Chapter 18 :
Nakangiti akong pumasok sa room, ganito siguro kapag alam mong umaayon sayo ang mga sign.
Partida moody pa ko, so siguro nakadagdag din naman yun.
"Cab, sino bang magiging partner mo?" tanong ni Vin sakin pagkaupong-upo ko, napakunot noo naman ako.
Partner para saan?
"You forgot it, do you?" si Nik, napataas naman ako ng kilay.
"Gosh Cab, the ball, matagal na nating inaabangan yan diba?"sagot ni Vin.
Bigla naman akong napatingin sa kanya, yeah, yung ball para sa mga graduating student, dito kasi sa Holtenwood, maaga pa lang isinasagawa na yun para di na makaabala sa ibang gawain na gagawin sa mga last month ng pasukan.
"Oo nga pala, nawala siya sa isipan ko, so kailan daw?" tanong ko.
"Well, ididis-----
Hindi na natapos ni Vin ang sasabihin niya ng pumasok ang isang Anghel sa room namin, masungit nga lang.
"Good morning, Class"saad nito tsaka nakangiting tiningnan ang lahat pero nginisihan lang ako nito nang mapunta sakin ang paningin niya.
As always.
"So, nabalitaan nyo naman siguro ang nalalapit na Graduation Ball, next week na rin yun and as your first subject for today schedule, ako ang magpapaliwanag nito sa inyo" seryosong saad niya pero marami pa rin ang pumalakpak sa kanya including me.
"Ok, here it is." sabi nito. " First, outsiders are not allow" marami naman ang napa-what!including Vin, well, poor her!no Jarvis for that night!
"Second, wear an appropriate formal dress for the ball, means, for the girls it must be gown and for the boys, a pair of suit."
"Third, no exposing too much skin, especially to you ladies" saad niya, tsaka biglang tumingin sakin pero agad ding binalik ang paningin sa papel na hawak nito.
"Fourth, the ball will start at 8:00 Pm at Aysayn Felicia Hotel on next Wednesday, so don't be late"
"Fifth, bring your invitation card"saad niya tsaka kami tiningnan.
"Kinaltasan na ang mga bank account nyo para rito, nagpadala na rin ng waiver sa mga magulang nyo, isa pa dalawang invitation ang ibibigay para sa isa pang gusto nyong imbitahin"paliwanag ni Parker.
"Any question?"tanong nito, agad namang nagtaas ng kamay si Vin.
"So Sir, ibig sabihin pwede kong imbitahin yung boyfriend ko dito, kahit hindi sya taga-Holtenwood?"tanong nito.
Tumango naman si Parker, bilang sagot. " Ang sinasabi nilang outsider dito ay yung mga wala namang invitation at hindi naman mga graduating student" saad nya.
So, talagang makakasama ni Vin si Jarvis, talaga naman oh!
"Eh, Sir, Masquerade Ball ba ang ganap?" tanong ng isa.
"Obviously not Mr. Dillon" sagot nito tsaka tinanguan ang isa ko pang kaklase na nagtaas ng kamay.
"Sir pwede bang maging date ang isang faculty member ng school?" tanong nito, napalingon naman agad ako Kay Parker na mukang nagulat sa tanong nung kaklase ko.
Naks.
I salute you girl, hahhaahhaa.
"Uhm, maybe no or yes, I don't know"
sagot niya tsaka tumikhim."Kyahhh! Sir pwedeng maging date kita sa ball?" biglang sabi nito kaya gulat akong napatingin sa kaklase ko.
Bwesit na to, uunahan pa ko.
BINABASA MO ANG
SHE'S IN LOVE WITH A PROFESSOR [COMPLETED]
RomansaShe's beautiful, sexy, rich and always get what her want. She's smart yet stupid, she always make her dad pissed in a joke way, childish and she's into several relationship and yet she's still virgin. He's handsome, rich and has a weird name, he cho...