Level 12

7 1 0
                                    

The beginning of the end

Minsan. Napapaisip ako sa mga kilos ni Claud. Lalo na pag napapansin kong nakatingin sya sa akin.

Isang araw, niyaya nya akong manood ng volleyball sa gym. Sinundo pa nya ako sa gate namin. Kaso di tlga ako pwede. Pero nung nandun sya, pabiro na naman nya kong inasar, na parang mahahalikan na nya ako. Inilapit nya kasi yung mukha nya sa akin. Matagal na matagal na yun. Pero it makes sense now. Kung bakit umabot kami sa ganito. Nangyari iyon bago pa kmi lumabas nung December. Nangyari yun, nung wala pa akong kamalay-malay.

Mabilis lumipas ang isang buwan.

Matapos ang Valentine's, sa buwan ng Pebrero, Marso naman. Mamartsa na sila Claud para sa graduation ng mga Senior High. Di ko talaga maisip, bakit ko sya nagustuhan kung sampung taon naman ang pagitan namin. Naiinis talaga ako sa sarili ko. Hindi ako makahanap na matinong lalaki na kasing edad ko, yung established na sa buhay. Hindi ko sila gusto. Kahit anong gawin ko. Kung may magustuhan man ako, sigurado... may asawa na yun o di kaya ay bakla. 

Nakakainis na mga tambay lang nagkakagusto sakin. At siguro may mga mababait na nagkakagusto sa akin, pero wala talaga akong nararamdaman sa kanilang lahat. 

Wala na silang masyadong pasok noon. At depende na lang din kay Claud kung papasok sya o hindi. May sinuggest syang bagong anime na pwede kong panoorin. 

Yung MAGI. Dinownload ko lahat ng episodes at sobrang saya ko habang pinapanood iyon dahil astig at maganda ang story. Nakaka-inspire. 

Isang araw, gusto ni Claud kumopya sa akin. Honestly, kahit may gusto ako sa kanya, never ko syang pinagnasahan. It was a Thursday, my favorite day of the week dahil kasunod ng Friday which is the start of the weekends. At siguro para sa akin, stars shine brighter on Thursdays. At sabi nga sa kanta ng All Time Low, "Why can't Thursday Last forever?" 

At di ako makapaniwala sa nangyari nung Thursday na iyon.

27:17 (TWENTY-SEVEN SEVENTEEN)Where stories live. Discover now