Dear Diary,
Nakita ko na naman sila. Si kyle tsaka yung College girl. Hays, bat kasi si kyle pa eh no? Ang unfair ng tadhana grabe. Ang nakakainis pa eh, yung nakita nila ko tas may gana pa silang ngumiti? Kung alam lang nila yung nararamdaman ko. Well, malapit na rin namang malaman ni Kyle yon eh. Tapos kanina feeling ko napahiya pako sa harap ng klase kasi naman lutang ako. Tsaka tinatawag rin pala ako ni Ma'am at ilang beses na daw. Napakalaki naman ng epekto sakin ni Kyle, Feeling ko tuloy napapabayaan ko na yung pagaaral ko eh. Sobra akong nagpapasalamat kay Cath ang bestfriend ko kasi lagi siya nandyan para sakin. Inaalagaan niya yung sekreto namin. Buti na lang may kaibigan akong tulad niya. Tsaka thankyou rin sayo ah? Kasi dito ko lang nalalabas yung mga nararamdaman ko. :)
Love,
Giselle Gonzales
BINABASA MO ANG
Dear Diary,
RomanceDiary? Ano nga ba ang diary para sayo? Diary na lagi mong sinusulat ang mga nangyari sa buong araw na ginawa mo? O Diary para isulat ang nararamdaman mo na hindi mo masabi sa taong mahal mo.