CHAPTER 8

3K 63 0
                                    

Chapter 8 :

Cabrielle Chua surprised everyone in Holtenwood University during the School Foundation.

Yun ang nakalagay sa updated news sa website ng school, nandun yung picture ko habang naggigitara at kumakanta wearing a badass look style.

Tiningnan ko din ang mga comment, karamihan sa mga ito ay nagulat, kesyo sobrang talent ko daw, kesyo sana all, kesyo sobrang appeal nang suot kong damit.

Diba, yun na lang, pinansin pa nila, napailing na lang ako tsaka ko tinawagan si Parker, umuwi kasi agad ako ng bahay after performance ko.

Kaya naman hindi ko siya nalapitan..nakausap..hayss..tiningnan ko lang yung phone ko habang patuloy pa ring tinatawagan si Parker, alam ko naman na di niya sasa----

Oh my gosh!sinagot nya ang tawag ko!

'Its one in the morning pero talagang ako pa ang pinili mong isturbuhin'

Yeah, 1 am ngayon, di kasi ko makatulog isa pa, saturday bukas kaya ok lang.

'Hindi ako makatulog tsaka gusto kitang makausap'

'About what?'

'About dun sa performance ko kagabi, ano namang masasabi mo?'

'Ang panget ng boses mo' naningkit ang mga mata ko sa narinig, talagang ako pa ang sinabihan nya nun.

'Excuse me?!'

'What?yun ang masasabi ko eh, wala kang magagawa' tch! Bat ba ang cold pa rin ng lalaking to sakin, pero infairness ang ganda ng boses nya sa phone.

First time nya kayang sagutin ang tawag ko.

'Liar!nafa-fall ka na siguro sakin eh'

'Still dreaming huh?'

'So what, di pa rin kita susukuan' ako tsaka ngumuso.

'May girlfriend na ko Chua, kaya tumigil ka na..'

Tila isang balde ng malamig na tubig ang bumagsak sakin at pati kaluluwa ko ay na-frozen.

Girlfriend!?

"W-wala akong n-nakikitang k-kasama mo'

'Ofcourse, babalik pa lang siya ng Pilipinas, kaya di mo pa siya nakikita'

'Tch! Asawa nga nakukuha, ikaw pa kaya!'sagot ko.

'Listen Chua sto---'

'No Parker, listen, from now on, I Cabrielle Chua will court you, Parker Park at wala kang magagawa dun'

Ako tsaka ko pinatay ang tawag at binaon ang mukha ko sa unan, wahhh! nakakainis!

Kung sino man yung girlfriend niya talaga tatarayan ko siya.

Bigla namang tumunog yung phone ko kaya agad ko siyang tiningnan, at walang yahhhh!

Si Parker Park, first time magtext sakin.

From : Masungit kong Anghel

You're crazy..

To : Masungit kong Anghel

I love you too.

Hahahaha. Kala niya, at yung sinabi ko nga pala, wahhh! Bat sinabi kong liligawan ko siya! Bakit! Ang desperada mo namang tingnan Cabrielle, ang desperada mo.

*****

9 am na ko nagising at talagang hanggang ngayon na nakaupo ako sa sofa ng sala ay di ko pa rin mawaglit yun sa utak ko.

Imagine, Cabrielle Chua, courting Parker Park, partida sikat ako at nagmula sa isang disenteng pamilya.

"Ok ka lang ba Brie?"tanong sakin ni Butler Jin na ikinanguso ko.

Pano ko magiging ok, ano na lang ang mukang ihaharap ko sa kanya sa Monday?

Hihiga na sana ko nang pumasok ang isang katanungan sa isip ko.

"Butler Jin, ano ba ang mga bagay na gusto ng isang lalaki?"tanong ko sa kanya na siya namang ikinangiti nito.

Knowing Butler Jin, maaasahan siya sa mga ganitong bagay at may tiwala naman ako sa kanya, kasi mukang seseryusuhin ko na ang panliligaw ko kay Parker.

"Alam mo Brie, isa na sa mga gusto ng mga lalaki yung lagi silang pinagluluto, lagi silang inaalagaan ng mga taong gusto din nila"sabi nito.

"At laging nandyan sa tabi namin para suportahan, nagbibigay lakas"anya, tsaka proud pa itong ngumiti sakin

Pilit naman akong ngumiti. Literal na bagay sana ang tinatanong ko sa kanya, hindi ang mga ganung bagay.

Kimi ko na lamang siyang nginitian at tsaka tumango, kunwari nagustuhan ko ang mga ideyang lumabas sa kanyang bibig.

"Ah, ok, sige Butler Jin, pupunta na lang ako ng mall"sabi ko tsaka nagpatiuna na sa sasakyan.

Tinext ko rin sina Vin at Nik na pumunta din sila mall para makapagbonding din kami pero pareho silang busy.

Si Haviene ayun may date sila ni Jarvis, si Monique naman daw, pupunta sa bahay nila Dwight kaya ang nangyari ako lang magisa ang naglibot sa mall.

Ang weird naman kung sinama ko si Butler Jin, naka-formal attire pa naman yun lagi, pagtitinginan lang kami ng mga taong namimili dito.

Halos nalibot ko na ang buong mall, kahit nga yung hardware sa dulo pinasok ko na kahit wala naman akong bibilhin dun.

May anim na paper bag na rin akong dala at lahat yun ay mga brand na kilala sa pilipinas, papunta na sana ko sa favorite kong mang inasal nang mapadaan ako sa isang stall na galing sokor ang mga tinitinda.

Medyo may karamihan ang mga taong bumibili sa loob pero pumasok pa rin ako tsaka tiningnan ang mga items dun.

Halos isang oras ang inilagi ko sa maliit na stall ng tindahan na yun, panu kasi ang cucute ng mga items nila at sobra kong nalibang.

Binili ko din ang isang keychain na salamin ang style, naalala ko kasi si Parker sa salamin niya so binili ko na ito.

Nang makapagbayad ako ay pumunta ako sa Mang Inasal, paborito ko ang Chicken Inasal nila rito kaya naman sa lahat ng fast food restaurant, ito lang ang pinagkakainan ko.

At nang matapos akong kumain, tinext ko na si Butler Jin na sunduin na ko, pero bago ako pumunta sa parking area pumunta muna ko sa NBS para makabili ng mga bagong labas na libro.

Pero imbis na libro ang mabili ko, isang card lang naman ang binayaran ko sa counter.

Card na gusto kong ibigay kay Parker, sa taong ayaw naman sakin.

Nang makabili ako ay agad akong pumunta sa parking area. Itetext ko na sana si Butler Jin kung nasan na siya pero sakto naman na pumasok ang isang pamilyar na sasakyan.

Yeah si Butler Jin, agad ko itong kinawayan tsaka napatingin sa isang lalaki na kalalabas lang sa isang sasakyan.

Si Parker!

May kausap ito sa cellphone kaya siguro di man lang ako napansin, nakangiti pa ang loko, siguro yung girlfriend nya yan.

Hmp!pag kita naagaw ko sa kanya, ngingiti ka rin sakin at wala akong pakialam kung makasira ako ng relasyon as long as sakin siya mapupunta.

What Cabrielle wants, Cabrielle gets.

Tatawagin ko sana si Parker para kahit papaano ay mapansin nya ko ng tumigil sa harapan ko yung van namin, kaya natigilan ako sa tangkang pagsigaw.

Agad namang lumabas ng van si Butler Jin at pinagbuksan ako ng pinto.

"Pasok ka na Brie.."saad nito na ikinanguso ko, tsaka ako pumasok, napatingin na lang ako sa papasok na Parker sa loob ng mall.

Kung alam ko lang na pupunta siya rito eh di sana di na muna ko umalis, nakakahiya naman kasing magpahintay kay Butler Jin, ako pa naman yung amo.

©Itsiooiooie

SHE'S IN LOVE WITH A PROFESSOR [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon