POOT AT PAG-IBIG
Inang bayan,
Utang ko sa iyo ang aking buhay
Perlas ng silangan,
Lupaing sinilangan,
Kinalakhan at pinaglinangan
Aking Inang bayan,
Ano't nagkaganito ka?
Nakarehas ang walang salaMapangmata'y labis ang laya
Hustisya'y iilan ang nakatatamasa
Ano?! Bayan!
Sinasamsam na ang kayamanan!
Kalapastangana'y hinahayaan!
Nilalabag ang mga karapatan!
Pinuputa ka harap-harapan!
Kinang, Inang bayan!
'Sing lakas ng gatilyo't baril
Kikislap ang puso't mananaig
Ako'y naniniwala na muling liliwanag
Ang walong sinag at tatlong bituin
Tanging Inang bayan,
Batid kong ika'y tumatangis, nagdurusa
Muling mamumulaklak na kay halina
Susugal, kikinang, tutumbasan,
'Pagkat ika'y natatangi,
Katangi-tangi
Dakila ka magpakailanman!
YOU ARE READING
Love, The Self, and the Nation: An Anthology
PoetryA collection of self-written poems in Filipino (Part I), English (Part II), and a little bit of French (Part III) Sharing the world through poetry. Art should cultivate love, the self, and society.