Dear Diary,
Happy valentines Day! <3 Ang saya ko ngayon diary, Super saya! Alam mo bang kami na ni Kyle? Haha nakakagulat no? Ako nga hindi makapaniwala sa nangyari kanina eh. Akala ko nga nananaginip lang ako. Pero heto nakapagsulat pa ko sayo. So totoo nga, :) Akala ko walang gusto sakin si Kyle. Akala ko unrequited love pa rin ako hanggang ngayon. Pero akala ko lang pala yon. Remember kanina nung sinabi ko na pag nakita ko siya aamin ako pero pag hindi edi hindi. So ayon nga, di na sana ako aamin kaso lang nakita ko siya. Kung sinewerte ka nga naman siya pa ang naunang umamin sakin. Ang saya diary! Best date ever ang February 14. Ang pinaka-memorable na date sa buhay ko. Hays, thank god. Worth it anf 4 years na feelings ko for him. Ang mas nakakatuwa pa diary is sa harap ng maraming tao siya nag sabi non. Nakakaproud diba? Ang effort pa niya. Sa school ako nagkagusto sa kanya, Sa school rin naging kami. Alam mo ba diary ang sabi niya sakin liligawan niya pa rin ako kahit kami na. Hay! Nakakakilig talaga. Hahahha! Thank you sayo diary kasi kung hindi kita naiwan nung nakaraan ay hindi niya malalaman na may gusto pala ako sa kanya kasi nga diba hindi naman ako showy. Hindi ako katulad ng ibang babae na nagpapapansin sa crush nila ganon, At ngayon naranasan ko naman ang sinasabi nilang 'GOOD THINGS COMES TO THOSE WHO WAIT." Thank you ulit sayo Dear Diary! :)
Love,
Giselle Gonzales
BINABASA MO ANG
Dear Diary,
RomanceDiary? Ano nga ba ang diary para sayo? Diary na lagi mong sinusulat ang mga nangyari sa buong araw na ginawa mo? O Diary para isulat ang nararamdaman mo na hindi mo masabi sa taong mahal mo.