit ka nandito?” tanong nya.

“Para sumakay, uuwi na ako eh. Bakit ba?”

“I mean ang yaman mo tas sasakay ka sa jeep?”

“Ikaw lang ba may karapatan sumakay sa jeep? OA mo ah?” anito.

Natahimik na lang sya. Sabagay, may punto nga naman ito. Masyado syang OA, eh ano kung nakasakay sa jeep yung kapreng iyon? Minabuti nalang nyang manahimik at ituon ang pansin sa dinadaanan nila. 

Hinayaan nya lang ang mahaba at tuwid nyang itim na buhok na sumabay sa hangin. Feel na feel nya ang hangin.


Maya maya ay tumigil ang jeep sa isa pang paaralan. May ilang pasahero ang bumaba dun. Mga estudyante din ang mga iyon dun sa paaralang iyon. Mga panghapon marahil. 

Meron ding sumakay na pang umaga sa paaralang iyon. 

Isang may hitsurang lalaki na kaedad lang nya ang naupo sa tapat nya. Kinindatan sya ng lalaki kaya napaisip sya kung kakilala ba nya ito o sadyang nagpapa-cute lang ito sa kanya. Maang nyang tinignan ito. 

Nabigla pa sya ng magsalita ito.

“Hi miss.. Ako nga pala si--“

“Dwarfina!” singit ni Nathan kaya natigil ang lalaki sa pagsasalita.

Tinignan nya ito saka tinaasan ng isang kilay, “Ano nanaman ba?”

“Ah.. Eh.. Wala lang.” nakangiting tawa nito. Litaw na litaw tuloy ang puti at pantay pantay nitong ngipin. At di lang iyon, litaw na litaw din ang malalalim nitong dimple na lalong nagpaganda ng ngiti nito. 

Gosh! Mababaliw sya sa ngiting iyon. Mabilis nya itong inirapan at ibinalik nalang ang tuon sa labas uli dahil ayaw nyang mahalata ni Nathan ang nararamdaman nya ng mga oras na iyon. 

At eto nanaman ang puso nya na tila walang sawa sa pagtibok ng mabilis para kay Nathan. Ano ba kasi tong nararamdaman nya. 

Naiinis na talaga sya!

Hindi pa nakakalayo ang jeep mula sa eskwelahang hinitunan nito kanina ay muli itong huminto. Tinignan nya kung sino ang bababa at nagkunot ang noo nya ng makitang ang lalaking katapat nya ang bababa.

“Kasasakay lang nun ah?” bulong nya sa sarili.


Napatuwid sya ng upon g makitang sinulyapan sya ng lalaki na tila ba takot na takot. Lalo tuloy kumunot ang noo nya.

“Teka! Mukha na ba akong multo?!” bulong nya uli sa sarili saka mabilis na kinuha ang suklay sa bulsa ng palda nya at bahagyang sinuklay ang buhok.

Kinuha din nya ang face powder sa bag nya saka nagpulbos. Pagkatapos ay muli nyang ibinalik ang tuon sa daan.


Maya maya ay nagsimula ng sumikip ang jeep na sinasakyan nila. Ng huminto kasi iyon sa palengke ay madaming sumakay. Nakadagdag pa sa sikip ang mga pinamili ng ilang pasahero. 

Dahil sa pagsikip na iyon, hindi maiwasang magkadikit sila lalo ni Nathan. Lalo tuloy nyang naamoy ang ginagamit na pabango nito na kahit pawisan ay amoy na amoy pa din ang mabangong halimuyak. 


Para tuloy syang nahihipnotismo. Hindi sya mapakali ng mga oras na iyon. Ewan ba nya kung bakit sya nagkakaganun. Hindi nya talaga maintindihan, mukhang nababaliw na talaga sya.

“Dwarfina.. Ayos ka lang?” ani Nathan ng mapansing hindi sya mapakali.

“H-huh?” Aniya saka nilingon ito pero...

WRONG MOVE!

Halos isang dangkal na lang ang pagitan ng mga mukha nila. Pati tuloy hininga nito naamoy nya.


“Bwistet! Pati ba hininga nito kelangang mabango?” Aniya sa sarili dahil pakiramdam nya ay lalo syang nahihipnotismong yakapin ito. Lalong bumilis ang tibok ang puso nya ng magtama pa ang mga mata nila ni Nathan.

“Andito na tayo sa tapat ng Marikit Village!” aniya ng driver ng jeep.

Dahil dun ay natigil ang titigan nila. Andito na pala sya sa destinasyon niya. Bumaba na ang ilang pasahero nun kasama na sya. 

Nang tuluyan syang makababa, agad na umandar ang jeep. Tinanaw nya muna iyon hanggang sa mawala iyon sa paningin nya.


'Nakakainis! Ano ba kasing nangyayare sa akin eh! Bakit ba ganito ang puso ko sa kumag na iyon? Nakuuuuu!! Nababaliw na ata ako!'


Napailing nalang sya saka agad na tinungo ang himpilan ng tricycle dun saka agad na sumakay at nagpahatid na sa kanila.

________________________

It Started with a KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon