Level 14

9 1 0
                                    

Di ko alam kung kelan sya darating. Vaklang to. 🤪 Di pa man lang ako nakabihis nung dumating sya. Ayaw pa nya pumasok sa bahay noon. Kaso, yung kokopyahin nyang anime nasa laptop ko sa loob ng bahay.

Ng nakapasok na sya😮, tinuloy ko lang yung gawain ko habang kumopya sya ng anime sa lumang external hard drive nya. Kung may pera lang ako? Gusto ko tlgang palitan na yun. Lalo na yung case ng external hard drive nya.

Nagluluto ako ng pasta noon para sa kapatid kong paparating. Sabi ko kopya lang sya dyan. Habang ako naggayat. Pabalik-balik lang ako noon sa kusina at sa kainan. Nakaupo lang sya doon sa kainan habang kinakausap ako. Naisip kong ang rude ko kung iiwan ko lng sya dun kaya dinala ko ung sangkalan sa la mesa at yung kutsilyo.

Pinakita nya sa akin yung sugat nya sa thumb nya at kinuwento kung pano nya nakuha iyon. Sabi nya dahil daw yun sa paggagayat din. Natatakot din daw ung tito nya sa kanya pag humawak ng kutsilyo dahil mukhang papatay sya kung hawakan nya ito. 

Well, iba rin naman ang paghawak ko. 

Biglang tumunog ung cellphone kong nakapatong lang sa malapit sa kanya. Bigla nyang kinuha ito at nagselfie. Sinend nya yun dun sa nagchat sa akin. At pagtingin ko, wacky yung picture nya. Nakakatawa yung itsura nya. Hindi lang pala ako ang mukhang haggard pero sya rin pala. Pero ganun pa man, wala akong pakialam. 

Maya-maya pa, bigla nya akong tinawag. 

"Hug mo na ko."

Napatingin lang ako, nakatayo lang ako habang nakatingin sa kanya. Binukas nya ung mga braso nya kaya naman umangat ung polo shirt nya. Nadistract talaga ako dahil labas yung tyan nya. Pero napapaisip ako. Ano bang gagawin ko? Eto na yung pagkakataon kong maramdaman na mahal nya ako. Kahit kaunti lang. Kaya niyakap ko sya, pero sa side ako pumwesto bilang yakap-kaibigan lang. 

Nagulat na lang ako ng maramdaman kong hinalikan nya ako sa ulo. Ni hindi ko alam kung amoy shampoo pa ba yung buhok ko, pero usually amoy pa din naman. (xD) 

Ako na mismo ang humiwalay. Sabay sinabi nyang, "oh, ayan, may kiss na kasama".

Naupo na ako sa dati kong pwesto. Pero lumapit na naman sya at niyakap ulit ako. Niyakap ko din tuloy sya ulit, at tinanong kung ok lang sya. Tumango lang sya. 

Matapos nun, bumalik na ulit ako sa kusina, nagpakulo ng noodles at naghugas ng mga ginamit ko. 

Hindi ko alam na sumunod pala sya. At niyakap ulit ako mula sa likod. At ang nakakagulat pa, hinalikan na naman nya ako sa pisngi naman ngayon. GULAT na GULAT talaga ako. Lalo pa galing sa kanya, yung taong napupusuan ko na. Yun ang pinaka-sweet na treatment na nakuha ko mula sa taong mahal ko. Niloko ko sya at sinabing ako ay isang chef.

Lumapit sya sa akin kaso natalsikan sya ng kumukulong tubig mula sa pinapakulo kong noodles. 

Nag-alala na naman ako. Siguro, senyales na yun ng magiging sakit na paparating sa amin. 

___________________________________________________________________________

May isang upuan kasi sa kusina. Tapos na ako magluto noon. Tinikman ko at okay naman ung lasa. Naupo sya sa upuan na iyon. At nagmakaawa sa akin na kumalong sa kanya. Nandito lang naman ako para sa kanya. Kaya naupo nga ako. Niloko ko sya ulit at tinawag syang Santa. Kunwari hihiling ng Christmas wish kahit Marso palang. Bigla nyang binuhat ang mga binti ko. Kaya naka-kalong na talaga ako. 

Pinatong nya ung mukha nya sa may leeg ko. Tinanong ko ulit sya kung anong meron. Pero di sya sumagot. Tapos nun, ako naman ang nagpatong ng chin ko sa balikat nya, habang mahigpit ko syang niyakap. Alam kong may problema sya noon. Hanggang sa narinig ko sa kanya ang mga salitang di ko inaasahan. 


"Halikan mo na ko."


"Ano?"


Inulit nya ang sinabi nya pero di ako makakilos. Hindi ko maintindihan. Para bang gusto nyang lumapit ako sa kanya. Pero di ko iyon magawa. Sabi ko di pa ako handa. At dumating na ang kapatid ko. Kinailangan na rin nyang umalis.

27:17 (TWENTY-SEVEN SEVENTEEN)Where stories live. Discover now