Level 7

27 1 0
                                    

SFx: Voodoo doll by 5SOS

SCENE 1. EXT. Labas ng Computer Shop

Naghihintay sila Claudius at Lee sa labas ng computer shop noong araw ng pagdaong ng eroplano ni Rory sa Pinas. Pero paguwi ni Rory, di nya kayang harapin si Claudius, dahil na siguro sa nararamdaman kaya iniwasan niya ito. Brown out sa kanila, at sarado ang compshop. At si Rory ay papuntang palengke dahil nautusan sya ng nanay nya.

Claud

Tara na nga Pre.

Lee

Ayos lang yan, Pre. Nakapagpahinga tayo tapos ng klase.

Kinagabihan magchachat si Claud kay Rory na naghintay sila sa labas ng compshop. At patay malisya naman si Rory. Hanggang sa ibahin na ang topic at napunta na sa usaping horror. Hindi na mahahalata ni Rory ang pagtatampo ni Claud.

Nanonood si Rory ng Horror habang kachat si Claud. Doon nya nalaman na takot pala si Claud sa mga 🤡 clowns.

Note:

Di ko alam kung kapanipaniwala iyon pero nung mga panahong iyon, naniwala talaga ako. Dahil siguro ganun pa ako ka tanga noon. At tinanggap ko pa din sya kahit ganun. Nakakatawang isipin na sa payaso sya takot. Samantalang ang tanging ganap nila ay magpasaya ng mga tao.

Siguro nga may mga clown na nakakatakot, at may mga bata rin na sadyang takot sa clown . Pero sya, kahit 17 na sya ay takot pa rin sya sa clown. Hindi nga nya hilig kumain sa McDonald's dahil sa phobia nya.

Pero hindi lang naman yun ang nalaman ko sa kanya... Marami pang ibang bagay. Dumaan ang isang linggo at nung araw ng linggo, niyaya nya ako. Naisipan ko na din makipagkita dahil sa pasalubong na dala ko para sa kanya. Unang beses kong napuntahan yung worship na sinasabi nya. Ibang iba sa simbahang alam ko. Dun ko nadama talaga... Dumaloy na lang ang luha... Pero mas tumibay naman yung paniniwala ko at pagsampalataya ko sa sarili kong relihiyon. Kahit ganun, tinanggap nila ako, at tinanggap ko din sya kahit iba ang relihiyon nya. Binalewala ko nalang sa isip ko, na sa pamilya namin, mahigpit kami sa relihiyon.

Sa Jollibee kami nagkita noon, nakaputing t-shirt sya habang ako ay nakashorts lang dahil balak ko lang tlaga iabot ang pasalubong at umuwi na. Pero ang nangyari ay nagtricycle kami hanggang dun sa school sa isang building kung saan may maliit na auditorium sa itaas ng building. Dun ko rin unang nakilala ang mama nya. Nagmano ako at napagkamalan pang girlfriend nya. Umuwi nga lang akong magisa, na parang inabandona nya, pero di ko ininda dahil nagmamadali na rin naman akong makauwi dahil magbabasa pa din ako dahil ako ay isang Lektor.  (More on this later)

Pagkatapos noon, marami pa ang nangyari... (noong mga araw na iyon, maraming nagsasabi na boyfriend ko na sya: yung mga bata sa shop, kahit mismong kapatid ko, etc.)

Dumating rin ang maraming araw. At tinuruan na rin nya talaga ako maglaro ng League of Legends. Kaso, lagi akong cancer. At sinabihan pa nya ako na wag akong magagalit kung trashtalkin rin nya ako. Buti nlng at nakapatay rin naman ako ng kalaban. Gulat na gulat rin sya noon. Nakilala rin nya ang best friend kong si Lerry.

Minsan naglaro pa kmi ng Counter Strike at kumain ng mami pares sa may kanto dito rin sa may amin. At pagktapos ay hinatid namin ang bff ko sa sakayan nila.

Scene 2. Sa Kalye (papuntang sakayan ng tricycle, sa may toda)

Rory

27:17 (TWENTY-SEVEN SEVENTEEN)Where stories live. Discover now