ULAN
Nakadungaw mula sa gilid ng karimlan
Sinasabayan ang pag-awit ng ulan
Kakaibang bugso ang nadarama
Silakbo ng puso'y di maihulma
O giliw ba't ba tayo pinaglayo?
Tila binaha na't di makasulong
Nakasilong, narito't di makahayo
Bagyo ng damdaming kay hirap isuplong
Marahang hinihintay ang pagtila
Nakapagtanto, subukan waring paglaya
Lunurin ng luha't tubig ang mga mata
Sabagay,
ang ulan ay may katangi-tanging ganda.
YOU ARE READING
Love, The Self, and the Nation: An Anthology
PoetryA collection of self-written poems in Filipino (Part I), English (Part II), and a little bit of French (Part III) Sharing the world through poetry. Art should cultivate love, the self, and society.