Chapter Eleven

549 8 0
                                    

Chapter 11

 

Tulad ng dati, maaga pa lang ay inaabangan na ni Nathan ang pagdaan ni Jomarielle sa isang kanto na dinadaanan nito bago pumasok sa eskwelahan.          

Pero syempre, nagkukubli sya.    

    


Maya-maya ay ay dumaan dun ang mga kaibigan nyang sina Mike at Renz. Nang makita sya ng mga ito ay inulanan sya ng mga ito ng tukso. Nakangiting napailing na lang sya ng makaalis ang mga ito.          

Alam na kasi ng mga ito ang nararamdaman nya para kay Jomarielle. Umamin kasi sya sa mga ito noon.

       

* F L A S H B A C K *


“Kung may gusto ba ako kay Jomarielle?” balik na tanong nya sa tanong ni Mike.



“Oo nga pare, paulit ulit?” ani Mike.


 

“Yung totoo?” tanong nya muli.


 

“Pare naman eh, malamang yung totoo!” singit ng nauubusan na ng pasensyang si Renz.


 

Natawa naman sya. Paano kasi ay curious na curious ang mga ito sa nararamdaman nya para sa dalaga.





“Okay! Okay!” aniya saka huminga muna para masupil ang tawa. “The truth is no. I don’t like her. Isip bata sya, medaling mapikon at mahina sa mga pag aaral, well, except for history of course. Ang totoo nyan ay si Chamii ang gusto ko. Matalino naman sya saka ang galing pang sumayaw. Cute din at hindi war freak di tulad ni Jomarielle.” Mahabang lintanya nya. 



And what he said is true. He doesn’t like Jomarielle. And yes, he likes Chamii…. To be his friend. Aaminin nya, ito ang ideal girl nya noon.





Not until he met Jomarielle.          
Sandaling katahimikang ang namayani sa kanilang tatlo at si Renz ang bumasag nun. “What exactly do you feel for her?"



“I don’t like her…. Because I love her.” Agad at seryoso nyang sagot sa mga ito.



*E N D of F L A S H B A C K *





Maya maya pa ay natanaw na nya ang pagdaan ng bisikletang lulan si Jomarielle. Napangiti sya ng makita ang dalaga pero napawi din iyon ng makita na may lungkot ito sa mga mata.    

   

Bakit malungkot ito? Ayaw pa naman nyang makitang nalulungkot ito. Nasasaktan kasi sya kapag malungkot ito.      

   

Napagpasyahan nalang nya na pumasok na din.        

It Started with a KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon