Dear Mahal,
Naniniwala akong may mga bagay na hindi nagtatagal—mga bagay na panandalian lang. At minsan ang mga bagay na ito ang pinakamagagandang bagay na nagkaroon tayo.
Napakabilis. Oo nga at hindi ka nawala ng biglaan kagaya ng mga nababasa ko sa Wattpad, o sa mga GM ng kaklase ko. Pero hindi ako makapaniwala na ang kauna-unahang relasyon ko pala ay tatagal lang ng 40 days. Para bang namatayan ako at sa ika-40 days ay kailangan kong pakawalan na ang lahat ng emosyong pinanghahawakan ko para magsimula ulit.
Ayokong isumbat ang lahat sa iyo, at ayokong sisihin ka bandang huli kung bakit tayo naghiwalay, dahil may kasalanan din ako. Pero gusto kong ibalik ang lahat ng bagay na nasa loob ng kahong ito, and maybe you can also figure out why we end up this way. Kung bakit ang relasyon natin ay naging parang lower abs. Ang hirap i-work out.
I will be sending this to you, tonight, during Christmas eve. Matatanggap mo ito na nakalagay sa kahon ng unang sapatos na binigay mo sa akin na binili mo mula sa kid’s section dahil doon lang may sale (na definitely hindi kumasya sa akin dahil size 39 ang paa ko). I will put a red ribbon on top of it and will deliver it on your porch (kahit wala naman kayong porch).
Gusto kong basahin mo isa-isa ang lahat ng inilagay ko sa loob ng kahon. Isa-isa hanggang sa ma-realize mo kung bakit nawala ka sa akin at nawala ako sa iyo. Kung bakit tayo nag-break.
Pagkatapos mong basahin, gusto kong may matutunan tayong pareho. Gusto kong matuto tayo sa mga pagkakamali natin, dahil hindi na natin ito pwedeng balikan para itama. Gusto ko lang ibalik ang lahat ng bagay sa iyo—mga bagay na pinagsaluhan natin sa loob ng kaunting araw.
Merry Christmas, Mahal. Good luck on everything.
Nagmamahal,
Princess
BINABASA MO ANG
BAKIT TAYO NAGBREAK?
Teen FictionAng relasyon natin ay parang lower abs. Ang hirap i-work out.