Chapter One

1K 10 3
                                    

Chapter One

   “Para sa akin, mas bayani si Rizal. He’s our national hero!” mainit ang ulo na bulyaw ni Jomarielle kay Nathan.

Napailing na lang ang mga kaklase nya na nadoon.

Kasalukuyan silang nagkaklase nun ng magsimula na naman ang away ng dalawa.

Puro sigawan, parang world war III ang ingay at ang sigawan ng dalawa ang nagsisilbing maingay na putok ng baril.

Maging ang guro nila ay hirap silang patigilin.


   “So what if he’s the national hero? I think Bonifacio is more deserving! Wanna know why? Kasi sya ang namuno sa mga lumaban sa mga kastila!” bulyaw naman ni Nathan.


   “Pero hindi naman gagawin iyon nina Bonifacio kung hindi mabubuksan ang damdaming makabayan at umusbong ang damdamin nilang iyon because of JOSE RIZAL!” idiniin ni Jomarielle ang pagbigkas sa ipinagtatanggol na bayani.


    “Will you please shut up?! Both of you, Mr. Nathan Angelo Madrigal and Jomarielle Aliño! Kanina pa ako naririndi sa inyo!” di na nakapagpigil ang kanilang guro.

Kapwa naman natahimik ang dalawa habang masamang tingin ang pinupukol sa isa’t isa.


    Pano nga ba nagsimula ang walang kwentang away na iyon? Hindi na rin nila alam, ang layo kasi ng pinag aawayan ng dalawa sa topic nilang si Alexander the great pero sanay na ang mga kaklase nila.

Pano ba naman eh wala nga raw na hindi nag aaway ang dalawa.

Daig pa nila ang aso at pusa kung magtalo.

+

    “Joms.. ayan pinagalitan nanaman kayo ni ma’am Mariano. Kelan ba kasi kayo magkakabati ni Nathan?” bungad na tanong ni Chamii, bestfriend nya, ng makalapit sa kanya.

    Kaaalis lang ng guro nila nun dahil break na nila.


    “Never.” Bagot nyang sagot saka yumupyop sa mesa ng upuan nya.


    “Bakit ba kasi galit na galit kayo sa isa’t isa?”


    “Ewan. Basta, simula nung tamaan nya yung ulo ko nun ng bola nung nagte-training sila sa basketball uminit na ang dugo ko sa kapreng iyon! Bukod sa nasaktan na nga ako, napahiya pa ako! Sayang ang poise ko nun..” sagot nya nang di pa din nag aangat ng tingin sa kausap.


    “At sinong kapre ang tinutukoy mo?” sabat ng isang lalaki. Kilala nya ang boses na iyon, pano bang hindi nya makikilala ang boses ng lalaking kinaiinisan nya.

     Agad syang tumuwid ng upo saka tinaasan ng isang kilay si Nathan.


    “Sino pa sa tingin mo?” mataray nyang sagot.


    “At anong karapatan mo para tawagin akong kapre?” naiinis na sagot naman nito.


    “Bakit? Totoo naman ang sinabi ko diba?” matapang nyang sabi. Kapre kasi ang tawag nya dito dahil matangkad ito saka alam nyang na napipikon ito kapag iyon ang itinatawag nya iyon dito.


    Lihim syang napangiti dahil mukhang napikon uli ito sa kanya.


    “Ah.. Joms, mabuti pa kumain na tayo. Nagugutom na kasi ako eh..” awat ni Chamii sa dalawa upang mapigilan ang nagbabadya nanamang bangayan ng dalawa.

    Mabilis nitong hinatak si Joamrielle palabas ng room samantalang si Jomarielle naman ay binelatan ang binatang iniwan bago tuluyang makalabas ng room.

+

    “JOMS, dahan dahan lang.. baka mabulunan ka..” paalala ni Chamii sa kanya. Kasalukuyan silang nasa canteen nun at kumakain.

    Si Jomarielle naman ay panay ang pagsubo sa kinakaing Spaghetti tapos susundan ng pizzang inorder din nila.


     “Nagutom kasi talaga ako, Chamii. Nakakagutom pala ang makipag away sa kapre.” Sagot nya habang punong puno pa laman ng bibig.


      “Hinay lang. Saka wag kang magsalita, puno pa ang bibig mo.” Pangaral ni Chamii.

      Binalewala lang ni Jomarielle ang sinabi ng kaibigan saka pilit na nilunok lahat ng nasa bibig. Hindi sinasadyang mabulunan sya.

     Agad nyang napansin ang baso ng tubig na nasa gilid nya.

     Kinuha nya agad yun ng di tinitignan ang nag abot saka agad na nilagok iyon.

       “Salamat.” Aniya habang pinupunasan ang bibig saka tiningala ang nag abot ng tubig. Nanlaki pa ang mga mata nya ng Makita kung sino iyon.


        “Wala iyon. Sige, maiwan ko na kayo, MATAKAW.” Ani Nathan na idiniin pa ang pagbigkas ng matakaw.

       Binelatan muna sya nito bago umalis, muli nanaman syang nakadama ng inis dito.

       Binalingan nya si Chamii na may hawak din na baso ng tubig na sa tantiya nya ay inabot din nito sa kanya ngunit di nya napansin.


        “Nakita mo iyon? Nakakainis yung lalaking iyon!” aniya.


        “Joms.. Seriously, hindi ka ba naa attract kay Nathan?” tanong ni Chamii sa kanya.


        “What?!”


        “I mean, almost lahat ng girls dito sa campus ay nagkakandarapa na mapansin lang ni Nathan tapos ikaw inaaway away mo lang sya. Hindi kaya style mo lang yan and the truth is you also like him?”


         “No! Are you kidding me? Ako? Magkakagusto sa kanya? Impossible! Malalabo lang sadya yung mga mata ng mga tinutukoy mong babae.” Depensa nya pero di nya alam kung bakit tila bumilis ang tibok ng puso nya.


          “You mean, Malabo ang mata ng mga babae dito sa campus.. including me?” tila nang aasar na tudyo ni Chamii. Oo nga pala, crush din ito ng best friend nyang si Chamii. “baka naman ikaw ang may malabong mata.” Dugtong pa nito.


           “Ako nga tigilan mo, nakikita mo tong tinidor?” aniya sanay taas sa hawak ng tinidor. “Isasaksak ko to sa lalamunan mo kapag di ka pa tumigil.”


           “Eto na oh? Titigil na.” ani Chamii saka tinuloy ang pagkain.

++++

 

It Started with a KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon