CHAPTER 21

2.6K 49 0
                                    

Chapter 21 :

Kinakabahan, ako para sa engagement namin ni Parker mamaya, kasalukuyan akong inaayusan ni Oli, yung make-up artist ko, ininvite ko rin siya sa engagement dahil kahit papaano ay naging malapit na rin siya sakin.

"Hindi ko talaga inaakala na mai-engage ka kaagad" sabi niya na ikinataas ko ng kilay.

"So para sayo ang panget ko kaya di pa dapat agad mai-engage" mabilis kong sabi.

"Naku, Ms. Ele, ang ganda-ganda mo kaya, matalino pa, ang ibig kong sabihin, parang ang bilis naman ata, panu naman yung career mo?" sabi niya tsaka ako huminga ng malalim.

"Oli, engagement party pa lang ang mangyayari, hindi pa kasal.."saad ko.

"Eh dun din naman yun mapupunta"wika niya na ikinatingin ko sa baba.

That is so impossible.

After 8 months, mawawala na rin ang lahat samin. Mawawalan na nang bisa ang engagement, if hindi siya mahulog sakin, at mukang yun ang mangyayari dahil nandito na si Sandra.

"But there is hope..."mahina kong sabi, narinig iyon ni Oli pero mukang wala na siyang balak magsalita pa.

Ilang oras din akong inayusan, maging si Vivo ay bagong salon din at may color blue ribbon collar, napakacute nito at di ko na napigilan na di ito kargahin.

"Hello Vivo..ang cute, cute mo, kasing cute mo ang daddy Parker mo"sabi ko,  oo, mommy niya ko at daddy niya si Parker, lola niya naman si Sandra.

"Naku, Ms. Ele, mabuti pa lumabas ka na..magsisimula na ata yung event eh, isa pa nakita ko yung fiancé mo, naku!  ang gwapo!bagay kayo!" napangiti ako sa sinabi ni Oli, bagay talaga kami ni Parker, bagay na bagay.

Lumabas na ko sa kwartong yun, nasa hotel na rin kami at talagang hindi ito binuksan ngayong araw para samin.

Karga-karga ko din si Vivo na natahimik na nakapikit, nang malapit na ko sa entrance ng lugar ay binigay ko muna si Vivo kay Oli na mahimbing na natutulog.

Nang makapasok na ko sa mismong event ay nagpalakpakanang mga nandun, karamihan mga bussiness partner nila dad at daddy Wil, nandon din si Sir Roderick.

"Wow..the heiress really stunning.."puri ng emcee sakin na ikinangiti ko, nakita ko naman si Parker na tahimik na nakaupo sa harap at seryosong nakatingin sa cellphone nito.

Ni hindi man lang ako tiningnan.

Alam kong si Sandra na naman ang kinabibisihan niya, sino pa nga ba, alangan naman ako.

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa katabi niyang upuan, at dun niya lang din ako napansin.

"Busy?" tanong ko sabay tingin sa phone niya at nakita ko nga dun yung muka ni Sandra.

Agad niya naman itong tinago tsaka tumayo at tumabi sakin.

"So---" I cut him off tsaka ngumiti.

"Ok lang..naiintindihan ko naman" nakangiti kong sabi tsaka tiningnan ang mga dumalo doon.

Nandon sina Vin at Nik, nandun din si Jarvis na katabi ni Vin, si Dwight na mukang di pinapansin ni Nik, si Oli kasama sina Vivo, Nanay Kosing at Butler Jin.

Sina daddy at daddy Wil na magkatabi ng upuan, kasama si Sir Roderick at ilan pang bussiness man at woman.

Nagsimula na rin yung program, unang nagsalita si Daddy Wil, then si Daddy, sunod kami ni Parker na pareho naming di feel.

Nakakainis lang, moment ko to pero naooccupied talaga ang isip ko, alam ko kasing kahit ako ang kaharap ni Parker, si Sandra pa rin yung iniisip niya.

SHE'S IN LOVE WITH A PROFESSOR [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon