Chapter Ten

560 8 0
                                    

Chapter Ten

“Ang cute mo talaga.” Pagkausap ni Nathan sa larawan ng babaeng minamahal. “Bakit mo ba ako iniiwasan ngayon? May nagawa ba akong mali, dwarfina?”

Huminga sya ng malalim saka hinalikan ang larawan ni Jomarielle. 

Naalala pa niya noong unang beses nya itong nakilala. Freshman palang sila nun at bago pa lang sya basketball team nun ng makilala nya ito. Nagte-training sila nun at ipinasa nya ang bola sa isang team mate nya.

Nakatapat ang team mate nya nun sa pinto ng gym. Hindi naman nakuha ng kateam nya ang pinasa nya kaya dumiretso ang bola palabas at natamaan nga si Jomarielle. Sakto ding sa ulo ng dalaga iyon tumama. 

Agad nyang nilapitan ito para humingi ng tawad pero tinarayan lang sya nito at inapakan ang paa nya. Ang sakit manapak ni Jomarielle.

Pero napangiti sya nun nang makalayo na ang dalagang galit na galit.

Ibang klase, ang cute kasi nito kahit pa galit. Bukod pa dun ay di ito tulad ng ibang babae na nagpapacute at nagpapansin sa kanya. Ayaw nya kasi sa ganun.

Lalo pa syang sumaya nun ng mapag alaman na kaklase nya si Jomarielle. Napagdesisyunan nya tuloy nun na magpasikat dito. Kaya naman simula nun ay pinagbuti nya ang pag aaral niya.

Talagang kinareer nya talaga iyon dahil hindi nya hinahayaang may lima pababa ang mali nya sa exams nya. 

Pero napag alaman nya na mahina pala sa klase si Jomarielle maliban sa History. Hindi naman sya naturn off dito. Actually natuwa nga sya eh, gusto nya kasing sya ang magtuturo dito at maging dahilan ng pagkatuto nito sa klase. Yun nga lang, hindi pa sya nabibigyan ng pagkakataong maturuan ito.

Nalungkot sya nun nang hindi pa din sya napapansin ni Jomarielle kahit pa ginagalingan na nya sa klase. Mainit kasi ang ulo nito sa kanya. Iyon ang ginamit nya para mapansin ng dalaga, palagi nyang pinapainit ang ulo nito nang mapansin sya nito.

Hindi naman sya nabigo.

Kahit pa madalas nga ay nagsisigawan sila at nag aasaran ay ayos lang sa kanya. 

Napapansin naman sya nito eh. 

Dwarfina ang pang asar nya dito. Wala kasi syang maisip na iba, since hanggang balikat nya lang ito ay iyon nalang ang itinawag nya. Kapre naman ang pang asar nito sa kanya.

And aaminin nya, minsan ay napipikon sya dun. Ang lakas naman kasi mang asar ni Jomarielle eh.

Naalala nya din nung kumakain si Jomarielle at nabulunan. Agad nyang inabutan ito ng tubig. Ininom naman nito iyon at ganun nalang ang gulat ng makitang sya ang nag abot. Ang cute talaga! Haay.

It Started with a KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon