Giselle's POV
Hay nako puro sulat ang peg ko ngayon. Yung ibang girls naman taga bigay ng instructions ganon. Tapos yung mga lalaki pukpok dito pukpok doon. Pero si Kyle nagda-drawing siya. Architect lang ganon? Haha echos. Nagdadrawing siya nung magiging itsura nung mga booths, Bali nasa ibang table siya. Kasama ko dito sa table yung 1 kong kaklase tsaka yung 2 na mula sa section nila Kyle. 5 kasi kami eh. Si rachelle(Sa section namin) Tapos Sina jane,lea, (sa section nila Kyle) Si cath at ako."Lea kilala mo na ba yung liligawan ni Kyle?" Tanong nung Jane habang nagsusulat rin.
Nagtinginan kami ni Cath.
"Hindi ko nga alam eh. Narinig ko lang yon don sa Locker ng mga Varsities nandon kasi sila Kyle tsaka yung kaibigan niya na Si Leo. Naguusap tungkol don nga sa liligawan daw? Di ko naman narinig yung pangalan eh." Nakakacurious naman, Tahimik lang kami pero sila naguusap pa rin.
"Ay ganon? Ang swerte naman nugn girl kung ganon nga. Halos kasi diba lahat ng babae rito may gusto kay Kyle? Tingin mo taga rito kaya yung girl? Infairness tsismosa ka rin haha" Tsaka tumawa silang dalawa.
"Loka! Haha Oo sure ako taga rito yon. Pero may kumakalat kasi diba na rumor na may relasyon daw yung taga college na babae tsaka si Kyle? Kaso di ko na napapansin na magkasama yung dalawa eh. Hindi lang pala ako yung nakakapansin. Relasyon? Pero sabi niya samin ni Cath wala raw siyan girlfriend eh.
"Oo nga, marami nga ring nakakapansin eh. Pero okay lang maganda naman yung girl eh" IKR. -_- Edi don kayo haha jk
"Teka, tapos na ko. Tapos ka na ba?" Tanong ni Lea don kay Jane.
"Ah, Oo tara. Ay girls! Tapos na kami. Gusto niyo bang isabay yan? Kung tapos na kayo." Mabait naman si Jane eh.
"Sige, kayo na lang magpasa ha?" Sabi ni Rachelle. Tumayo siya tas binigay yung mga papers na sinulatan niya.
"Kayo Giselle, Cath?" Tanong niya.
"Di pa kami tapos eh, Sige mauna nalang kayo. Kami na lang rin ang magpapasa. Thankyou." Sabi ko. Busy kasi si Cath eh.
"Hm,Sge." Nagngiti na lang kami sa isa't isa tsaka sila umalis.
"May liligawan nga si Kyle." Sabi ni Cath habang patuloy pa rin sa Pagsusulat.
Tumingin ako sa paligid. At nakita ko siya. Kyle Dela Vega.
Kung alam mo lang. :(
"Oo nga eh." Nakita ko siyang tumayo at pinasa na ata sa isa sa mga studyante na gumagawa ng booth.
Atlast natapos rin.
"Bukas na Giselle. Ready ka na ba?" Mukhang tapos na ata siya. Tsaka niya in-stapler yung mga papers namin.
"Oo ata?" Tanong kong sagot.
"Bakit 'Oo Ata?' di ka pa ba sure? Siguro hindi pa.
"Ready na. Kaso sa mga narinig ko kanina parang wala ng chance eh." Nalungkot naman ako sa sinabi ko per totoo naman.
"Hay! Nako girl. Sabihin mo na kasi para hindi ka umaasa pero kasi diba malay mo ikaw pala yung girl? Ayiiiieee haha" Teka bat ba to natutuwa? Diba dapat malungkot rin siya. Tsk
"Hindi no. Di niya type ang mga katulad ko."
"Malay natin" tsaka siya ngumiti at ihahatid na ata ang mga papers. Ang galing naman tapos na yung mga booths. Kinakabit na lang yung tarpolin na nakalagay ay HAPPY VALENTINES DAY.
Pagkatapos ihatid ni Cath yung mga Papers ay nagpasundo na kami sa Driver niya para makauwi na.
Nagkwentuhan kami ni Cath habang nasa biyahe.
Nang makauwi ako Gabi na rin pala.
BINABASA MO ANG
Dear Diary,
RomanceDiary? Ano nga ba ang diary para sayo? Diary na lagi mong sinusulat ang mga nangyari sa buong araw na ginawa mo? O Diary para isulat ang nararamdaman mo na hindi mo masabi sa taong mahal mo.