Chapter Twelve

823 17 3
                                    

Chapter Twelve ( Finale )

“JOMARIELLE!!” narinig nyang sigaw mula sa likod nya. Nasa gate na sya ng school nun at pauwi na sana. Pagkatapos nyang sumilip kanina sa game nina Nathan ay tumambay uli sya saglit sa garden bago napagdesisyunan na umuwi.

Hinarap nya ang tumawag sa kanya. “Bakit?”

Huminto naman sa pagtakbo si Chamii nang makalapit sa kanya. “S-si Nathan! Nasa clinic at malala ang injury! Pinagtulungan kasi sya ng mga kalaban nila kanina ng matapos manalo nina Nathan sa game. Andun sya at walang malay. Napukpok kasi ang ulo nya.. Masama ang lagay nya!!” hinihingal at natatarantang mahabang paliwanag ni Chamii.

Nanlamig sya sa narinig. Si Nathan, masama ang lagay? Hindi maaari iyon. Kahit pa wala syang karapatan ay di nya kaya na may masamang mangyari sa binatang iniibig. “A-ano?! T-teka, P-panong..?” Hindi nya matapos tapos ang nais sabihin dahil sa sobrang pag aalala.

“Ang mabuti pa ay puntahan mo sya sa clinic!” suhestyon pa ni Chamii.


Hindi na sya nagdalawang isip pa. Mabilis syang tumakbo papunta sa clinic. Kasalanan nya kung bakit napahamak si Nathan. Kung sana ay di nya binalewala ang mga narinig nya kanina ay sana ayos lang ito.

Kung hindi nya sana inisip na kaya naman ito ni Nathan ay di sana ayos lang ito. Ang engot nya, bakit ba di nya naisip na madami ang makakalaban ni Nathan at hindi nga marahil nito kayanin iyon. Ang engot nya!!

NANG makarating sa clinic ay dun nya nakita si Nathan. Nakahiga ito at walang malay. Bagama’t nagtataka kung bakit parang walang ibang tao dun kahit mga nurse ay nilapitan nya pa din ito.

Patuloy pa din ang luhang dumadaloy sa kanyang pisngi. Nasasaktan syang makita si Nathan sa gantong kalagayan.

“Nathan..” bulong nya ng makalapit. Tinitigan lang nya ito kahit pa nanlalabo ang paningin nya dahil sa mga luha. “h-hoy kapre… b-b-bumangon k-ka n-nga j-j-jan..” dagdag pa niya sa pagitan ng hikbi. HInayaan na nya ang luha nya na pumatak sa braso ni Nathan.

Nang walang makuhang sagot sa binata ay di na nya napigilang humagulgol dito.

Nagulat nalang sya ng maramdaman ang braso ni Nathan na humapit sa bewang nya. Napapiksi din sya ng marinig ang bulong ni Nathan sa kanya. “Wag ka ng umiyak. Ayokong makitang umiiyak ka.”

Agad syang napabangon. Nanlaki ang mga mata nya nang makita ang nakangiting mukha ni Nathan. “A-a-ayos k-k-ka lang?”

Umupo naman si Nathan mula sa pagkakahiga. “Oo naman. Nakalimutan mo yatang malakas ako.”

“I-ibig sabihin h-hindi totoong napahamak ka?” naguguluhan pa nyang tanong.

“Hindi.” Taas noo nitong sagot.

It Started with a KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon