IKAW ANG KOMETANG AKING TINITINGALA
Naglalayag sa ibabaw ng santinakpan
Ang buong mundo'y ikaw ang pinagmamasdan
Sa 'yong pag-indayog sumaboy ang kariktan
Pintakasi mo ako magpakailanpaman
Gayak mo'y niyebe, abo't mga bituin
Kay lapit tignan sa taglay mong ningning
Nais makapiling, harinawa'y mapasakin
Bagamat batid kong 'di kita kayang abutin
Alam ko namang 'yan ang 'yong tanging landas
Sino ba 'ko upang pigilan ang 'yong pag-alpas?
Sapat nang minsa'y naging iisa yaring langit
Sa susunod kong buhay,
Nawa'y magkasama tayo nang kahit saglit
YOU ARE READING
Love, The Self, and the Nation: An Anthology
PoesíaA collection of self-written poems in Filipino (Part I), English (Part II), and a little bit of French (Part III) Sharing the world through poetry. Art should cultivate love, the self, and society.