Dear Diary,
Bakit ba ganito? Yung sa simula ang saya saya mo tapos bandang huli malulungkot ka na lang bigla. Di ko alam yung mararamdaman ko ngayon diary. :3 Kung matutuwa ba ko sa nalaman ko kasi break na si Steph at Kyle, O kung malulungkot ako sa nakita ko kanina at nalaman ko na rin na aalis na bukas si Steph. Siguro, mixed emotions ang peg ko ngayon. Nakita ko kasi si Bae na may kasamang babae sa tapat ng room nila kanina eh. Ang sweet nila. At masasabi mong bagay na bagay talaga sila. Siguro nga di talaga kami para sa isa't isa. Hanggang akin na lang tong nararamdaman ko para sa kanya. Kaming dalawa lang ni Cath ang nakakaalam tungkol dito. Pero sa gagawin ko sa Valentines siguro malalaman niya na rin. Oo diary, sasabihin ko na sa kanya. Alam ko namang wala na kong pagasa sa kanya eh. Kaya nga gagawin ko na'to. Bahala na kung anong magiging reaksyon niya, kung lalayuan niya ako. Okay lang, atleast nasabi ko yung totoo diary. Yung totoong nararamdaman ko. Bahala na si batman. Kung ano mang magiging resulta okay lang. Tatanggapin ko kahit .........................................Masakit.
Love,
Giselle Gonzales
BINABASA MO ANG
Dear Diary,
RomanceDiary? Ano nga ba ang diary para sayo? Diary na lagi mong sinusulat ang mga nangyari sa buong araw na ginawa mo? O Diary para isulat ang nararamdaman mo na hindi mo masabi sa taong mahal mo.