Level 10

4 1 0
                                    

Dumaan ang Valentine's. Nameet ko naman si Markgel. (Introducing Markgel, HUMSS Student, heartthrob, volleyball player, macho, may dating)

 (Introducing Markgel, HUMSS Student, heartthrob, volleyball player, macho, may dating)

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Isang araw ko lang sya nakasama (kasama ang barkada nya). Ako lang yung babaeng kasama pero... nakaka-ilang. Like I was on display... Pero okay lang yun... kasi nung akala ni Markgel na may chance sya sa akin, nakita naman nya kami ni Jerome na magkasama at pagkatapos, (katulad ng sa mga pelikula), bigla syang nagchat at nagsabi na masaya na pala ako. (Don't get me wrong, nagustuhan ko din si Markgel at kung wala syang nililigawan o di kaya ay may jowa or crush, sana talaga naging kami). Well, siguro ganun talaga ako... I have a tendency na saktan ang iba ng di ko sinasadya. Syempre... Kung sino sino naman kasi yung kasama ko. 

Pero ang totoo, magulo kasi buhay ko. From plain boring hanggang sa magulo at walang direksyon. Wala akong sariling desisyon at pagdating sa pag-ibig ay sobrang desperada... Hanggang ngayon, pakiramdam ko ay isa akong dakilang PAA... PAASA sa mga lalaking nagkakagusto sa akin. When in fact, di ko talaga sila gusto. Bored lang ako, at heartbroken kaya pati sila nadadamay. I really hate myself for it. Kasi... sa totoo lang, wala sa kanila nagparamdam sakin ng pinaramdam ni Claud. 

At lahat ng pangarap kong mangyari sa amin ni Mico, si Claud lang ang nakagawa.

Sa totoo lang, si Claud lang ang may alam kung kelan sya dapat mangako. Dahil never din syang nangako ng isang bagay na di nya kayang tuparin. Ayaw ko rin syang pilitin. Dahil, lahat din naman ng nangyari ay hindi pinilit. Nangyayari na lang kaya ako nagugulat, naeexcite, namamangha... dahil lahat ng iyon nangyayari na sa akin. Di ko nga inakalang mangyayari iyon sa akin. At never din ako pinilit ni Claud sa lahat ng binigay ko sa kanya. 

Kaya naman ngayon, nagtataka ako, bakit balewala lahat ng iyon sa kanya. Kung umasta sya na parang kinalimutan na nya ang lahat. At nagtataka ako bakit napakadali lang para sa kanya na magmove on, na mag-reset at restart. Siguro panaginip lang ang lahat. At ito ay guni-guni ko lang. Gustuhin ko mang burahin sya sa utak ko na parang multong naglaho, hindi ko magawa dahil alam kong nangyari talaga lahat ng iyon. 

Kung ikukumpara sa laro ang nangyari sa amin ni Claud, siguro na overwrite na nya sa memory card yung laro namin kaya nya nakalimutan. Pero ako, eto pa rin lumalaban hanggang matapos ang lahat ng levels. Kasama na dun yung levels ng paglaban para kay Claud. Iniwan nya ako na dapat ay partner kmi dahil kami ang Player One at Player Two. At kailangang dalawa kaming maglalaro para manalo. Pero iniwan nya na ako, kaya hirap na hirap na ako magpatuloy sa buhay ko.

Mag-isa na naman ako... 

Hindi ko alam kung kailan sya babalik, kung makapagsimula sya ulit hanggang sa umabot ulit sa kung saan man ako. Dahil na-stuck na ko sa level na to. At sana sa pagbalik nya ay maramdaman nya na ginawa ko lahat para sagipin sya at ibalik ang life nya. Kung pwede ko lang siyang i-heal gamit ang medkit ko, gagawin ko. Pero kahit sarili ko, di ko maheal dahil kinakain pa rin ako ng malulungkot na bagay. Yung takot ko na iniwan nya ako. Parang namatay na rin ako.

27:17 (TWENTY-SEVEN SEVENTEEN)Where stories live. Discover now