PAGSISID
Nagdilim ang paligid nang tayo'y sumisid
Naging napakatahimik ng mundo
Hininga'y inipon, mga paa'y ipinadyak
Tangan ang iyong mga kama'y wala nang inisip pa
Patuloy sa paglubog habang yakap ka pa
Dali-daling umahon -ang tinahak ay di tiyak
Nalunod ang sarili, nabingi yaring puso
Kumulimlim ang paligid nang araw ay masilip.
Nang iwan ka'y tila nawalan ng hangin
'Pagkat ikaw ang tanging hinihinga nitong damdamin.
YOU ARE READING
Love, The Self, and the Nation: An Anthology
PoetryA collection of self-written poems in Filipino (Part I), English (Part II), and a little bit of French (Part III) Sharing the world through poetry. Art should cultivate love, the self, and society.