Giselle's POV
"Giselle nabalitaan mo na ba? Tanong ni Catherine, at mukhang may katext. Well, Ngayon ay nasa cafeteria kami.
"Ha? Ano yon?" Balik kong tanong sakanya. Sabay kinuha namin ang tray kung nasan ang mga inorder namin at ibinulsa niya muna ang phone niya. Naghahanap kami ng vacant table para saming dalawa. Nang makahanap kami ng mauupuan ay don na kami nagbalak kumain.
"Break na si Kyle tsaka si Stephanie" Kalma niyang sabi sabay kumuha ng fries at kinain ito. At dahil don ay muntik nakong mabilaukan sa iniinom kong iced tea. Hala? Seryoso? At mukhang nabasa niya ang nasa isip ko.
"Yep! Kakatext lang sakin ni Stephanie." Sabay tingin sa phone niya at pinakita sa akin ang text ni Steph.
Sender:Stephanie
Break na kami Cath. :(
Bakit ano kayang nangyari? Almost 2 years na rin sila ah? Sayang naman yung relationship nila. Di ko alam kung matutuwa ba ko o malulungkot kasi wala na sila. Diba dapat masaya ako kasi baka mapansin na rin ako ni Kyle, pinilit kong tigilan ang nararamdaman ko para kay kyle. Kasi Kaibigan ko si Steph. Palagi naming kasama si steph at kyle. Mas nauna kong nakilala si Kyle kaysa sa kanya dahil kay Cath. Kasi Pepsquad si Cath, at Varsity player naman si Kyle. Yup, kaibigan ko si Kyle since 1st yr. At dun ko rin siya nagustuhan. Pero hindi niya alam na may gusto ako sa kanya. Hays, Unrequited love talaga. Natatakot kasi ako na baka malaman niya na may gusto ako sa knya tapos layuan niya ko. Sayang yung friendship namin. At dahil don naunahan ako ni Steph sa kanya, kaya naging sila. Tapos ngayon break na pala.
"May pagasa ka na girl!! Awrahan mo na si fafa kyle." Kung kanina lang ay kalmado pa siya ngayon ay hindi na. Kinikilig siya. Ako rin naman kinikilig, malaman ko palang na break sila. Na single na siya. Tapos liligawan niya ko, tapos sasagutin ko na siya edi kilig overload na?! kyaaaah! hahhah ang assuming ko grabe. Napangiti naman ako.
"Pero pano si Steph? Pano pag nalaman niya?" Sabi ko. Bigla naman akong sumimangot ng naisip ko to. Pano nga ba? Baka naman friendship over na kami pag nalaman niyang may gusto ako kay Kyle. Nako nako.
"Oh." Sabay pinakita niya sakin ang text galing ulit kay Steph
Sender:Stephanie
Oo nga pala Cath. Pakisabi kay Giselle na Aalis na kami ng family ko papuntang Europe dun ko na lang daw tatapusin ang highschool ko. Para diretso na raw ako sa pagmamanage ng company namin kung sakaling makagraduate ako ng college pero tingin ko pagkagraduate ko ng hs magtatrabaho nako eh. Bukas na yung flight namin. 6 am. Sorry kung ngayon ko lang to nasabi sa inyo biglaan rin kasi eh. Magiingat kayo diyan ah? :)
"Sa tingin ko naman pwede na," Sabi niya ng may nakakalokong ngiti. Natawa naman ako.
"Hahhah! Tara na nga." At lumabas na kami ng cafeteria.
Nang papunta na kaming room. Andaming tao. Nang tinignan namin ang pinagkakaguluhan ay Napako ako sa kinatatayuan ko. Dahil nakita ko si Kyle na may kasamang babae sa tapat ng room nila. Bale magkatabi lang kasi ang Room namin sa kanila eh. Nandun sila sa may corridor, nakatingin sila sa may baba at naguusap. Ang sweet nila. Di ko alam pero biglang may kumirot sa puso ko. Kung kanina lang ay masaya ako dahil wala na sila. Eh ngayon ay nalungkot ako. Kasi nakahanap na pala siya ng bago. Kawawang Giselle. :(
Bakit nga bang maraming tao? Isang Kyle renz Dela Vega ba naman ang makita mo. Di ko lang alam baka pag nakita mo siya Malaglag na yang panty mo sa sobrang gwapo, ang puti, matangos ang ilong,matangkad at higit sa lahat matalino at mabait siya. Hindi siya snobber. Tawagin mo lang ang pangalan nya ay titingin sya sayo at ngingitian ka. Kahit hindi ka niya kilala. Madali lang naman siyang iclose eh. Tulad nga ng sinabi ko Varsity siya dito sa Harvard Academy.Kilalang kilala ang Kyle Dela Vega dito sa campus.
Mukhang napansin ata ni Cath na tulala ako, at hinila niya nako para pumasok sa classroom namin. Di ako makapagconcentrate sa discussion na tinuturo ngayon ni Ma'am Roque.
Nang matapos ang subject niya ay lutang pa rin ako.
May pumasok na SSG representative sa room namin at may sinabi. Tingin ko 3rd hs pa lamang ito. Sinabi niya lang na meron dawng activities na gagawin sa Valentines Day. At yon ay next week na. Kailangan daw naming makipag cooperate kasi Ang 4-A at ang section naming 4-B ay magtutulungan sa nasabing aktibidad. Ang 4-A nga pala ang section nila Kyle. So it means na makikita ko siya. Sa next monday niya na lang daw sasabihin kung sang booth's kami naka assign. Sa next thursday na ang gagawin naming activities. Pagkatapos niyang sabihin iyon ay lumabas na siya. Maraming natuwa at kinilig dahil daw makakasama nila ang mga jowa nila. Hay nako! walang forever te. Haha ang ampalaya ko naman.
TLE na. Last subject.
1 hr na lang at makakauwi nako.
"GoodAfternoon class." Wika ni Sir Xander. Nagsitayuan kaming lahat at bumati.
"GoodAfternoon Sir Xander." Tumango lamang ito at pinaupo kami.
"Hm okay class, Gusto kong sabihin na wala muna tayong Tle ngayon, nagpameeting kasi ang principal natin para sa gagawing Activity sa Valentines Day so it means na Pwede na kayong umuwi." Sabi ni sir Xander tsaka ito lumabas.
At gaya nga ng sinabi ni sir ay umuwi na kami. 2:00 pm pa lang. Ang aga ng uwian! haha Syempre sabay kaming umuwi ni Cath magkalapit lang ang bahay namin, Nasa iisang village lang kami. Bale 3 houses mula sa kanila bago makapunta sa bahay namin.
BINABASA MO ANG
Dear Diary,
RomanceDiary? Ano nga ba ang diary para sayo? Diary na lagi mong sinusulat ang mga nangyari sa buong araw na ginawa mo? O Diary para isulat ang nararamdaman mo na hindi mo masabi sa taong mahal mo.