Chapter 3:Smile

32 1 1
                                    

Giselle's POV

5 days to go. Malapit na, habang papalapit ng papalapit ang araw. Mas lalo akong kinakabahan. Bakit nga ba? Kasi baka mareject niya ko? Sabi nga nila, kasama daw sa buhay pagibig ang masaktan. First love ko siya. Siguro ito na nga ata ang first heartbreak ko. :3 Sana nababasa ko yung isip niya. Sana nalalaman ko kung ano yung laman ng naiisip niya. Kaso lang, hindi eh. Hanggang sana na lang ba ko? Siguro nga. Pero may part pa rin sa isip ko na umasa ako. na may magandang mangyayari pagkatapos ng lahat ng to. 

"Ms.Gonzales!" Bumalik sa realidad ang isip ko ng sigawan na ko ni Ma'am Santiago. Napatayo agad ako.

"A--ah y-yes maam?" Bat ba ko nauutal? -_- Tsk. Pagkatapos nga pala neto ay break na namin.

"Mukhang absent-minded ka ngayon Ms Gonzales. Kanina ko pa tintawag ang apelyido mo. Pero tulala ka pa rin, Lutang. Mukhang malalim ata ang iniisip mo ngayon. Is there a problem Ms. gonzales?" Ngayon naman ay naging malumanay na ang pananalita niya. Weirdo.

Ngayon ko lang napansin na lahat ng classmates ko nakatingin na sakin. Yung hinihintay nila yung susunod na mangyayari.

"Wala po ma'am. Masakit lang po yung ulo ko." Sabi ko. Tsaka naman siya tumango, at sumenyas na umupo nako. 

Tinignan ko naman si Cath na nakaupo kasama ang mga kagrupo niya, She smiled. Then, nagsmile rin ako. Mukhang alam niya kung bakit ako tulala.

Bumalik na sa pagdi-discuss si ma'am. Tungkol sa bagong story daw na ginawa niya about sa animals na nagsasalita at nakakausap ang amo nila. Ganito ganyan. Well,maganda naman yung nagawa niya kwento wala lang talaga ako sa sarili. 

"Okay class, you may now take your lunch." Then, nagpaalam na siya samin, bago lumabas. Umupo na'ko ng biglang lumapit si Cath.

"Hey girl! Lutang na lutang na kanina ah? Iniisip mo pa rin ba yung kahapon?" Tanong niya tsaka umupo sa bakanteng upuan na katabi ko.

"Tsk, Di no. May naisip lang ako." She looked at me. 

"Oh? Ano naman yon?" Sabi niya tsaka bumalik sa upuan niya para kunin yung pera sa bag niya..

"Naisip ko lang na mukhang kailangan ko na atang aminin to." Mukhang nagulat ata siya sa sinabi ko. 

"Talaga? Haha omg. So Kelan?" Ang cheerful naman niya. At halata mo na kinikilig siya. Tss baliw talaga to.

"Sa valentines." Sagot ko, tsaka naglakad palabas ng room upang pumunta sa Cafeteria. Then sumunod naman siya. 

"Hahhaha! Yey! Goodluck girl!!" Sabi niya habang nakangiti ng abot tenga.

Nang makapunta kaming cafeteria ay nakita namin si Kyle at yung girl na kasama niya. Ngayon ko lang napansin na College pala to. Dahil iba yung uniform niya samin. Sakto naman nung papunta kami sa linya kung san pwedeng umorder ay napansin niya atang nakatingin ako sa kanya, At nung nakita niya kami ni Cath ay tumingin siya sa direksyon namin. Ngumiti siya samin at syempre nginitian rin namin siya. Nagulat naman ako ng tumingin siya dun sa kasama niya at parang may binulong tas tumingin sakin yung girl. Nginitian ako nung girl at nginitian ko rin siya. Pero deep inside parang may kirot na naman. Tsk,

Nung turn na namin. Umorder na lang kami ni Cath ng pizza at Coke.

Tapos nung nakahanap na kami ng table ay umupo na kami.

"Girl,ang swerte mo naman hihi! Nginitian ka nung bae mo. Ayiieee kinikilig yan hahahaha!" Sabi niya habang kinukurot kurot pa ko sa braso. 

"Swerte nga ba? Kasama niya nga yung college girl eh. Siguro girlfriend niya yon." Parang umayon naman siya sa sinabi ko kaya tumahimik na lang siya. Nung tumingin ako kung san sila nakaupo kanina ay wala na sila don.

After naming kumain ay umakyat na kami sa room namin.

Then, absent pala si Sir ruden. May iniwan lang siyang pinagawang activity samin tapos pinauwi na rin kami ng Student teacher niya.

Ang aga ulit naming pinauwi. 

Dear Diary,Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon